Gallery

Blanko

Marahil magsisisi ako pagkatapos kong isulat ito. Marahil sasabihin ko sa sarili ko na sana hindi ko na lang sinulat ‘to. Iisipin kong mali ako at iisipin kong hindi na ako nag-iisip.

Nasasaktan ako ng sobra. Nasasaktan ako dahil nagkamali ako sa pagpili ng mga taong pagkakatiwalaan ko. Nagsisisi akong hindi ako lumaban at pinili na lamang tumahimik para sa kapakanan ng mga taong akala ko hindi ako iiwan. Pinili kong magpatawad kahit alam kong kahit anong oras pwede akong saksakin sa likod o sakalin habang nakapikit ang mga mata.

Inaamin ko hindi ako perperktong tao at sa pagkakamali ko mas mabuti nang sunugin ako sa impiyerno. Inaamin kong isa akong impokrita at naglalakad na demonyita. At higit sa lahat, gabundok ang mga kasalanan kong umaalingasaw sa baho.

Maghanap pa kayo ng mga kasalanan ko, dahil sinisigurado akong hindi kayo mauubusan. Magsalita pa kayo ng kung anu-anong kabulastugan ko, dahil baka yan ang ikasasaya niyo. Halukayin niyo ang baul ng pagkatao ko dahil baka yumaman pa kayo. At magsumbong pa kayo sa patay niyo ng ninuno baka multuhin pa ako sa sobrang pagmamaltrato ko sa inyo. Sige lang.

Nasa punto ako ngayon na pinagduduhan ko na ang pinaniniwalaan ko. Nasa punto ako kung kailan iniisip ko kung tama nga ba ang mga prinsipyong pinaglaban ko at kung tama ang mga taong nagsabi sa akin na ganito ang tama, ganito ang mali. Anuman ang magbago sa paniniwala at pagkatao ko,dahil yun sa puntong ito kung kailan babalik ang lahat sa blanko.

20 thoughts on “Blanko

  1. sunnystarfish's avatar sunnystarfish says:

    Ok lang yan, nangyayari talaga yan eh. Basta kung ano ang kutob mo yun ang paniwalaan mo. Minsan kasi mas ok na wala na lang pakialam, bingi bingihan o di kaya bulag bulagan. Easy lang, lilipas din yan πŸ™‚

    Gandang araw Kat πŸ™‚ Ngiti na ha πŸ™‚

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      jeeeec.. parang pareho tayo ng pinagdadaanan ngayon ha.. haist..

      tama ka jec, may natututunan tayo sa mga ganitong sitwasyon. πŸ™‚

      Like

  2. ianyce's avatar ianyce says:

    always remember lahat ng tao may mga siketong tinatago at yung iba’y baka mas malalaki pa kesa sa mga kasalanang nagawa mo kaya wag kang mag-alala basta piliin mo sa sususnod yung mga taong mapagakakatiwalaan mo

    -akalain mong nag-advice daw ako????? tanung advce nga yun???? ahehehehehee

    Like

  3. Arkhut's avatar Arkhut says:

    just doing my blog hop.

    pumuna ang inosente at walang malay. πŸ™‚
    chillax. isang kape lang katapat nyan at hingang malalim.

    pag walang epek pa din, punta ka ng 711.
    sa may drinks section nila dun. hanap mo yung isang bote dun na makapagpapatanggal ng lumbay mo.. “MOGU MOGU” yung name. 28petot lang yun.

    yan pantanggal ko ng stress pag tipong nararamdaman ko ang nararamdaman mo. after nun, solb na ako. sabayan mo lang din ng 2 stick menthol black ng marlboro. solb na!

    hahaha. πŸ™‚

    *blog roll mode.

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      ahahah. πŸ™‚ salaamat naman sa praktikal na payo pero hindi ko ata alam kung saan ang 711. heheh. baka mwala ako. ^^

      atsaka,me no smoke eh. heheh. πŸ™‚

      gandang araw saΓ½o! πŸ™‚

      Like

Leave a reply to ianyce Cancel reply