Marahil magsisisi ako pagkatapos kong isulat ito. Marahil sasabihin ko sa sarili ko na sana hindi ko na lang sinulat ‘to. Iisipin kong mali ako at iisipin kong hindi na ako nag-iisip.
Nasasaktan ako ng sobra. Nasasaktan ako dahil nagkamali ako sa pagpili ng mga taong pagkakatiwalaan ko. Nagsisisi akong hindi ako lumaban at pinili na lamang tumahimik para sa kapakanan ng mga taong akala ko hindi ako iiwan. Pinili kong magpatawad kahit alam kong kahit anong oras pwede akong saksakin sa likod o sakalin habang nakapikit ang mga mata.
Inaamin ko hindi ako perperktong tao at sa pagkakamali ko mas mabuti nang sunugin ako sa impiyerno. Inaamin kong isa akong impokrita at naglalakad na demonyita. At higit sa lahat, gabundok ang mga kasalanan kong umaalingasaw sa baho.
Maghanap pa kayo ng mga kasalanan ko, dahil sinisigurado akong hindi kayo mauubusan. Magsalita pa kayo ng kung anu-anong kabulastugan ko, dahil baka yan ang ikasasaya niyo. Halukayin niyo ang baul ng pagkatao ko dahil baka yumaman pa kayo. At magsumbong pa kayo sa patay niyo ng ninuno baka multuhin pa ako sa sobrang pagmamaltrato ko sa inyo. Sige lang.
Nasa punto ako ngayon na pinagduduhan ko na ang pinaniniwalaan ko. Nasa punto ako kung kailan iniisip ko kung tama nga ba ang mga prinsipyong pinaglaban ko at kung tama ang mga taong nagsabi sa akin na ganito ang tama, ganito ang mali. Anuman ang magbago sa paniniwala at pagkatao ko,dahil yun sa puntong ito kung kailan babalik ang lahat sa blanko.
I got your back no matter what. π
itutumba natin sila.. haha
LikeLike
ayun oh, si hearthrob bumibisita dito.. ^^ baka magselos yung mga umaaligid sa’yong girls ha? π heheh
LikeLike
wag kang magpapatalo sa kanila kat~!
kaya natin sila π
LikeLike
kiripay! π heheh
nakita ko yung picture mo sa blog mo, para ka ring korean. π heheh
gandang araw katy! π
LikeLike
Ok lang yan, nangyayari talaga yan eh. Basta kung ano ang kutob mo yun ang paniwalaan mo. Minsan kasi mas ok na wala na lang pakialam, bingi bingihan o di kaya bulag bulagan. Easy lang, lilipas din yan π
Gandang araw Kat π Ngiti na ha π
LikeLike
akala ko si jec π
LikeLike
hehe gawa nga ni Jec yan pero ako yan ako, ako hehe
LikeLike
salamt gince. π kiripay!(carry ba talga meaning nito? nakuha ko ‘to sa pagbabasa ng blog mo eh. XD)
sana nga gince,lilipas din sana ‘to. π
gandang araw gince! π
LikeLike
It is not a matter who is trustworthy or not. It is a matter of who will betray you the least.
LikeLike
dumugo ilong ko dito kuya cheese. π nwei, salmat sa payo. π
LikeLike
isipin mo na lang pwede kang lokohin ng lahat ng tao, kaya piliin mo yung sa tingin mo na pinaka hindi manloloko.
via Google Translate hahaha
LikeLike
Kaaaaaat, hindi natin sila batiii!
oks lang yan. lilipas din.
Ang alam ko lang sa mga gantong sitwasyon natututo talaga tayo π
LikeLike
jeeeec.. parang pareho tayo ng pinagdadaanan ngayon ha.. haist..
tama ka jec, may natututunan tayo sa mga ganitong sitwasyon. π
LikeLike
i was here.
you know who i am.
ngiti na. [–.]
LikeLike
hmmm.. bakit parang nahihirapan ako mag-guess..
LikeLike
sinabi mo pa, mahirap magtiwala ngayon kahit sa sariling kamag-anak.
link ex po π
online journal
my soltero baby
LikeLike
always remember lahat ng tao may mga siketong tinatago at yung iba’y baka mas malalaki pa kesa sa mga kasalanang nagawa mo kaya wag kang mag-alala basta piliin mo sa sususnod yung mga taong mapagakakatiwalaan mo
-akalain mong nag-advice daw ako????? tanung advce nga yun???? ahehehehehee
LikeLike
akalain mong may advice ka palang baon? π heheh
salamt sa payo. π naman! π
LikeLike
just doing my blog hop.
pumuna ang inosente at walang malay. π
chillax. isang kape lang katapat nyan at hingang malalim.
pag walang epek pa din, punta ka ng 711.
sa may drinks section nila dun. hanap mo yung isang bote dun na makapagpapatanggal ng lumbay mo.. “MOGU MOGU” yung name. 28petot lang yun.
yan pantanggal ko ng stress pag tipong nararamdaman ko ang nararamdaman mo. after nun, solb na ako. sabayan mo lang din ng 2 stick menthol black ng marlboro. solb na!
hahaha. π
*blog roll mode.
LikeLike
ahahah. π salaamat naman sa praktikal na payo pero hindi ko ata alam kung saan ang 711. heheh. baka mwala ako. ^^
atsaka,me no smoke eh. heheh. π
gandang araw saΓ½o! π
LikeLike