Gallery

Magkano ka?

Pebrero na naman. Panahon na naman para kumita ang flower shops,greeting card companies,chocolate factories at higit sa lahat,kaming mga may organizations dito sa school. Panahon ito na patokย  ang fund raising activities , kaya ang bulletin boards namin, nagmumukhang mosaic. Kung sakaling makakapagreklamo ang mga papel, una nilang irereklamo ang “overpopulation”.

Tradisyon na samin dito na may bentahan ng mga lalaki, este may mga auctions ng mga tao tuwing February. bilang fund-raising activity ng house councils ng dormitories o iba pang org.

Ang dalawang freshmen dorms, ang Balay Lampirong tsaka Balay Kanlaon, ang may ganyang tradisyon. Ang kaibahan lang, ang Balay Lampirong, merong auction ng lahat ng male dormers nila at hindi kasama ang female dormers. Tinatawag nila itong “The Bachelor’s Night”.

ito yung poster last year ng "Bacher's night" kasi hindi ko makita sa net ang poster nila ngayon. ๐Ÿ™‚

Habang ang Kanlaon nama’y pumipili ng mga dormers na sa palagay nila ay sikat,heartthrob,o sadyang may “x factor”(o baka gumagawa lang ako ng criteria dito) sa campus, babae man o lalaki.ย  Tawag nila dito, “Auction Night”.

Poster para sa “Auction Night”. Kuha at concept ni Earl Francis Valdehuesa. Ang bongga! ๐Ÿ™‚

Kapag nakabili ka, entitled ka na alilain ang binili mo, sa loob ng 24 oras pero pwede ring hatiin, halimbawa,isang oras sa isang araw para 24 days mo siyang slave(suggestion lang naman). May mga “rules and regulation” o “terms and conditions” naman para ma-protektahan ang rights ng auctionee. Pwedeng magreklamo ang auctionee sakaling umaabuso ang “owner” niya.

Katatapos lang ng Bidder’s Night ng Kanlaon nung February 9. Hindi na naman ako nakapunta kaya medyo nakakapanghinayang.heheh. Pero sa bilis ng balita, nalaman ko kung magkano ang male main auctionee, mahigit P9000 lang naman. Hulaan niyo kung magkano ang female main auctionee. Tumataginting na P10,400. Nakakaloka.

Next week pa ang “The Bachelor’s Night” pero siguro pupunta ako para bumili ng lalaki, este para suportahan angย  highschool classmate ko na nag-transfer dito sa UPV. :)(Triviang ewan, hindi pa ako nakapag-bid dahil sa kadahilanang kuripot ako at kaya ko namang gumawa ng sariling assignment, magtimpla ng sarili kong juice o i-date ang sarili ko.heheh)

Wala lang,gusto ko lang i-share ang ilang activities dito sa school. ๐Ÿ™‚ Sinimulan din ang speed dating slash auction night slash party ang “Green House Effect” ng isang academic org dito(Clovers). Sayang at di ako nakapunta, isa pa naman sa auctionee ang crush ko. Ang landi. XD

poster para sa "Green House Effect".gawa ni Nicolo Doplayna at Venice Hulleza. ๐Ÿ™‚

Taga-Lampirong ako nung first year kaya hindi ako na-auction, at kung na-auction ako, I’m sure mahal ako, siguro mga P10,000 plus pancit canton. wahahah. Ang kapal lang. XD Sa araw na ‘to yan ang kwento ni Kat. ๐Ÿ™‚