18 Summers Together

 ‘We get 18 delicious summers with our children. This is one of your 18. If that’s not perspective, I don’t know what is. ‘

Jessica Scott

Nabasa ko lang yan sa isa din sa mga blogs na pina-follow ko. At sa totoo lang, it has given me a perspective kung gaano din kaikli yung panahon na kasama ko yung mga anak ko. Some moms would debate on why you should not tell this quote to them. Kasi daw, moms don’t need more pressure on how much time they have to spend with their kids. Yeah, medyo tense talaga mga nanay, kaya ang hirap minsan kausapin. hahah. But I am taking this quote as a reminder of the fleeting time I have with my sons. Kaya nga, January pa lang, pumunta na kami ng beach. hahah.

Bago ko pala isalaysay yung tungkol sa beach trip namin, gusto ko munang sabihin kung gaano ka excited yung mga anak kong maligo sa pool o dagat. Yung panganay ko, parang kambing talaga yun, ginawin, kaya naghahanap talaga ng hot water tuwing maliligo. Di ko naman mapagalitan dahil nagmana lang naman sa’kin. Hahah. Isa talaga sa hiningi ko sa asawa kong electrician, eh mag-install ng hot and cold shower sa banyo. At dahil patay na patay siya sa’kin ay pinagbigyan naman ako. Hahah. Yun nga lang, yung anak naming 4 year old, di na rin makaligo kung malamig ang tubig. Huhuh. PERO, pag nasa dagat o kaya ay sa pool, kahit gaano pa kalamig ang tubig, nakakalimutan niya na ang kanyang lahing kambing. Dahil din naging tradition na namin mag beach pagdating ng tatay nila, palaging tinatanong kung ilang tulog na lang bago umuwi ang tatay nila.

Anako kong lamigin pero excited maligo sa beach.
Anak kong lamigin pero excited sa beach.

Yung anak ko namang 2 years old. mahilig magbabad sa tub. At palaging naka swimwear sa loob ng bahay. Bumili talaga ko ng banyera dahil araw-araw niyang gusting magbabad. Sumuko na kasi ang mga inflatables nila. Meron din namang pool sa clubhouse, kaya lang, halos araw-araw pong gustong maligo ng anak ko sa pool kaya we settled sa banyera.

Inflatable pool ng kapitbahay.
Inflatable pool ng kapitbahay. XD
Yung banyera.

Ganyan nila ka gusto ang mag beach. Kaya naman, pumunta kami sa pinakamalapit na white sand beach dito sa’min, sa Lakawon Island ng Cadiz City. Mga around 1 hour lang naman siya na biyahe papuntang North ng Negros. Tapos dun kayo sasakay ng pump boat sa Cadiz Viejo Port or Lakawon Port papuntang Lakawon Island. Kung sakaling you are commuting, pwedeng sumakay sa bus sa North Bound Terminal, bus na papuntang Cadiz City. Tapos bumaba kayo sa Martisan Crossing, from there, pwede kayong sumakay ng tricycle papuntang Cadiz Viejo Port or Lakawon Port. Tapos pump boat na papunta sa isla, mga 10-15 minutes na biyahe lang naman.

Yung fees naman, ang current fee nila ay Php 750 per adult, Php. 620 para sa mga 5-12 years old, Php. 600 sa senior at PWD, at libre sa mga batang 4 years old pababa. Inclusive na yan ng entrance fee, cottage, tsaka nung boat ride papunta sa isla at pauwi. But take note, punuan hanggang 20 dapat yung passengers ng boat. Kaya maghihintay pa kayo ng ibang passengers kung less than 20 kayo, pero kung ayaw niyo naman maghintay, may special trip worth Php. 1500. Boat rides start at 7:00 AM at yung last trip ay 5:00 PM. Wala pala silang corkage fee kaya pwedeng magdala ng sariling food and drinks. Meron din namang restaurant and bar dun kung medyo nakakaangat naman kayo sa laylayan. At sa mga gustong mag overnight, please refer na lang sa website nila, heto oh, http://www.lakawonislandresorts.com/. At kung di gumagana yung link, heto ang facebook page nila–https://web.facebook.com/lakawonislandresort.


Twice na kaming pumunta dito sa Lakawon Island, kasi nga kung gusto niyo talaga ng white sand beach, heto yung pinakamalapit sa Bacolod. Pwedeng mag day trip lang. Marami din naman silang mga activities pero ang parang attraction nila ay yung floating bar nila na ang pangalan ay “Tawhai” which means “Serene” o “Chill”, depende sa context. Libre lang din ang boat papunta sa Tawhai Bar. Kaya lang, di available nung second na visit namin.

Sa Tawhai Bar.
Obligatory Family Picture nang una naming pagpunta.

Gusto ko lang i-document ‘to. Nakakalimutan ko kasi minsan. Sobrang saya talaga ng mga anak ko sa trip na ito. Dala nila yung mga dinosaur toys nila kaya kasama din naming mag-swimming yung dinosaurs. Naisipan din ng mga anak ko na maglaro sa buhangin, siyempre, kasama din ang mga dinosaur. Pagka sampa pa lang namin sa isla, nagyaya na silang maligo. Nagpahinga lang nung lunch time. Pero balik dagat agad pagkatapos kumain. Parang hindi na maawat. Sa sobrang pagod ng bunso ko ay nakatulog ng hindi pa nakabanlaw. Nakapagbanlaw naman yung panganay pero naghanap pa ng hot water. hahah.

Heto pala yung ibang pictures sa latest na visit namin. =)

Boat ride mula sa Lakawon Port. =)
Si Bobby. Yung dinosaur na katabi sa pagtulog. Kasama sa pagligo. At ngayon ay kasama sa beach.
Selfie muna bago banlawan ang mga anak. hahah

According sa quote, we only have 18 delicious summers with our kids, kaya heto, January pa lang, nag-beach na. Sa February naman uli. XD