Bakit Hindi Advisable ang Manood ng Teleserye?

Sabi nila, hindi daw maganda ang navel-gazing para sa isang essay. Kaya heto na naman ako, sumusulat nang ganyang klaseng essay. XD

Bakit kaya ganun? Ang dami-dami kong mga naiisip na parang napaka-brilliant sa isip ko, tapos ang nasusulat ko sa papel ay po-tey-tows. Tapos biglang, ayaw ko ng penmanship ko, hindi coherent, hindi ko alam ang ending, o kaya naman, iisipin kong may mas maganda pang version ‘to, kailangan ko lang maghintay ng inspiration. And after 6 months, hindi pa na-a-update ang blog ko. Bakit ganun? Bakit ang mga manunulat, sobrang nahihirapan magsulat? At asan ba nabibili ang inspiration?!

Kaya susubukan kong magsulat.. konti lang. hahah. At least thrice a week, ok na siguro yun. =) Pero hindi ako nagpa-promise. Gusto kong magsimula tungkol sa kung paano ko nahanap sarili ko, rather, sa kung paano ako nahanap.

Ako si Kat. Lumaki ako sa pinaka-delikadong lugar sa Bacolod. Yung tipo ng lugar kung saan kapag sasabihin na ng bidang babae sa formal dinner kasama ang parents ng mayaman niyang boyfriend ay magsisitaasan ang kilay ng mga bisita. hahah.

Yung tipo ng lugar na parang tubig lang ang red horse, 24 hours na gising ang mga tao, nirerentahan ang patay para may pasugalan, hindi uso ang family planning, usual ang scene na may lasing sa gitna ng daan, at kapag nag-uusap kailangan magsigawan.

At dahil siya’y isang dukha, mag-iisip ang bidang babae na iahon ang sarili niya sa putikan at maghihiganti sa lahat ng sumakit sa kanya preferably merong scenes na may tulakan sa hagdan at pagtatapon ng tubig sa mukha ng kontrabida.hahah.

O kaya naman, habang buhay niyang iisipin na hindi na siya makaka-ahon sa pagiging mahirap pa sa daga kaya ibebenta na lang ang laman katulad ng kidney,liver tsaka dugo. hahah.

Magkahiwalay ang parents ko. May iba’t ibang pamilya na sila ngayon kaya ang bidang babae ay mag-iisip na mag-rebelde  sa kanyang parents, yung palaging magpapakalasing, magta-try ng droga tsaka sex everyday everywhere, tapos magkaka-baby ng maaga, walang asawa, walang trabaho at walang tsinelas.

Bakit ko ba sinasabi ‘to. Sinasabi ko ‘to kasi may isang nangyari sa’kin nung highschool na nagbago sa lahat ng pwedeng mangyari sa’kin. Nakilala ko ang Panginoon. Totoo.

Andami-daming missions group yung nakapunta sa barangay namin nung bata pa ako. Ilang beses ko ng mapanood ang Jesus’ film. Na-memorize ko na nga ang linya nung ahas.  Di ko na mabilang ang mga libreng tinapay at juice na nakain ko at nainom sa sunday school, ilang ribbons na rin ang kinabit sa’kin sa vacation bible study, at sa tuwing tatanungin ako kung gusto kong tanggapin si Jesus as Lord and Savior, palagi akong taas-kamay agad. At sa tuwing magkakaroon ako ng kasalanan, tatanggapin ko na naman Siya. Pero nung highschool ko siya nakita o nung highschool Niya ako nakita.

Sa totoo lang, gusto ko talagang i-kwento lahat-lahat.  Pero ganito. Nakilala ko ang Panginoon nung highschool ako at maraming bagay ang binago Niya sa’kin at binabago pa sa’kin. He was just on time para sagipin ako, sagipin sa sarili ko.

Noon, iniisip ko, mas mabuti na lang ako sa ibang tao kasi hindi ako ganito ganun, mas may chance naman akong makapunta sa langit kesa kay ganito.

Feeling ko kasi noon, ang Diyos parang isang teacher,  tapos sa classroom, iisipin kong, mas mataas naman ang grades ko kesa kay ganito. Tapos mas behave naman ako kesa kay ganyan. Mas pasado naman ako kesa sa seatmate ko. Okay na ako.

Pero hindi ganun eh. Napaka-klaro sa Romans 3:23, All have sinned and fall short of the standards of God.   Nung highschool ko na-realized na mali lahat ang paniniwala ko. Na hindi ako mabuti kasi mas ok na ako kesa kay ganito o ganun. Kasi hindi naman ang ibang tao ang standards eh, ang standards ay standards ng Diyos.

So ano ang ibig sabihin nito Kat? Abot mo na ang standards? Actually, hindi.    Ibig sabihin nito, hindi ko kayang sagipin ang sarili ko sa kung anumang kasalanan meron ako.

Ephesians 2:8-9  For it is by grace you have been saved, through faith—and this is not from yourselves, it is the gift of God— not by works, so that no one can boast.

At naging posible ito dahil sa nagawa o ginawa Niya dalawang libong taon na ang nakalipas.

But God demonstrates his own love for us in this: While we were still sinners, Christ died for us. Romans 5:8

Hindi ako perpekto. Hindi perpekto ang buhay ko. At sa totoo lang, andami-daming pagkakataong sumemplang ako ng sobra-sobra with matching mala-gymnastic moves sa buhay Kristiyano. Ilang beses na din akong naging prodigal daughter, layas ng layas, tapos mare-realize na sa bahay ng aking Ama, mas mabuti ang buhay ko, kaya lang nahihiya akong bumalik kasi suwail ako. Pero babalik ako, at sasalubungin Niya ako na para bang wala akong kasalanan at magpa-partey kami.

But while he was still a long way off, his father saw him and was filled with compassion for him; he ran to his son, threw his arms around him and kissed him.

 “The son said to him, ‘Father, I have sinned against heaven and against you. I am no longer worthy to be called your son.’

“But the father said to his servants, ‘Quick! Bring the best robe and put it on him. Put a ring on his finger and sandals on his feet. Bring the fattened calf and kill it. Let’s have a feast and celebrate. For this son of mine was dead and is alive again; he was lost and is found.’ So they began to celebrate. Luke 15 

Sa palagay ko, hindi talaga natin mapipili kung saan tayo manggagaling, kung saan tayo lalaki, kung sino ang magpapalaki sa’tin at kung anu-anong ang mararanasan natin. Pero kaya nating piliin kung hanggang kailan tayo magiging biktima- ng mga bagay, ng mga taong nasa paligid natin, at higit sa lahat, ng sarili natin.

Pwede nating hanapin ang kasagutan sa sarili natin, kaya lang, sa maraming pagkakataon, wala tayong kasagutan kundi puro tanong rin. Kaya ang suggestion ko, hanapin natin sa tunay na nakakaalam. At nasabi ko na kung Sino yun. =)

475291_598041673547298_669046486_o

P.S. Kung hindi niyo napapansin, may libreng tsinelas pala ang prodigal son. hahah.