Ako si Kat. Hindi ako ang pusa ng kapitbahay niyo na tinamad magbigay ng pangalan sa alaga niya. Ako lang ang batang pinangalanang Katrina ng nanay niya dahil ginusto ng nanay na parang maldita sa pandinig ang pangalan. Sa kasamaang palad, ang dami pala kaming maldita pakinggan ang pangalan, kasi naman, mula pa nung elementarya,may kasabay na ako sa pagsabing “Present ma’am!” tuwing binabanggit ang Katrina. Gayunpaman, gusto ko ang pangalan ko, ang nanay ko, ang kaklase ko, at baka gusto ko na rin ang pusa ng kapitbahay mo.
Mahilig akong kumain. Gusto kong isipin na di ako tumataba kahit na gaano kadami ang kinakain ko. Sa kasamaang palad, ang masakit na katotohanan ay pinapahiwatig palagi ng weighing scale sa infirmary namin. May ginagawa ba ako para naman pumayat ng konti? Siyempre meron! Sinasabi ko sa sarili ko na mag-eehersisyo na ako bukas, kaya lang, sinabi ko rin pala yun kahapon at baka sasabihin ko rin yan bukas.
Di ako magulong kausap. Ang kulay ba nang power rangers noon parang pinapahiwatig na racist ang mga superheroes? African American para kay Blck Ranger tsaka Asian para kay Yellow Ranger? Nakapanood na ba kayo ng jetman, kasi parang ilan lang kami ang nabubuhay na alam na may jetman! Kamusta naman yung bagong panganak niyong aso? Ang mahal na pala ng mga tuition ngayon, umutang na nga ako sa loan board, umutang pa ko sa kaibigan ko, para lang mapag-aral ko sarili ko(may ganun!heheh). Uy, meron na namang tuko sa pader! Ang masabi ko lang, mapapatunayan kong di ako magulong kausap.
Nakukuha ko ang gusto ko. Hindi talaga totoo yan, kasi sinabi ko sa nanay ko na gusto kong dagdagan niya allowance ko, at nang tinitigan niya ako, binawi ko kaagad kahilingan ko. Sinabi ko rin na pag-18 na ako, dapat may boyfriend na ako para cool, malay ko bang walang may magkakamaling manligaw sa’kin. Ginusto ko rin ang sportscar na red, kaya lang Fita lang ang kaya kong bilhin ngayon.
Mahilig akong sumulat. Magaling kasi talaga ako sa spelleng, pati na rin sa grammatic ko. Nung nasa elementarya ako at habang nakikinig ng maiigi sa teacher ko kung ano ang mga binebenta niya, pumasok ang principal namin sa room. Sabi niya kailangan nya daw ng mga writers para sa isang contest. Sinabihan ako ng teacher ko na ako daw bahala sa “feature”. Ang sa isip ko,”Makakain ko kaya yang feature na yan?”. Dahil sa tanong na yon at dahil sa hilig ko sa pagkain, parang gusto ko na ang “feature”. Nang nalaman ko kung para sa ano talaga ang feature, naisip kong mas maraming beses ko palang ginusto ito kesa sa pagkain.
Sa araw na’to, yan lang muna ang kwento ni Kat. =)
Ahehehe. Masayang malaman na dumadami makukulit sa WP. Ewan ko paano ka naligaw sa crib ko, sulat ng sulat!
LikeLike
hahah! 😀 salamat! ako ang batang naliligaw at bigla na lang nawawala kaya ayon naligaw ako sa crib mo. Ang dami kasing views ng blog mo kaya nagbasa-basa ako.=) kakatambay ko lang dito sa WP na tagalog, ang kulit! 😀
LikeLike
Bayad yung mga nagvi-view na yun huwag ka maingay, hahaha. Malaking pamilya na din kasi, maglibot-libot ka lang madami ka makikilala. Parang hindi ka 17 y/o sa iniwan mong reklamo sa “angels on booze..” post ko, at that age may lalim ka na, *klap-klap.
LikeLike
hahah. =) may bayad ba? =) andami mo palang pera. heheh. siyanga pala, feeling 17 lang ako, gustuhin ko man na parang si edward collins lang na palaging 17, di pwede. hahah.
LikeLike
andito din pala itong si yin oh.hahaha welcome to wordpress kat.hehehe
LikeLike
salamat sa pagwelcome! =) paano ka naman naligaw dito? =) heheh
LikeLike
Eh ilang taon ka na?
LikeLike
tatlong taon ng 17? hahah. =)
LikeLike
Ahhh. Hahaha. Parang ako hindi na sasampa ng 25. Hahaha.
LikeLike
hahah. =) ako hindi na aalis sa 17. kung may puting buhok na ako, sasabihin ko lang na blonde ako. hahaha. =)
LikeLike
Huwag naman, paabutin mo ng bente hihintayin kita, hahaha.
LikeLike
hahah. =) gusto ko pang maging bata, kaya 17 na lang muna ako. =) ang maganda diyan, kung gusto kong maging beinte bukas, pwede rin. =) hahah
LikeLike
Ikaw pala si Kat.
Ako si Pong.
ahahahah
LikeLike
hahah. =) ako nga si kat. =) hahah. helow pong! gandang araw! =)
LikeLike
Puwede ka bang maging veinte sa miyerkules? Hahaha.
LikeLike
hahah! tatanda kaagad ako niyan. =) tumatanda na rin si yin! =) adbanz yin! =)
LikeLike
Pusong bente pa rin ‘to uy!
LikeLike
hahah. =) kulit! =) adbanz pa rin sa’yo, shmayl lng ng shmayl yin! =)
LikeLike
Lumangoy para makarating dito, mainit kasi sa labas…
Nice….nadagdagan ang lalanguyan ko….
LikeLike
salamat sunnystarfish! =) gandang araw sa’yo! =)
LikeLike
Yun oh, si Gince andito hehe.
LikeLike
Hmp!!! Bakit bawal ba?
LikeLike
hahah.=) hindi bawal tumambay dito. =) welcome guys, daan rin ako sa blog niyo ha? =)
LikeLike
Hindi yun ang sinabi ko. *wenk wenk
ang sabi ko “uy may magandang dalagang nagawi, friend na si sunnystarfish na ayaw patawag ng pangalan niya, ang saya naman na nandito ka rin, yey!”
yun ang sinabi ko, Gince. Gince. Gince. Hehehe.
LikeLike
@ kat : sige lang, mamasyal ka lang dun. Pasensya na may bolerong(yin) nagawi dito. haha. Gandang umaga!
@ bolero : weh! Bola!!! Bola bola o asado? Gandang umaga Yin, Yin, Yin.
LikeLike
@Gince
torta! Hahaha. Bolero daw.
LikeLike
haha kala ko enselada….
LikeLike
swerte ang mga bata maraming time sa kung anu-anong bagay pero hindi naman nila afford.
pagnagtatrabaho ka na marami ka ng maa-afford pero wala ka namang time.
lol. may masabi lang.
LikeLike
yun rin sabi ng isang kuya ko.. there are three stages in life. =) teens. they have all the energy and time, but they don’t have the money. =) adults. they have money and energy, but they don’t have time. old. they have the time and money, but they don’t have the energy. =) heheh. salamat sa pagbisita dito. =)
LikeLike
weeeeh? eh di adult na pala ako… XD hahaha, jowk!
LikeLike
Suguro ang kulit kulit kulit kulit mo ng bata ka!!! hehe
LikeLike
hahah. =) hindi ah, ang bait-bait ko nga eh! 😀 heheh. salamat sa pagbabasa ng mga kwento ko metaporista! =)
LikeLike
ang cute hahahaha.. natawa naman ako dun… hmmm..
hindi ka naman magulong kausap, youre easy to distract! pati ba naman tuko sa pader pinansin mo?! natawa talaga ako… wahahaha
LikeLike
ako ba yung cute? 😉 o yung tuko? =) andami kasing tuko sa dorm namin, harmless naman. hahah. =)
pero hindi ako madaling ma-distra- oy! kaninong ice cream yang nasa sala? 😉 heheh
gandang araw lee! =)
LikeLike
nung kwento, hindi ikaw! 😉 hahahaha… feeling nito XD hahaha joke lang!
hindi ba talaga??!
magandang araw 😀
LikeLike
ahahah. 😀 ang kwento ba? =) akala ko ako na. hahah. =)
next time, baka mag-post rin ako tungkol sa mga tuko dito sa dorm. hahah. at yung ice cream pala, binili ng roomate ko para sa’kin. heheh. may masabi lang. hahah
gandang araw saýo lee! =)
LikeLike
ako! ako! napanood ko ang jetman! isa yan sa mga paborito ko nung bata pa ako. tama ka, konti nga lang tayong nakakaalam ng jetman. dahil diyan, apir! 😀
LikeLike
apir! 🙂 like na kita nurseblublu! 🙂 hahah. palagi talaga ako nanonood niyan eh tsaka crush ko talaga si Black condor. hahah
gandang araw! 🙂
LikeLike
hangkulet! hindi ko alam kung naligaw ka na sa datkom (tingen ko naligaw ka na nga dati) pero ako, magbabalik talaga rito.
alam ko ang jetman at kabisado ko pa nga ang intro anthem nila (jet-o-jet-o-jet-o-man!). mahilig din ako magsulat at alam mo kung ano ang nakakatawa? forte ko ang feature writing nung elementary at hayskul. namimiss ko na nga ‘yung mga schools’ press conference na ‘yun dahil nakakasakay ako ng barko at eroplano at nakakapunta sa iba-ibang lugar sa pilipinas nang libre. haaay….
o pano, hanggang sa muli katrina (halili!) :p
i’m never gonna dance again,
lio loco
LikeLike
nakapunta na ako dun sa datcom mo lio loco. 🙂 nag-congrats ako dahil naiinggit ako sa napanalunan mong portable hard drive. heheh
yey! 🙂 may nakita na naman akong nanonood ng jetman! 🙂 alam mo, nung una kong kinuwento yang jetman, sinabihan nila akong gumagawa lang ng kwento-kwento..T.T kaya na-inlab ako sa naka-memorize ng mga pangalan ng mga jetman. hahah
sumasali ka rin pala sa mga schools’press conference? 😀 yan yung contest a pinagsasabi ng principal namin eh. hahah. at feature writing yung nasalihan kong event. hahah
salamat sa pagbisita sa pahina ko lio. 🙂
gandang araw! 🙂
LikeLike
magaling..mahusay..
LikeLike
Hi. I am a graduating student from UP Manila and blog hopping led me here. 🙂 I was wondering if you could answer a survey I made regarding Filipino bloggers. This is for my thesis and answering will only take you a couple of minutes.
http://www.kwiksurveys.com/online-survey.php?surveyID=HLEKII_31745bbc
Confidentiality will be of utmost priority. Answering my survey will be very much appreciated. Thanks! 🙂
LikeLike
Hello there! 🙂
Nakita ko un link mo kay Jec.. :))
Congratz pala!!! XD
*P.S. ang kulit ng description mo, nakaka-aliw basahin!
Have a good day!
peace&smile,
_korhz
LikeLike
Pambihira! Napahagalpak ako sa katatawa habang binabasa ko ‘tong sinulat mo. At dahil dyan, susundan ko ang mga kapana-panabik na tagpo ng buhay mo at ilalagay kita sa listahan ng mga nawawalang Teletubbies sa blog ko–or in other words, ang tinatawag nilang blogroll.
Ipagpatuloy mo ‘yan! Keep writing. 🙂
P.S. Bakit nga kaya pag Katrina ang pangalan, masusungit kagad ang unang impression? Haha. I had the same first impressions sa mga naging kaklase kong Katrina ang pangalan. Ah ewan. 😛
LikeLike
salamat raymond. ^^ maraming salamat sa pagbisita mo sa’king blog at paglagay na rin ng pangalan ko sa iyong blogroll. 🙂 nakabisita na ako sa blog mo at napahanga ako sa mga pictures. ang galing lang talaga! 🙂 nahihiya tuloy aakong umepal.^^
hahah. andami ring nagsabi sa’kin na yan ang first impression nila saken at yan talaga ang totoo. hahah. Maldita talaga ako.XD
gandang araw saýo raymond at welcome sa pahina ko. ^^
LikeLike
Ang cute naman nito. Nakakatuwa. 🙂
LikeLike
ang cute mo!
LikeLike
Naliligaw ako at nakahanap ako ng masayang kausap. Hello! 😀
LikeLike
nice theme! ang neat! =)
LikeLike
Salamat sa page na ito, natawa ako 😀
LikeLike
welcome resident patriot! 🙂 at salamat din sa pagbabasa at pagtambay dito! 🙂
LikeLike
hello..
buti sinabi mong hindi ikaw si ‘cat’. so, naisip ko kung hindi ikaw si cat, baka naman ikaw si ‘cut’. buti nalang niliwanag mo.ikaw pala si kat 🙂
nakibasa lang po.
LikeLike
hahah. hello!^^ salamt sa pagbisita!yup, ako nga si kat! hahah. nice to meet you Eli! 🙂 Kamusta ka? I’m fine naman, thank you!
LikeLike
kulet mo talaga.. AMEN nalang masasabi ko and keep up the goodwork.. 🙂
LikeLike
Kamusta? hindi ko alam kung baket ako napadpad dito pero padaan na din at patambay. medyo bago nga pala ako dito, ako po si dyizzie.
LikeLike
haha, ako rin di rin ako magulo kausap. haha
LikeLike