Lucky Manzano Yarn?

Bumili ako ng lotto ticket kahapon, yung scratch. First time kong bumili. Kasi palaging may joke yung mga kaibigan ko na maswerte ako sa mga pa raffle at mga pa-contest. Bakit daw di ko subukang tumaya sa lotto, at baka manalo. Hahah.

Kung bakit nila nasabing maswerte ako… ganito kasi yun.

Nanalo ako nitong bookcase galing sa Mandaue Foam.

Ako din ang napiling winner dito, kaya nanalo ako ng isang bag from Modern Ilongga-isang local bag shop. Ang ganda ng products nila–handmade. Try niyo search ang page nila.
Nagpasa din ako ng dad joke dito sa Human Nature at nanalo ng products nila. Gumagamit talaga kami ng Human Nature Products kaya walang tapon o sayang sa napanalunan namin. Try niyo yung mga Baby Products nila kung sakaling sensitive ang skin ng anak niyo. Recommended by our pedia ang products nila.
Nanalo din ako ng scholarship para sa anak ko. Yung scholarship ay para sa mga pre-Kindergarten and pang homeschool yung curriculum. Ako pa din naman ang magtuturo, pero free na ang materials na pwedeng i-print. Meron ring weekly playschool na kina-enjoy naman ng anak ko. Baka mag-blog ako tungkol dito kasi deserve nung school(Archers Homeschool) na mas makilala sila. Bukod sa faith-based na siya(na priority para sa’kin), play-based din, kaya di masyadong nakaka-pressure sa part ko.

Bukod sa mga nabanggit ko na, meron nga pala akong “Xpander(brand ng sasakyan namin) Car Group” na nasalihan kung saan pinasulat kami tungkol sa kung bakit Xpander ang napili naming sasakyan. Ang mapipili ay pwedeng maging endorser sa latest campaign nila. Eh gusto yung mga pa ganun. Yung magsasalita ka lang, tapos bibigyan ka ng pera. hahah. Akalain mong napili yung entry ko. Dahil blog ko naman ‘to, syempre hindi ako mahihiyang mag-plug ng endorsement namin. hahahah

At heto na nga ang latest mga Mare, meron akong sinalihang writing contest last year. Yung Write to Ignite Blogging Contest by Comco SouthEast Asia. At hulaan niyo sinong nanalo. Basahin yung full artcile dito. =)

Spoil ko na kayo, ako nanalo. Ayiiii. Congratulate me friends. Hahaha

Hindi exhaustive ang list na ‘to. Nilista ko lang yung napanalunan ko for the past two years. At kung meron mang “swerte”, hindi yung mga nakalista ang una kong maiisip. Yung una kong maiisip ay yung asawa ko. Kasi, sa kanya pa lang, parang nanalo na ako sa lotto.

Lucky Manzano yarn? heheh

2 thoughts on “Lucky Manzano Yarn?

Leave a comment