Bakit Di Na Ako Pwedeng Maging Hubadera

Gusto ko lang isulat ang mga realizations ko tungkol sa pagsusulat. Ito kasi talaga ang ginagawa ng mga wala nang maisulat–nagsusulat tungol sa pagsusulat. Hahah. Clickbait lang yung title. 🤣

Salamat sa Crush Ko Nung Elementary

Nagkaroon ako ng diary nung meron akong crush sa’min. Crush ko siya kasi ang cool ng kulay ng buhok niya, kulay Aniel blue.Hahah. Tapos palagi siyang nananalo sa Tamiya Racing Contest, rechargeable kasi ang battery ng laruan niya kaya yung Tamiya niya, parang nagwawala. Habang ako saling pusa lang kasi free lang sa Magnolia Ice Cream yung racing car ko. Hahah.

Nung di na uso ang Tamiya, nawala din ang kilig ko. Nag diary pa ako,eh hindi pala yun kilig kundi inggit. Hahah.

Pero salamat sa kanya, nagkaroon ako ng hobby bukod sa sumali sa racing tournament na wala naman talaga akong chance na manalo.

Kung Saan Ako Winner

Pero merong isang paligsahan na nananalo ako palagi at yun ang mga Writing Contest. Diba nung elementary, kung sino yung nasa Top Ten, sila-sila lang din ang pinapasali sa mga contest? Kaya isa ako sa pinadalang contestant. At tama ka, pa simpleng flex yan na naranasan ko din ang maging honor student. Hahah

Akala ko talaga Picture Writing yun eh. Kasi sa Division Schools Press Conference, yung instruction ay magsulat tungkol sa picture na binigay sa’min. Buti na lang nanalo pa akong 7th kahit lost ako. Pagkatapos kasi nun, meron ng workshops kaya dun ko nalaman na “Feature Writing” pala yun? Hahah. Nanalo ako ng 4th ata sa Regional at 2nd sa National.

Nalaman ko na lang na medyo big deal siya ng nakita ko picture ko sa newspaper. Flex din yan. 😁

Naging first place sa Negros Division nung highschool. And once in a while, may mga butihing teachers sa college na may magandang comment sa reaction papers. Looking back, kahit parang maliit na bagay, napapangiti ako nun at nahihikayat pang sumulat.

Pero Yung Totoo?

Pero I will be honest with you. Hindi ko talaga alam kung paano ang magsulat. Ibig kong sabihin hindi ko alam kung ano ang mga elemento na dapat napapaloob sa isang gawa. Bukod sa haba, hindi ko na alam ang kaibahan ng nobela, sa maikling kwento, sa dagli. Ang alam ko lang talaga ay ang mag-isip ng salita; magtagpi-tagpi ng pangungusap; bumuo ng talata at ilahad ang kwento ko. Yun lang. Kung kaya’t hindi ko talaga alam kung matatawag ko ang sarili ko bilang manunulat. At marami talaga akong kaibigan na magaling magsulat. Siguro paraan ito ni Lord para wag ako masyadong maging mayabang.

Kung medyo maging selfish na ako, itutuloy ko na siguro ang pag-aaral o kahit mag attend lang man ng seminar tungkol sa pagsusulat.

This Was Private

Matagal-tagal din bago ako nag-blog uli. Naka tengga lang ‘tong blogsite ko, pati ang facebook page ko ng ilang taon.

This blogsite was on private. Until my cousin encouraged me to join a blogging contest by ComCo SouthEast Asia. According sa mechanics nila,sa blogsite talaga ang entry at hindi sa fb page kaya I made this public again. Sinubukan ko lang. Wala namang mawawala. Aba’y akalain mong nanalo ako? Sabi ko sa inyo, dito talaga ako winner. Hahah.

Influencer Yarn?

May mga friends akong influencers, maraming followers sa facebook tsaka instagram. At nalaman kong medyo maganda palang side hustle yung blogging. Gusto ko rin sanang subukan. Kasi bukod sa kumikita ka na, meron ka pang matatanggap na mga free stuff. hahah.

Yung kahit na member na ako ng home buddies, at hindi ko na na experience ang masampal ng plastic sa jeep, nananalaytay pa rin ang dugong hampaslupa sakin. Hahah.

Pero nagbago na ang landscape ng blogging at di ko na alam paano magsisimula.

Today, blogging is a powerful brand tool. Baka ganun rin siya dati, di ko lang alam. Ngayon, parang either you should get some knowledge or be pleased sa aesthetics nung pina follow mo. Dati, hindi ko naman alam kung ilan followers ng nasa blogroll ko, di ko rin napansin kung ano quality ng pictures. I just enjoy reading kung kamusta sila. Nakaka-miss sa totoo lang.

Ngayon, influencers na pala tawag sa mga bloggers. Dito pumapasok ang dilemma ko. Kasi I don’t consider myself as an influencer and I don’t intend naman to influence my readers. I’m just hoping to add value to them kahit papaano.

I Try

Moving forward, I’m just trying to grow my ig kasi you need a certain following pala para ma consider ng mga brands. Eh paano na, matagal ko nang napabayaan yun.

Wala namang pressure. I just try to write kung ano yung closest sa heart ko. And that’s Jesus. Hahah. Ang corny ko. Sorry naman. Pero kung maka-post nga ang mga Marcos Apologist, proud na proud. Ang sarap tampalin. Ako pa? Eh I’m writing about the best person who ever lived.

Kung hindi naman mag take off yung page at instagram ko, ok lang. At least I have written something na gusto ko talagang isulat. Yung masaya akong it’s out there. At mas doble yung saya kapag may natatanggap akong message na may na-inspire sa sinulat ko.

Ayoko Talaga Sinasabing Christian Ako

Andaming disadvantages talaga pag pinaalam mong Christian ka(pero nag evolve into Christian blog yung page ko.huhuh) May double standards. People expect a lot from you. At bilang isang panganay na babae sa pamilyang Pilipino, that’s the last thing I want. Hahah.

But I can’t help it. I can’t help but write about what makes me happy. Alam ko na ang rason kung bakit di na ako nakapagsulat. It was because I was selfish. I wanted to enjoy all the perks of being a Christian without facing the implications of being one. Na realize ko na lang na when I started writing again, tungkol pala sa journey ko ang gusto kong isulat–and my faith is a big part of it.

Ngayong it’s out there. Hindi na talaga ako pwedeng maging hubadera. Di ko naman talaga pinangarap, pero ayun, I have limited options now. Hahah.

Kaya heto, wala pa ring focus kung ano ang gusto ko. Naging public yung domain ko because I wanted to join a contest. Trying to grow my instagram now para sana magka side hustle but I realized na I’m gaining something else–my desire to write again.

Even For this Reason Alone

I am also in the process of healing. Ang dami-dami ko talagang bubog, ano po? Hahah. And thru writing, I’m able to take the first but hardest step, opening myself up. Natatakot ako. Kasi it makes one vulnerable. Pero if it helps someone else to be encouraged, inspired, or be blessed, it’s worth it.

I’m still trying to figure out my voice. Ni hindi ko nga alam kong Filipino ba o English gagamitin ko. Pero I’m planning to continue. Support me please. Hahah.

Gusto ko lang share ang quote na ‘to by one of the best writers…

Child, to say the very thing you really mean, the whole of it, nothing more or less or other than what you really mean; that’s the whole art and joy of words.ā€

C.S. Lewis

Kung makapaghiwatig ako ng gusto ko talagang sabihin, at ang maintindihan gamit ang mga pinagtagping salita… masaya na ako.

Umabot ka dito? Aylabyu!😘

-Kat

4 thoughts on “Bakit Di Na Ako Pwedeng Maging Hubadera

  1. Picture Writing HAHAHA

    “nagbago na ang landscape ng blogging” totoo ito! Wala na ang dating mga nagba-blog pero may mga active pa din magsulat – iba na nga lang sila. Ang babata! Tita na talaga ako.

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      Sana naman kasi may orientation bago salang sa contest. Hahaha

      Yes, iba na te. I am yet to discover them.Parang iba din yung influencers. Hahah. Will just keep the platforms until further notice…ay may ganun? Hahah.

      Di pa rin pala pwede mag comment sa blog mo. Hahaha

      Like

Leave a reply to xenia Cancel reply