Antagal na bago ako nakapag-update ng blog ko, lalong-lalo na sa lit blog ko. Marami akong kwento na naka-tengga dun sa lappy ko pero nasira eh kaya gagawan ko pa ng paraan para mai-update yung blog ko habang sira ang laptop ko. So, sa mga nag-aabang sa mga kwento dun, pag-pray niyo pong maayos na yung lappy ko. ^_^ Kung wala namang nag-aabang, ah eh, di bale na lang. hahah.
Alam niyo yung mga blogpost ko na pure random thoughts lang sinusulat ko, tapos medyo di niyo siguro feel kasi walang cohesion tapos andami pang wrong grammar tsaka wrong spelling, isa ito sa mga yun. hahah
New Zealand. May plano akong magpa-New Zealand dahil meron ngang opportunity. Merong scholarship na ino-offer dun. Isa ito sa mga perks ng pagiging scholarship officer, marami kang makikilalang scholarship coordinators at marami kang malalamang scholarships. Ang ganda sana ng scholarship kasi libre lahat, tuition, dorm, tsaka may allowance. Kung may asawa ka naman, tutulungan nila ang asawa mong makahanap ng trabaho dun.
So, nagplano na talaga ako, nag-process ng papers, pero may malaking hadlang, kailangang kumuha ng IELTS o TOEFL at kung di niyo alam yun, paki-search na lang sa google. Nagkakahalaga ang exam ng around *ubo *ubo Php9,000. Kahit na may trabaho na ako, ayokong maggastos ng ganun, tsaka ayokong manghingi kay mama ng medyo malaking pera, tsaka ayokong umutang, o magkautang a loob sa ibang tao.
Atsaka dinaga ako eh. HIndi talaga ako natatakot sa bagong lugar o mga tao. Natakot akong maging komportable ako na malayo na naman at mahihirapan na akong balikan ang mga taong dapat eh balikan ko. Natatakot ako na isa na naman pala ‘to sa mga rason ko para lumayo. Charot!
Kaya ayun, ba-bye new Zealand, for now. 🙂
Cebu. Aalis na akong Cebu. Mamimiss ko ng sobra ang Cebu. Sa totoo lang, mababait ang mga tao dito, mababait ang mga Bisaya. Maraming lugar na masarap pasyalan.
Isa sa mga perks ng pagiging scholarship officer ay palagi kang nagta-travel. And yup, masasabi kong napuntahan ko lahat ng divisions ng Cebu dahil sa trabaho ko. Yung Cebu, isang lugar na maraming white sand beach, maraming historical places, may kabundukan din, at siyempre may siyudad, at may masarap na lechon. Kaya mahirap iwanan ang Cebu. Kasi it got the best of both the city and the province life. Ano daw?!
Maniley. Although nagba-bye na ako sa New Zealand. Ayokong magba-bye sa pangarap kong mag-aral ulit. At baka sa Manila yun, depende pa sa mga mangyayari sa’kin. Depende pa kung makapasa ako. Depende sa inaayos kong portfolio. Depende pa kung kakayanin ng budget ko. Depende pa kasi sa ngayon inaayos ko pa ang priorities ko. Inaayos ko buhay ko. Inuuna ko muna lablayp ko. Wahahah.
Bacolod. Natatakot akong bumalik. Natatakot talaga ako promise. Feeling ko kasi wala naman talaga akong babalikan. Feeling ko kasi wala naman talagang magiging excited pagbalik ko. Feeling ko kasi, nag-iisa lang naman ako pag nandyan ako. Pero alam mo yun,babalik ako, pakiramdam ko kasi, naiwan ko puso ko diyan. Ayiiii. ❤
P.S. Inlababo ako ngayon sa maraming bagay. Hihih. Adik sa mga ewan, thus, the title. 🙂
nakakatawang post, pero may sense 😀 gudlak sa pagsabak sa buhay
LikeLike
Gow ka na ditey sa Maniley!
LikeLike
yiheee!!! inlababo!!! uyy sayang yung new zealand.. pero kung di mo kaya, wag pilitin.. kaya mo yan… ikaw pa.. at yung kwento ni kat.. pagawa na kasi yang laptop eh…
LikeLike
ang ganda naman nung sa new zealand nasayangan ako anyway..ang ganda pala ng work mo patravel travel na lang sa cebu.
LikeLike
gow lang ng gow. ipon ng life experiences. enjoy!
LikeLike
hahaha..na miss ko mga post mo kat!!! =))
buti naman nag-enjoi ka sa CEBU ♥
maganda sana ang new zealand, kaya lang ang layu naman nun :((
hihi… follow ur heart ♥
LikeLike
Aaaah, sayang shaks. Sayang. Naisip ko palang kung ako ang may opportunity pumunta ng New Zealand baka nandon na ko sa mga oras na to, nakasakay sa mga baka at naghahanap ng papa. LOL
See you soon! Sana maisipan mong mag Sun para makapagchismisan tayo ng mas madalas. Saka mas makakatipid kayo ng bago mong kalandian. Hihihihi.
LikeLike