Nung una kong narinig ang dementia, natempt akong mag knock knock joke agad sa katabi ko pero dahil butihin akong estudyante, nagtanong na lang ako sa teacher ko,
“Maám, posible kayang dahil sa dementia, malimutan din natin ang mga abilidad natin tulad ng pagtugtog ng gitara, pagguhit o pagsusulat?”
“Oo,”sabi ni teacher.
Natakot ako. Posible pala na ang pinaghirapan mong matutunan, mawala na lang bigla. Masakit kayang matuto maggitara, kahit crush ko pa nagturo sa’kin. hihih. Masakit na sa daliri, masakit pa sa ego kapag kumunot noo ni crush kung mag-strum ako. Bawas ganda points! Ang mga unang comis ko ay stick figure at ngayon ay stick figure pa rin. At ilang beses muna ako naka-ubos ng pages ng diary, dapat pagalitan ng journ teacher ko, mata-ehan ng ink ng ballpen,hindi maka-shoot ng papel sa basurahan,ma-inlab sa kapwa manunulat(acheche!) para matuto muna kung paano maglagay ng intro. Intro pa lang yan ha!
Ay teka, i-explain ko muna kung ano ang dementia para sa mga hindi kumuha ng abnormal psychology na sa totoo lang, isa sa pinaka-interesting, pinaka-nakakatuwa at pinakanakakatawang elective. ^^ Ang pinakanakakatawang part ay yung demonstration sa last day of class ng iba’t ibang sakit at goodluck sa mga nakakuha ng exhibitionism,fetishism, at kung anu-ano pang paraphilia.Ang malas lang nila. Bwahahah
Magpaka-geeky muna tayo. Ang dementia ay isang uri ng degenerative disease kung saan ang apektado ay unti-unting nakakalimutan ang kung anu-anong cognitive processes tulad ng memorization, speaking(speech), problem solving, learning, visual processes, reasoning.Iba to sa amnesia dahil nga ang dementia ay degenerative, meaning pa-unti-unting nakakalimutan ng tao hindi lang ang past kundi ang mga pang-araw araw niyang function tulad ng emotional at behavioral control niya. To further differentiate:
May Amnesia: Sino Ako?
May Dementia: Ako, Sino? Jejejeje
Maraming-maraming uri ng dementia depende sa cause nito pero hindi ko na isa-isahin dahil marami nga at tamad ako. heheh.
Isa sa mga bagay na ayokong mangyari sa’kin ay magkaroon ng dementia. Makakalimutin akong tao, sa sobra kong makalimutin eh hinihiling ko na sa susi at wallet ay pwede kang mag-misscall. Sa sobra kong makakalimutin, lalo na sa pangalan, sir at madam ang tawag ko sa lahat. Sa sobrang makakalimutin ko ay muntikan na akong mag-fail sa lahat ng math subjects ko-ayt iba na pala yun. hahah.
Pero mas malala yung dementia.. Makalimutan mo kung sino first crush mo, kung si red ranger ba o white ranger ang favorite mo, makakalimutan mo kung sino ang mas malakas kina Goku at Ryu, makakalimutan mo kung sino si Chuck Norris, sasabihin mong si Timothy Bradley ang nanalo sa laban nila ni Pacquaio, at kung magtext ka ay ganito na “Eowz phows! Khamuztah poewz kayow? Jejeje”
Ayoko magka-dementia. Ayokong isang araw makasabi akong “Ang pangit-pangit ng Kat na name, buti na lang hindi yun ang pangalan ko!” Ayokong magkita kami ni ex at sasabihin kong “Excuse me? Do I know you?” Pa-mean girl effect, may sakit pala, sakit sa puso(Acheche!). Ayokong kalimutan ang nag-bully sa’kin nung kinder ako, hindi pa ako naka-ganti eh! At siyempre ayokong makalimutan ang password ng facebook, ym, gmail, twitter at blog ko. Anhirap kayang sumagot ng sa captcha kapag mag sign up!
Sa palagay ko, andaming bagay na gusto nating kalimutan pero kung iisipin, minsan, yung mga bagay na gusto natin kalimutan, yun yung mga bagay na nag-hulma sa kung anu tayo ngayon, na nagpalakas ‘satin, na nag-trigger sa isang momentous moment na sinabi mong “babangon ako at dudurugin kita. bwahahah” At sa totoo lang, ayokong makalimutan ang mga nakasakit sa’kin, bag-bully sa’kin, nagsalita ng kung anu-ano sa kin dahil nga dudurugin ko pa sila. hahah. Kidding aside,dahil they make me proud of myself dahil buhay pa ako( kahit na merong isa na sinubukang lasunin ako sa pamamagitan ng Palmolive shampoo.seryoso. hahahah), at kaya ko i-torment ang buhay nila by just being me, being there and being happy. Hahaha
At ayoko din kalimutan ang mga taong mahal ako, minahal ko, minamahal ko, at mamahalin ko pa. Ayiiii!
Ayoko makalimutan maggitara, gumuhit, at sumulat dahil ibig sabihin nun makaklimutan ko din ang mga amazing na gurong nagturo sa’kin ng mga bagay na yun.
Ayokong kalimutan na gumawa ng conclusion sa isang sulatin na tulad nito:
Bago ko tapusin to, gusto kong ibahagi ang knock-knock joke na naisipan ko habang nagkaklase kami sa mga oras na yun tungkol sa dementia.
Knock.Knock.
Who’s there?
Dementia.
Dementia Who?
Ay nakalimutan ko na.

hahaha…nakakatakot pala to…..parang alzheimer’s disease lang….ewan ko,,,may pagkakaiba ba ang tatlo?
LikeLike
ayt, yung alzheimer’s disease sa mga matatanda ay isa sa mga cause ng dementia. 🙂 gusto ko sanang i-explain pero mahaba-habang kwentuhan na namn yan. hahah. maraming salamat sa pagbisita dito manul-nulat! 🙂
LikeLike
hahaha….parang sa “walang hanggan” po…si henya……next time po….i-shorten niyo na lang ang paliwanag…hehehe
LikeLike
LOL. hahah. sige,sige, usap tayo kaibigan. hahaha
LikeLike
huh…ang daming pangalan pala ng mga sakit pero halos pareho lang…..hehehe…sensya na nagmamaangmangan nga po…este….wala talagang alam sa mga ganito…hehehe
LikeLike
hahahah. nakakatuwa yung abnormal psych, maraming sakit na akala mo, hindi nag-eexist. hahah
LikeLike
minsan nga hindi natin alam meron na pala tayo nito…hehehe…..tabi lang…
LikeLike
And I don’t need to Google Dementia ha. Natawa naman ako sa Palmolive Shampoo, di ba pwedeng Pantene para mas sosyal?
LikeLike
yup,di na kailangan i-google. hahah. ako na ang answering machine. LOL. palmolive tlaga para pamatay sa bango. palmolive. hahah
LikeLike
gusto ko tuloy magkaroon ng dementia. joke! lol
LikeLike
hahahah. be careful what you wish for kuya! hahah. kung magka-dementia ka, makakalimutan mo si ano.. si.. heheh. wala, gumagawa lang ako ng issue. hahah
LikeLike
hahaha…nakakatakot talaga makalimutan ang lahat… ayoko magka-dementia . ayaw! hehehe
LikeLike
hahah. pareho tayo. ^^ ayaw ko din. 🙂 makalimutan akya natin how does it feel to worship? scary.
LikeLike
nakakatakot pala ang dimentia… salamat sa simpleng explanation.. pero bakit ba ako nandito? hmmm.. jejejejejejeje…
LikeLike
hello mr potsquared! salamat sa pagbisita ng blog ko! welcome! welcome! paano ka naligaw dito? hahah. bumisita ako sa blog mo, nakakatawa. >.< hahah. 🙂
LikeLike
hi kat! di ko din maalala kung paano ako naligaw.. eheheheh pero kahit paulit-ulit akong maligaw dito, ok na ok lang… salamat at naligaw ka din sa blog ko.. wag mo lang seseryosohin ang mga pinagsasabi ko doon.. sana wag kang mapagod kakabisita! salamat uli!!
LikeLike
Knock knock.
LikeLike
who’s there? ay uto-uto ako? hahah
LikeLike
Lady Gaga.
LikeLike
lady gaga who?
LikeLike
Kung Lady Gaga ka sa piling ng iba
At kung ang langit mo
Ay ang pag-ibig niya
Tututol ba ako kung kagustuhan mo?
Sapat na ang minsa’y minahal mo ako
So call me maybe
LikeLike
buti naisulat mo na to bago kapa magka dementia hehe, basahin mo nalang uli ito if ever na nakalimutan mona ang lahat lahat! ^_^
LikeLike
at mabuti na lang may mga blog tayo. 🙂 pwede nating balikan ang mga experiences natin while wala pang dementia. hahah
LikeLike
dementia ang tawag ng mga mayayaman o mga taga dito sa us. pero karamihan sa pinas, “ulyanin”.
LikeLike
yup, parang ganun na nga, “ulyanin” 🙂 pero hindi lang sa matanda ang dementia, pwede itong maging sakit ng bata. hello mr. apollo! 🙂
LikeLike
type na type ko ang linyang ito.- “at kaya ko i-torment ang buhay nila by just being me, being there and being happy.”
the best ever yun at ayoko rin magka-dementia.
LikeLike