Noise Pollution. Ayos ah. Noon, dumi sa lupa, hangin, at tubig lang tinuturo samin, ngayon meron ng noise pollution. Definition? IGMG! I-google mo goodie pa-cutesie o tanungin mo si Mareng Miriam nang makarinig ka ng Waaah!
O ayan, alam mong may noise pollution. Solusyon? Pagsasala. Paano magsala? Tanungin ang mga sumusunod sa pinakamalapit na inanimated object. Ulitin hanggang may sumagot.
1.Kaninong tinig ang dapat at di dapat pakinggan?
2. Anu-ano ang dapat pinag-aaksayahan natin ng laway at tinig?
3.At bakit nga ba talaga naimbento ang salitang noise pollution?
4. Bakla ba talaga si Papa Piolo? Eh si Papa Coco? *optional
5.At anong point na tinatanong ko to?
O hinay-hinay lang sa pagtatanong, napi-pressure ang inanimated object.
Kaninong tinig ang dapat at di dapat pakinggan?
Mabuti pa yung utot ng pusa, naririnig,11 million views sa youtube. Bakit ko alam? Kaypayn, nakinood ako. Eh yung mga sigaw ng nawalan na ng lupa, nawalan pa ng pamilya, may nakarinig ba? Sa impeachment, andami-daming nagsasalita, sino ang pinagtakpan mo ng tenga at sino ang binigyan mo ng unli- attention? Malapit na ang eleksyon, kaninong tinig ang maririning? Boses ng iyong konsensya o boses ng iyong bulsa?
Anu-ano ang dapat pinag-aaksayahan natin ng laway at tinig?
Sabi ng terorista kong propesor sa kolehiyo na palaging sumisigaw ng justice, freedom,equality; kung yung pinag-uusapan ng tao eh tungkol sa social sciences tulad ng psychology, history, political science, at philosophy, at hindi tungkol sa kung sino yung bagong boylet ni Krissy, eh di sana nagpupulot na tayo ng brilyantes sa daan kinabukasan. Sabi naman ng seatmate ko “Kat, mag-on na pala si Justin Bieber at Selena Gomez?” Shocks, poorita pa rin kami bukas.
Bakit naimbento ang salitang noise pollution?
IGMG! Nagsimula ba tong IGMG para sa mga di marunong magresearch o para sa mga tamad sumagot? Ay teka, lumalayo na ako sa topic.
Siguro, naimbento ang “noise pollution” para ipaalala sa atin na hindi lahat ng sumisigaw, naririnig, hindi lahat ng naririnig, napapakinggan, at hindi lahat ng napapakinggan, may pakinabang. Naks.
Anong point ng mga tanong na yan? Anak ng naka-brace na pating! Narinig ako, pero di napakinggan.
*********************************************************************
Lahok sa pakulo ni kuya kuli: Kamalayang-malaya 3 🙂

Base. Ayos to ah?! Galing!
LikeLike
salamat kuya asel! ^^ congrats pala sa pagkakapanalo sa bagsik ng panitik ni kuya bino. 🙂
LikeLike
Salamat din. Hehehe. Di ko na kayang gumawa ngayon ng sanaysay. Walang pumapasok sa utak ko. Gahol na ako sa oras. Goodluck sa entry mo ha.
LikeLike
mahusay lahat ng punto nitong entry mo,. good luck sayo..
LikeLike
mahusay. magaling ang ganitong uri ng pagkakasulat.
LikeLike
Forever mo akong FANS CLUB. Hahaha!
Galing mo teh. m/
LikeLike
kagaling naman, may pwesto muli ito ..
husay 🙂
LikeLike
ayt, hindi pa natin alam ayan. ^^ maraming magagaling banjo, maraming-maramin. 🙂
LikeLike
simple na malakas ang dating!
goodluck muli madam kat 🙂
LikeLike
salamat rj! 🙂 malaking bagay para sa kin na naiintidihan ang sinusulat ko at nakakaiwan ng impreson sa mambabasa ko. ^^
LikeLike
Kat!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Isusulat ko ulit. Nawala komento ko huhuhu
1. Namiss din kita, kayo!
Andito lamang ako pakalat-kalat sa mga blog niyo di lang talaga ako makatambay madalas.
Dito ako sa mga isla ng indonesia.
Iba ka talagang magsulat kat, mabalasik, provocative at eye-opening, kumukomento na ako ng ganito ngayon hahahahaha
Ikaw na kat. Ingat diyan.
LikeLike
nandyan ka na pala sa malaysia. ikaw na. balik ka na dito sa pinas kuya. dito ka na magturo uli! ^^
salamat kuya, lumalaki tenga ko, lalo pa’t galing sa KM2 champion!:) pero bet ko talaga yung entry mo kuya, sa totoo lang. 🙂 nahiya ako bigla sa inawa ko dahil sa sinulat mo. 🙂 talagang every year, gumagaling at gumagaling ka pa! umaangas pa! hahah
LikeLike
Patatawarin mo ba ako kung hindi ko binasa?
LikeLike
good luck po!!
LikeLike
salamat. =) salamat sa pagbisita. =)
LikeLike
“Siguro, naimbento ang “noise pollution” para ipaalala sa atin na hindi lahat ng sumisigaw, naririnig, hindi lahat ng naririnig, napapakinggan, at hindi lahat ng napapakinggan, may pakinabang”
Makiki-naks naman ako dito Kat. Kapag sumasali ka sa KM, lagi akong napapaisip sa sarili mong estilo. Lagi kang may tanong, nagpapatunay lamang ito na ikaw ay may mahusay na paninimbang sa mga bagay-bagay at sinisigurong nauunawaan ang hinihingi. Ganun din siguro sa buhay mo..ang nais mo’y maunawaan muna ang isang bagay bago magdesisyon. Itong noise pollution mo, ay umangat na naman dahil sa kapayakan pero nandon ang totoong mensahe.
Maraming salamat sa patuloy na pagtangkilik sa KM. 🙂
LikeLike