Pagka-gradweyt ko ng kolehiyo, parang bigla akong nakadama ng kalungkutan. chos! Ang drama ko lang. hahah. Gusto kong isulat lahat ng hinaing ko dito dahil hindi ko mapigilang tumanda pero sinong gustong magbasa ng reklamo ng isang batang natatakot sa katotohanang tumatanda na siya(pero ang ending,tungkol dito ang sinulat ko. heheh). Sa palagay ko, ang pinakanakakatakot na resulta ng pagtanda ay hindi ang pagkulubot ng mukha, kundi ang pagdami ng responsibilidad na kaakibat ng pagtanda.
Simula nung grumadweyt ako, paghahanap lang ng trabaho ang inatupag ko. Kayang-kaya ko nang sumulat ng isang aklat tungkol sa buhay ng isang aplikante. Sa dami ng inapplyan ko, masasabi kong makapagbigay na ako ng tips kung paano hindi makuha sa kompanya. hahah. Ngayon, alam ko ng magaling mag-timing ang mga kompanya at sabay-sabay kung mag-schedule ng exam tsaka interviews. parang may connivance(naks!) buh. Alam ko na din kung anu-anong defense mechanism na lang ang maisip mo ma i justify lang kung bakit hindi ikaw ang nakuha ng kompanyang yun. At higit sa lahat, alam ko ng sa oras na may tumawag sa’yo para kunin ka, merong isa pang tatawag para mag-offer ng trabaho,tapos meron uling iba, tapos meron uli.Ang hangin ko lang. hahah
Sobrang saya ko nang nakuha ako ng isang kompanya dito sa Cebu, ang pinakamalaking kompanya dito sa Cebu. Hindi ko kailanman na isip na pwede yun. heheh. Pero kaakibat pala ng isang napakalaking oportunidad ay mga pagsubok na hindi ko alam kung sinusubukan lang ang kaya ko o sinusubukan na ang pananaw ko sa sarili ko. Natatakot talaga ako sa responsibilidad ko ngayon. Natatakot ako kasi tumatanda na ako. natatakot ako kasi ang isang maliit kong pagkakamali ay makaka-apekto sa iba. Natatakot akong sabihan na hindi ako pwedeng mag-sorry kasi matanda na ako para magkamali.
Ito yung problema kung ang tiwala mo sa sarili mo, mas maliit kesa sa tiwalang binibigay ng mga tao sa paligid mo. Natutunan kong nakakatakot pala kung may isang parte ng utak mong nagsasabing “Kaya mo yan. Nukaba.”tapos may malaking parteng nagsasabing “kaya mo yan? Nukaba.” Ito pala ang tinatawag na transition noh? Yung stage na sinusukat mo pa kung ano ang kaya at hindi mo kaya. Yung stage na dapat magkamali ka muna bago mo maunawaan kung bakit may tamang proseso ang mga bagay-bagay. Ito yung mga oras na iniisip kong, sana may ate at kuya ako, para masabihan ako kung ano ba dapat kong maramdaman.
Pero hindi ako susuko. Hindi ibig sabihin na natatakot ako eh susuko na ako. Ngayon pa ba ako susuko na nasa posisyon akong maka-impluwensya ng maraming tao? Hindi ako susuko dahil alam kong sa kabiguan ko, may mga taong nandyan para saluhin ako. Hindi ako susuko dahil alam kong ang tagumpay ko ay tagumpay rin ng mga taong nagmamahal sa’kin.Hindi ako susuko para sa mga taong nagmamahal sa akin. Para kay mama at papa, para sa dalawa kong kapatid, at higit sa lahat para patunayan na tama ang maliit na parte ng utak ko na nagsasabing “Kaya mo yan. Nukaba”.

Yes. Kaya mo na Kat! Amo guid man na.. daw kakululba-an.. Kung gatigulang ka na, daw kabudlay na magsala kay syempre, damu na guid ang gasalig sa imu kag sa abilidad mo, labi na guid sa work. Pero yes, KAYA na Kat. Aja! š
LikeLike
Basta wag na wag ka’ng susuko sa lahat ng pagsubok at mararating mo ang anumang nais mo sa buhay. God bless š
LikeLike
with your wits and values, i know you can do it. aja! š
LikeLike
Kaya mo yan! Sa talino mong yan at talento.. š
LikeLike
Alam mo kung anong message ko ngayon sa YM ni Vajee? Eto: “Nagbabasa ka pa ba kay Kat? Ang galing nya talaga.” Walang halong kissing ass sa sinabi kong yan. Yung pinapakita mong ito alam ko, kayang kaya mo ito.
Alam mong lagi akong andito para mapagsabihan, hindi ko lang alam kung sasagutin kita ng matino. Text mo lang ako, pa-load na din para replyan kita. (:
LikeLike
naks tama yan kat
LikeLike
oo ganito talaga, dampot ng dampot tapos itira s huli yung pinakamainam. natural yung takot, ang angas mahihinog din yan. at least yung fact na alam mo ito sana makaige sa takot mo.
LikeLike
deretso lang ang pag inog ng buhay. huwag matakot sa pagtanda. lahat tayo dun ang punta.
LikeLike
goodluck kat sa career. saka huwag kang matakot sumubok at magkamali, lahat yun pinagdadaanan ng mga taong gustong matuto.
ingat lagi and again, goodluck!
LikeLike
Kaya mo yan Kat! Ikaw pa!
Ganun yata talaga pag walang tatawag sa iyo about work wala talaga, pag meron naman sunud-sunod na.
Ingats and be blessed kat!
LikeLike
ikaw na! ikaw na ang may impluwensya! it’s you orredi. š
LikeLike
tama ka dyan Kat nukaba. simula pa lang yan ng marami pa. hindi kita tinatakot ha, kung baga kailangan mo lang mag-prepare o mag-expect. kung hindi mo kakayanin sa madali pano pa yung mas mahirap. kung di mo magawa sa maliit paano pa yung mas malaki.
LikeLike
Kaya mo yan! Isipin mo na lang na kaya ka nilagay sa posisyon mo ngayon kase may kakayanan ka na gawin ito ng maayos. Wag matakot magkamali dahil yan ang mag momold sayo para sa isang mas malaking hinaharap. Goodluck!
LikeLike
salamat ana banana sa paalalang yan. š wecome nga pala sa blog ko! =)
LikeLike