Ma, habang nasa dyipni ako, iniisip kita. Naalala ko lang kasi na nanganganib ang graduation ko dahil di ako magaling sa Statistics. Kasalanan ko ‘to, kasi galit na ako sa Mathematics nung bata pa lang ako. Sino ba nag-imbento nun at parang gustong pahirapan buhay ng mga estudyante? Hindi ko naman nabagsak ang any math subjects ko ma, kaya lang.. basta e-explain ko na lang kung magkita tayo.
Nalulungkot tuloy ako, bukod sa nahihiya ako sa taong bayan na siyang nagbabayad ng tuition ko, nahihiya ako ng sobra sa’yo dahil panay ang pagpapadala ko kasi wala na akong makain dito. Kilala na kaya ako nung guard sa Cebuana Lhuiller(damang-damang pera padala), nung empleyado ng ML kwarta padala(numero uno sa padala), at nung babae sa Palawan Pawnshop(nalimutan ko ang tagline).
Ganito kasi yun ma, hindi lang naman dapat tatlong beses sa isang araw kumakain ang isang estudyante, kasi kailangan ng midnight snack sakaling may exam kinabukasan(oi, gawa-gawa). Minsan nga “half-rice” lang kinakain ko. Kung tatanungin ako bakit half lang, sasabihin kong “nasa diet ako”, para naman sosyal. Pagkatapos ang kapal ko pang humingi ng “free soup”. Tsaka uso mineral water dito kasi di masyadong safe ang tubig sa Iloilo(below sea level kasi).(1 paragraph talaga para lang mag-excuse)
Tsaka ma, nakikibasa na lang ako ng mga pinapa-photocopy nung mga teachers ko. Bukod sa wala talaga akong ganang magpa-photocopy, mahlig lang akong magread pero wala akong ganang magbasa ng readings, wala pa rin akong pera sakaling magkagana akong gawin ang dalawang una kong nabanggit.
Ma, naalala mong double major ako? Psychology-Management na ako ngayon. Bakit kailangang double major? Eh kasi mayabang ako. Ibig sabihin kailangan kong pumunta sa Iloilo City tuwing Wednesdays para sa Management subject ko. Tumaas na po ang pamasahe, 30 pesos na ang papunta dun(dati 25 lang yun). PAgkatapos kung uuwi naman ako sa Miag-ao, Php 38 na, basta mga Php 88 lahat gastos ko sa pamasahe pa lang. Tsaka Php 6 na po pala ang pamasahe sa tricycle dito sa loob ng campus, php 8 kung walang class.
Ma, sorry talaga. 😦 Nahihiya na ako sa’yo. Andami ko pa namang pangako sa’yo. Na magpapatayo ako ng bahay malapit sa beach, na ibibili kita ng lahat ng mga bagay na gusto mo, at magpapahinga ka na agad sa pagtatrabaho kung maka-graduate na ako.
Hmmm, pero alam mo, habang iniisip kita sa dyip kanina…naisip ko, may ilang days pa naman para tapusin ang mali namin. Kung grumadweyt ako, hindi yun dahil bigla akong gumaling sa statistics, kundi dahil mahal lang talaga kita.
Nagmamahal,
Kat
ang swerte ng mama mo sa yo at ang swerte mo din sa kanya. basta pag nakagraduate ka, wag mo syang kalimutan 🙂
LikeLike
Nakakalungkot na nakakatawa ito Kat, ang dami mong heksplanasyon! Ang sabi ko kay Mamita noong na-delay akong grumadweyt ay “Quality education takes time.”
LikeLike
ako naman nung nadelayed akong grumaduate… ang palusot ko ay ” normal lang sa kurso ko ang madelayed grumaduate”
LikeLike
How sweet.. gusto ko na din gumaradwate. tang inang thesis yan.. sana hindi ako mapagawa ng ganitong letter. gusto ko na masigurado ang pagtuntong ko sa entablado sa darating na mayo.
LikeLike
Nakapagchat tayo about this, Kat. Kaya for sure kakayanin pa yan!
malayo-layo pa naman ang OD!
go, go, go lang yan!
Be blessed. kat!
LikeLike
iniisip mo rin siguro siya kasi kailangan mo ng pamasahe
😀
gudlak na lang sa pag-aaral
LikeLike
kapag gumradweyt ka, babaha ng redhorse sa ilo-ilo! (courtesy of kuya pong daw haha)
LikeLike
so sweet mo naman!
naisip ko tuloy yung mga katipiran ko dati. eh ang laki pa naman ng tuition ko at parang masarap tumambling sa dagat kapag may bagsak o mababang grade.
kaya mo yan kat! laban!
LikeLike
ang totoo.. malapit na akong maiyak kanina.. 😀 pero tawa din ako ng tawa sa mga reasons mo… sinend ko na sa mama mo ung message, magrereply na lang daw siya via tweeter… biro lang.. smile.. g-graduate ka rin… (sana this year – peace!) ganda ng post… mahal ka ng mama mo… no matter what.
LikeLike
awww this is really heartwarming 🙂
LikeLike
Dear Kat,
Nakakaantig ng puso ang post mong ‘to para sa Mama mo. Alam kong maiintindihan nya kung hindi ka makakagraduate ngayon lalo na kung mababasa nya ‘to.
Pero sana naman eh makagraduate ka dahil pamahal na ng pamahal ang pamasahe ngayon.Baka kasi kung hindi ka makagraduate agad eh maging allowance mo na lang ang pamasahe mo.
Sa iyong determenasyon at pangarap sa buhay, makakatapos ka ng ‘yong pag-aaral… ngayong taon!
Good luck sa’yo at congratulations in advance!
Lubos na gumagalang,
Mao
LikeLike