May nabasa akong libro na parang nagsabi na meron daw tayong nabubuong snaphots ng mga taong naging bahagi ng buhay natin. Yung “snapshot” daw ay isang moment o tagpo na naging larawan sa isipan natin,at yun ang naalala natin tuwing iniisip natin ang ibang tao . Naalala natin ang tagpo kasi sa tagpong yun,di natin malimutan kung ano nararamdaman natin o kaya naman, doon natin na-realize na importante pala sa atin ang taong yun.
Sabi pa ng bida sa librong binabasa ko, ang snaphot niya daw ng taong mahal niya ay yung gabing lumakad na ng palayo ang mahal niya… biglang lumingon ang mahal niya..kaya nakita niya ang kagandahan nito, mga mata nitong parang nangungusap, ang hanggang bewang niyang buhok na para bang hinahaplos ng hangin. Tinitigan siya ng mabuti ng mahal niya, ngumiti, at kumaway. At ang tagpong yun ang snapshot niya.
Disyembre. Pagkatapos ng isang parada ng mga ilaw at higanteng floats sa syudad.
Hindi ko alam kung bakit hinahanap kita, siguro dahil alam kong konti lang ang mga taong kaya akong samahan at kayang tiisin ang ugali ko, at isa ka dun. Isa ka din sa mga taong, sa hindi ko malaman na dahilan, eh sinasamahan ako para lang maghanap ng ferris wheel pagkatapos ng madugong math exam. At ikaw lang din ang hindi nagsabi sa’kin na gawa-gawa ko lang ang jetman dahil inaabangan mo rin yun noong nasa elementarya ka pa.
Ikaw pa yung sama ng sama sa’kin gayung namomoroblema ka at palaging umiiyak para sa babaeng sabi mo hindi mapapasaiyo. Nakakainis lang minsan kasi kahit magkasama tayo, hindi mo maiwasang magbanggit kung gaano ka nalulungkot dahil wala kang lakas ng loob na sabihin sa kanya ang nararamdaman mo.
Nakita kita. Katatapos niyo lang sumayaw para sa isang program at nakakatawa talaga ang costume niyong parang 70’s,pero aaminin kong naaliw ako sa sayaw. Kumuha tayo ng pagkain. Umupo sa damuhan kasabay ng ibang estudyanteng nakisaya sa parada at sa party pagkatapos ng parada.
But I can’t spell it out for you,
No it’s never gonna be that simple
No I cant spell it out for you
Ang jologs ng kanta..pero in fairness naman sa school, nagka-budget para mag-arkila ng banda para sa party. Bakit parang nagpaparinig ang kanta? Ewan. Ang ganda pala ng lyrics tsaka melody..
If you just realize what I just realized,
Then we’d be perfect for each other..and will never find another
Tinitigan kita. Posible kayang..di bale na.
Just realized what I just realized
we’d never have to wonder if
we missed out on each other now.
No it’s never gonna be that simple
No I cant spell it out for you

kewl. 🙂
LikeLike
salamat. 🙂
LikeLike
hi, katy. 🙂
ang romantic ng post, nakakabuntong hininga, haay….
happy new year sa nawawalang nagwawala. :]
LikeLike
kamusta? 🙂 heheh. medyo na-inspire lang sa book na nabasa ko. 🙂
LikeLike
agree! very romantic 🙂
LikeLike
kuya bino! 🙂 salamat sa pagdaan dito sa pahina ko.^^
LikeLike
ang ganda naman nito kat 🙂 agree ako na may mga snapshot ang mga ibang tao sa atin at eto lang din ang binabalik-balikan ko kapag namimiss ko sila
LikeLike
ayiiii katy. 😉 heheh
gandang araw sa’yo katy! 🙂
LikeLike
madami akong snopshots yehey!
bakit kalimitan ng mga snapshots ko ay future sila.
be blessed kat!
LikeLike
ayiiiiii kuya pong! 🙂 heheh.
be blessed kuya pong!
kamusta ang birthday dyan? 🙂
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
Naimagine kong basta hinagis nyo na lang ang paper plates at di man lang nalagay sa basurahan magka moment lang. Hahaha.
Kat, ikaw na ang mahaba ang hair! Hahahaha. Pero ang totoo, gusto kong maexplain mo saken kung bakit naghanap ka ng ferris wheel after ng exam. Karamihan kase sa mga kaklase ko ang ginagawa eh nagmamaktol sa sulok or naglalaslas after ng math tests.
LikeLike
hahah, dapat pala ang nilagy ko na tinapon namin ang paper plates sa basurahan na may biodegradable na sign. heheh. sori naman…nadala lang ako sa moment. XD
hahah. naghahanap ako ng ferris wheel after math test, para pag makasakay na ako ng ferris wheel,hihintayin kong nasa taas na ako, at tatalon. hahah. XD pero ang malas ko, wala palang ferris wheel that time. hahah
gandang araw vaj! 🙂
LikeLike
super likey-likey ko yung last part! wahhh. nakakabitin. more more more!
may isnapshats din kaya ako with my ‘chicks’? whee. namiss ko sya bigla. kasalanan mo to! hahaha. takte. kinikilig kilig na naman ako dahil naisip ko sya bigla. argh.
kasali ba dun sa isnapshats yung pakiramdam mo eh may kiniti sa pantog mo na para bang ikaw ay naiihi? hahahaha! nakakaihi sa kilig.
LikeLike
hahah. 🙂 salamt naman at nagustuhan mo. heheh
ilan bang chickssss yan? ha? hahah. kasi kung madami, e di, mahirap magmemorize ng snapshots nila. heheh.
hahah. hindi naman yan part sa snapshot ko na parang naiihi ako kaya di ko alam. hahah
gandang araw arkhut! 🙂
LikeLike
sya lang at wala nang iba. iba iba kasi tawag ko sa kanila! hahaha.
LikeLike
Ang corny ng kanta. Oh well, love means never having to say you’re corny. Ikaw na ang inlab. Nyeta! =)
LikeLike
hahah. ang corny nga noh.. pasensya naman. hahah.
pero infairness naman sa school, nagka-budget para sa banda. hahah
minsan lang namn ako inlababo, pagbigyan mo na. heheh
gandang araw salbe. 🙂
LikeLike
bigla akong nag-isip ng mga tao, ni-testing ko yung snapshot snapshot na yan kaso isang buong eksena ang naaalala ko. bat ganun? 😀
nice kat! iLike this.
LikeLike
kasi ikaw mahilig ka talaga kumuha ng tunay na snapshot. heheh. 🙂 may mahiwaga ka kayang selepono na may camera. heheh
salamat jec! 🙂
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
tunay talaga eh ‘no? 🙂
ay teka, naalala ko lang … di ko lam kung nabasa mo na ‘to pero diba ni-imbita ka namin sa christmas party kaso nga pauwi ka na rin sa inyo ng mas maaga? ito yung happenings …
http://thysecretgarden.wordpress.com/2011/01/03/postpreparty/
sharing 🙂
LikeLike
hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm
LikeLike
hmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmmm. 🙂
ate shea, kamusta? 🙂
ate shea, bakit napunta sa spam comment mo… hmmm. 🙂
LikeLike
bigla lo tuloy naalala yung snapshots ng buhay ko..:)) i love it..
LikeLike
heheh. 🙂 happy reminiscing chenee! 🙂
LikeLike
Hi! 🙂 Nakita ko yun blog mo kay Jec. :)) Bumibisita lang ulit!!
Kung di mo mamasamain, anong title ng librong yan?? 🙂
peace&smile,
_korhz
LikeLike
salamat sa pagbisita. 🙂
the five people you meet in heaven by mitch albom. heheh
gandang araw sa’yo. 🙂
LikeLike
Ang snapshots ng buhay…yun din daw yung langit natin. Ang panahon na naging pinakamasaya tayo. Sana, lahat ganun no? Pipili ka ng pinakamasayang moment.
Ma-inspire ka pa sana ng pag-ibig para matupad mo ang mga pangarap mo at responsibilidad sa buhay. Congrats nga pala Kat for winning the SBA award. Happy New year na rin kahit medyo late na.
LikeLike
sana nga kuya,pwede nating piliin ang mangyayari satin para happy snapshots na lang lahat. 🙂
Inspired naman po palagi ako, pag-ibig at pamilya. 🙂 Salamat Kuya Duking sa pag-congratulate. ^^ at Happy New rin sayo! 🙂 super elated happy birthday na rin. 🙂
LikeLike
wow
LikeLike
first time ko yata dito at super like ko ang post mong ito..naiimagine ko yung last part…wooooh ikaw na, ikaw na ang inlababo..hihihihi
LikeLike
ei, nalimutan mo ‘ata ang snapshot nya sa sumunod na post? :]
bale, lilipas din yang pagkabugnot mo. parang may naki-opinyon lang ‘ata do’n kaya nagulo. :s
btw, ang snapshot ba e, parang imprint sa mind ng newly-born na hayop?
LikeLike
awww. parang pelikula. ang ganda ng moment. (nagiging dalawang pusong tuitibok tibok mga mata ko.) ♥
LikeLike
makiki-smile nalang ako may isa akong tao naaalala sa kanta at snapshot na yan..waaaaaa!
hahahaha, ako pagkatapos dati nung mga exam naghahanap ng magandang libro at pagkain, masarap na pagkain tapos maglalakad sa campus may kasama man o wala.
natuwa ako sa post na to, nakita ko ang sarili ko.. 🙂
LikeLike
hanep. parang koreanovela lang. haha
ang tagal ko hindi nkdalaw dito ah.
LikeLike
jerick, mahilig kaa ba sa koreanovela? uuuuuuuuuuuuuy. 🙂 asahan mo ang pagbisita ko sa blog mo, pagkatapos lang ng mga projects ko.^^
LikeLike
naks pumapag-ibig.
unang bisita ko, ok lng b? sbgay andito na ko eh.
😛
ang makikiraan!
realize!!
whoohooo! pumepebrari na! 🙂
LikeLike
heheh.pumapag-ibig na nga ako. salamat sa pagdaan at welcome na welcome ka dito. ^^
gandang araw saýo. 🙂
LikeLike
Para sayo para sakin kung ano ang mangyayari satin kung sino ang makakasama natin. nga hindi lahat ng oras dapat tayong umasa sa mga pangarap natin kasi masasaktan lang tayo.
LikeLike
hello shelby, i visited your blog and I realized that you’re an Indian blogger who blogs in english. You have a nice blog by the way. 🙂 My blog is originally written in Filipino(our national language) and I think my blog automatically translates(google translate) in English(just in case, you’re wondering why most of my sentences don’t make sense at all). I don’t know how did that happen but, anyways, welcome to my blog and thank you for visiting. 🙂
LikeLike
Totally agree with the snapshot thing. But say, you have lots of good memories with someone, it’s quite hard to tell the best snapshot you two have got, isn’t it?
LikeLike
hmmm, siguro kung marami ng snapshot memories, at kahit marami na ang tatalbog sa unang snapshhot,di mo pa rin malilimutan yung first snapshot. 🙂 welcome sa pahina ko! 🙂 salamat sa pagbisita. ^^
LikeLike
napadaan at ito ang natagpuan. nice entry! whew! 🙂
LikeLike