Babala: Kung fan ka ng The Last Air Bender tsaka nung mga aliens na kulay blue kaya binasa mo ‘to, wag mo ng ipagpatuloy kasi hindi tungkol dun ang post ko.
Maraming nagsabi na cute daw ang avatar ko ngayon. Pagkatapos meron nag-aakalang ako daw si ate salbe dahil magkamukha kami. Isa lang paliwanag diyan, bukod sa pareho kaming cute, eh iisang tao lang gumawa ng avatar namin. Walang iba kundi ang nakaka-inggit ang talents na si Jec ng Secret Garden. 🙂
Nung dumalo ako sa awarding ng  SBA, inasahan kong nandoon si Jec pero dahil wala siya, kinuha ko ang oportunidad na makipagkita sa kanya lalo nung nagyaya siya. Sabi niya, magkita daw kami ng patago, parang lovers lang eh. hahah
Sa gateway kami magkikita kaya nung nasa fully booked ako, naisipan kong bilhan siya ng libro na hindi ko naman nabili dahil nahihirapan akong magdesisyon. Kaya naghanap na lang ako ng baller na may name na “Jec”. Goodluck na lang sa akin kung may makita ako. hahah. Ang ending wala talaga ako may nabili. Indecisive o sadyang kuripot?
NAkilala ko agad siya nung pumasok siya sa fully booked pero di ko inaasahan yung boses niya. Ang kyut-kyut pala, parang kanya ng cute na batang babae. Yun talaga una kong napansin eh.
Pasyal-pasyal muna kami sa SM Megamall, kung saan nalaman namin na pareho pala kami sa kaweirduhan. Kasi napansin yang nagtatanong ako sa bagay na “Bibilhin na ba kita?”, “Magkano ka ba?”. Nahiya tuloy ako kay Jec.
Andami naming napag-usapan kahit bago palang kaming nagkita. Para kasing magkaibigan na kami noon pa at para bang hindi siya mahirap pagkatiwalaan. Kung mag-kwento siya ay parang kilala ko na rin ang mga kaibigang tinutukoy niya kaya naman kung makapag-kwento naman ako ay parang feeling close ako.^^
Gumawa kami ng greeting para kay Kuya Pong. Nagtingin-tingin sa mga paintings sa SM. Pumunta sa isang pet store. Namili ng kung anu-anong kabagayan sa comic alley. Nagpa-picture. Lumakad mula SM papuntang Obsidian. Nag-exchange gift. Pinakilala pa niya ako kay Mia at Eoty, mga kabarkada niya. 🙂 Andami naming nagawa kaya talagang naaliw ako at nasulit namin ang aming pagkikita. ^^
Sa sunod na pagkikita Jec. :)Hintayin uli kita, este hintayin mo yung muli kong pagpunta ng Manila. ^^


mabilisan lang kat 😉
hindi ko alam na dinibdib mo pala ng bongga ang pagka-late ko xD sensya na talaga. at saka, bat di mo binanggit na may naibigay ka naman sa ‘kin? ^^ tinanong-tanong mo pa ko kung alin ang magandang kwintas tas para sa ‘kin pala, ikaw talagaaaaa. haha! xD
hanggang sa muliiiiiiii! 😀
LikeLike
lol grabe ka naman kasi ma-late teh 😀
LikeLike
hahah. 🙂 joke ko lang naman yun, na big deal daw sa’kin yun. heheh. at least nagkaroon ako ng time para pumili pa sana sa ireregalo ko sa’yo. 🙂 sana nagustuhan mo yung gift, kasi sumakit ulo ko kaiisip kung paano ko itago yun. hahah
hanggang sa muli jec! 🙂
LikeLike
nakakatuwa naman angpagkikita nyo. at kaya pala magkamukha ang avatar ninyo ni salbe eh. hehehe
LikeLike
hahah. 🙂 oo nga, andaming nalilito sa’min ni ate salbe. heheh
welcome kuya bino. 🙂 gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
daya nyo!!! di nyo ko sinama. hmp!!!
LikeLike
next time, magkasama na dapat tayo.^^
alam mo,iniisip namin na baka ma-bore ka sa’min ni jec. heheh
gadnang araw gince! 🙂
LikeLike
Oo. Naiinggit ako sa gravatar mo. Pero medyo nakakatakot pala yan, mapapagkamalan kang si Salbe. Si Salbe na walang puri! Si Salbe na mangkukulam!
LikeLike
hahah. 🙂 palagi nga kaming napagkakamalan ni ate salbe eh. 🙂
ngayon, alam mo na kung sino ang gumawa, .^^ heheh
LikeLike
Hi Kat. Yun lang. Ang koment ng parang hindi nagbasa. 🙂
LikeLike
hi dina te salbe. hahah. 🙂
LikeLike
nkakatawa namn ang pag meet nyo. nkakainggit. sa sunod wag na lang ma late. hehehehe
LikeLike
heheh. 🙂 ang nakaktuwa pa niyan,k akala namin sa internet world na lang kami magkakilala, pwede naman pala in real life. heheh.
LikeLike
hahaha..nakakatuwa naman yun.. super late huh.. sana nextime pasama..:))
LikeLike
oo ba. 🙂 salamat sa pagdaan as page ko. ^^ welcome. 🙂
gadnang araw sa’yo chenee! 🙂
LikeLike
haha..basta kapag may gala..magsabi lang, wag magsasarili…wag selfish!:))
go ako basta galaan..:)
LikeLike
wow nagkita kayo ni jec~ kainggit 😦
LikeLike
dapat next time, kasama ka na katy! 🙂 sabihan mo kami kung nasa pinas ka na. 🙂
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
wala namang masamang ma-late ah!!!
*tawa* guilty. 🙂
LikeLike
hahah. 😉 wala naman talaga. heheh. guilty din ako diyan eh. hahah
gandang araw sa’yo shinjei! salamat sa pagbisita sa pahina ko. 🙂 welcome! 🙂
LikeLike
cute nga avtar mo, ahehe! request! ako rin gawan mo ng customized avatar! please! onegai!
LikeLike
heheh. ^^ di ako ang gumawa. heheh.
gandang araw foobarph! 🙂
LikeLike
yaa. “MEDYO na-late ako.”
“medyo” lang pala ang 3 hours of waiting.
LikeLike
hahah. 🙂 natawa din ako sa comics ni jec eh. hahah. 🙂
kamusta singkamas?
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
Hehe.. Tingala man ko nga paryu, galeng isa lang ang naghimu… As in, paryu guid tsura. Hehe… CUTE!!! Kamu nga duha ni Salve.. mga cute! =)
LikeLike
salamat nang leah. 🙂 cute man sang avatar mo nang leah, ang may gina-hug bala nga dog. ^^
LikeLike