Andami-dami kong gustong sabihin kaya parang bigla na lang hindi ko alam kung ano ang sasabihin. Uunahin ko bang i-blog kung bakit nawawalang bata ako pakiramdam ko ngayon, ang parang jologs ko lang na karanasan sa una kong byahe palabas ng Visayas(sa Luzon,next time Mindanao naman^^), ang whole nakakatawa at nakakatuwa kong experience sa Saranggola Blog awards o kung bakit bigla kong naisip na bumili o magparegalo ng aso oΒ kaya naman bakit parang feeling ko ako si Christine Reyes na umaaway kay Sarah Geronimo(pampataas ng page views ba ito?? hahah).
Gusto kong magblog tungkol sa lahat ng sinabi ko pero tinanong ko muna sarili ko kung ano ba ang nararamdamn ko ngayon. Sabi ni sarili “grateful” daw. Ako na. Ako na ang parang baliw.heheh. Kaya naman ang iba-blog ko ay tungkol sa nararamdaman kong pasasalamat. Naisip ko tuloy na parang may Bipolar Disorder ako na bigla na lang nagpopost ng malungkot, pagkatapos masaya naman pero yan naman talaga ang pag-shift ng moods ng mga Sanguine kaya pagbigyan niyo na.
Ang mga sinuot ko pala ng Saranggola Blog Awards ay sponsored,sponsored ng mga kaibigan at kamag-anak. Kaya ko sinuot yun dahil sa pasasalamat ko sa kanila.
Sa nagregalo ng T-shirt: Alam mo bang ang iyong pagsabing “Sana makapunta ka” at sabay guhit ng saranggola ang talagang parang naghikayat sa’kin na dumalo ng SBA? Maraming salamat sa pagkakaibigan at sa lahat ng suporta. Anuman ang nawala sa ating pagkakaibigan ay pinanghihinayangan ko.
Sa napilitang ibigay ang pantalon. Ako na. Ako na ang nangunguha ng patalon na para sana ay sa rummage sale. Salamat sa inspirasyon at pagtitiwalang ibinigay mo. Malaking bagay para sa’kin ang mga papuring sinasabi mo kahit alam kong bola lang yun. heheh. Palibhasa nadadala mo ako sa pambobola mo.^^ heheh
Sa nagbigay ng sapatos. Ma, alam kong proud ka na sa’kin kasi palagi mong sinasabi. π Alam kong hindi ko na kailagan patunayan sarili ko pero hayaan mo akong patunayan pa sarili ko,hindi dahil gusto kong maging proud ka sa’kin kundi para mapasaya kita sa paraang alam ko. Mahal kita ma.^^
Sa nagbigay ng medyas. Nay, ang lola kong sexy, salamat talaga. π Hindi man tayo magkasundo sa maraming bagay, mahal ko pa rin kayo.mwah! hehe
Kay Ginoong Bernard, maraming-maraming salamat at pinangunahan mo ang isang patimpalak na naglalayong mapalaganap pa ang pagsusulat sa wikang Filipino. Congratulations sa matagumpay na Saranggola Blog Awards! Salamat sa lahat ng bumubuo ng SBA lalo na sa sponsors nito na DMCI homes,Alta Vista de Boracay, at Illumina residences. π Sana ay dagdagan niyo pa ang mga bigating papremyo. heheh.
Sa mga hurado,idol ko kayo kaya nga parang jologs akong nagpa-autograph.heheh. Salamat naman at napili niyo ang dalawang akda ko na mapabilang sa mga finalists.^^
Sa lahat ng mga co-bloggers, maraming salamat sa inyo,hanga ako sa inyo. Panalo tayong lahat! Tayong naniniwala sa kapangyarihan ng salitang makapagbigay ng tuwa at tawa. Tayong naniniwala sa kapangyarihan ng salitang makapagbigay inspirasyon,makalikha ng pagbabago at makapukaw sa damdaming pagka-Pilipino. Pa-exchange links naman oh.^^
Sa mga kaibigan kong bumuto, salamat sa inyo! Sa mga hindi, wala kayong balato. hahah
At higit sa lahat,salamat sa Poong Maykapal na siyang nagpahintulot na manalo ako. Ibinabalik ko ang papuri sa Inyo.
Congratulations kay Goyo sa pagkakapanalo niya sa maikling Kwento at kay Rodel sa kwentong pambata. π Kitakits sa susunod na SBA!Β π
note: ang mga larawan ay kuha ni zyra. π ang saya ko lang kasi noon tinitignan ko lang mga pictures na kinukuha niya, ngayon ay part na ako ng picture. ^^ yey!



Wait, nag aaway sina Christine Reyes at Sarah G? Hala! Natutuwa pa naman ako ng bonggang bongga ke Sarah G. Haha.
Naalala ko nung nag aaral pa ko. Nalimutan ko ang eksaktong tawag at tinatamad ako mag Google, pero ang tawag ata don ay Med Student Syndrome. Na may makita lang na medyo saktong description ng disorder eh feeling ko ren meron na ko non. Ang pinagbibintangan ko non ay Dependent PD at syempre, Narcissictic PD! Jokelang. Haha.
Congrats ule. Natutuwa talaga ako sayo. Haha. Sana ma enjoy mo ng bonggang bongga ang Boracay kase ako eh hindi pa nakakapunta dyan. Shets. Ingget me much!
LikeLike
nag-away daw eh.. heheh. matext ko nga si Cristine at Sarah nang ma-confirm. heheh
hahah. parang med student syndrome nga yun. Nang kumuha nga kami ng Abnormal Psych, sinabihan kami ni maΓ‘m na pagkatapos ng sem, baka maraami sa’min magsasabing may PD na kami. hahah
Salamat vaj! π mabuti na lang at isang ssakay lang mula sa school namin ang boracay kaya posibleng magamit ko. π
gandang araw vaj! π
LikeLike
wahihihi congrats ulit heehee~
LikeLike
ito blog ku http://adodcespresso.com/
LikeLike
salamat zy. π mag-uupdate pa ako ng blogroll. π gusto ko sana may description ang mga links,paano ba yun? π
LikeLike
congratulations! nakakatuwa yung experience hindi nga lang ako makagala sa iba pa, shy type daw ako at inaalala ko yung friend ko. na isa pang ubod ng mahiyain.
mabuhay!
LikeLike
naisip ko lang, siempre wala ako sa group pic. hahaha!
LikeLike
salamat hoshi! π ang saya ko dahil sa wakas ay nagkita tayo! ^_^yey! oo nga eh, wala ka masyado sa group pix. sayang naman.. akala ko blogger din kasama mo eh. heheh
LikeLike
aral sa akin yun. na dapat ang isasama ko ay masasaknyan yung event at malakas ang loob para may back up ako. hehehe
pero sa kabuuan naman ay masaya yung event ako.
LikeLike
congratssss kat~! magaling na bata ka talaga π
LikeLike
salamat katy! π heheh
napadami lang ang napilit kong bumuto katy. heheh
gandang araw saΓ½o! π
LikeLike
congrats sayo.. sayang talga di ako nakadalo.. hectic sked eh..
LikeLike
sayang naman met at hindi ka nakadalo.. isa ka po naman sa mga gusto kong makita..
nwei, maraming salamat sa pagbati. π
LikeLike
Congrats Kat! Next year ulit. At sana makadalo na ako Hehe. ^^
LikeLike
salamat taga-bundok! π kitakits next year taga-bundok ha? π
LikeLike
hindi ako nakapunta π¦
congrats kat ! woot~
ang totoo, nahihiya kasi ako, wala akong makasama nung araw na yun kaya sumama na lang ako sa lakad nung sa kong friend. haist.
LikeLike
buti di ka nabilaokan, kasi pinag-usapan ka namin. hahaha!
LikeLike
masama ba yung pinag-uusapan nyo tungkol sa ‘kin? napaisip ako ah. haha! π
LikeLike
jec! π salamat. π
sayang nga jec..kitakits tayo jec. π nandito pa rin namn akong manila eh. ^^
sana maging maganda gising mo bukas jec. π
gandang araw saΓ½o! π
LikeLike
maganda na gising ko, ang ganda ko kasi eh. JOKE lang. hahahaha!
LikeLike
wow…congrats sa mga nanalo….sayang hindi ako makapunta at makanuod ng SBA malau kasi kame jan eh ehehehehehe….congrats ulit….. π
LikeLike
salamat sa pagbati. π
next year,kitakits!^^
LikeLike
Congratulations, Kat!
Saludo ako sa galing mo!!
Pagbutihin mo lang, malayo ang mararating mo!!!
Maligayang pasko sa ating lahat!!!!
π :D/ (fireworks)
LikeLike
maraming salamat taribong sa pagbati at sa papuri. π
Maligayang pasko din!^_^
LikeLike
congrats!
si jasonhamster, kinikilig.. ayiii…
LikeLike
salamat shea!^^ ay, may ganun talaga eh. hahah.
LikeLike
Konratsuleysyans! First time ko sa blog mo! Nakapagpasuwerte sa’yo, yung bangs mo na pareho ng akin. Ehe… Galing! Balato? Ehe
LikeLike
hahah. π salamat sa pagbati. ^^ nahiya yyung bangs ko sa bangs mo eh. π talo bangs ko! π hahah
LikeLike
Hi Kat, first time ko yatang magkoment sa sikat na porn star blogger. Oo, pandagdag view mo ito. Hahahaha!
LikeLike
hahah,porn star talaga eh. hahah. bakit naman kasi katrina daniels pa ang name ng porn star na yun.at Katrina daniels pagkaka-pronounce ni kuya Bernard ng site ko. hahah
welcome sa blog ko salbe! π
LikeLike
CONGRATS KAT! Halata bang nagbabackread ako sa blog mo? HAHAHA! π
LikeLike
di naman masyado GOYO. π hahah. congrats uli! π
LikeLike
coNgRatZ kaT!! ahaAHa…
ngAun LanG ako uLit naKa daan sa mGa baHay Nyo.. π
SmiLe…
CoNgrAtZ sa LahAt nG mGa naNaLo…
LikeLike
congrats din saΓ½o! :)) salamat sa pagdaan rodel. π
LikeLike