Ayokong gumigising
Tuwing alas singko ng hapon
Kasi hindi ko alam
Kung papasikat pa lang ang araw
O kayaý papalubog na
At para bang pagtingin ko sa bintana
Hindi ko alam kung humahanda ang mga tao
Sa panibagong araw
O kaya namaý handa ng magpahinga
sa dilim ng gabi
Ang naririnig ko bang mga ingay
Ay nagmula sa mga taong papunta sa palengke
O mga taong nagmula sa trabaho nila?
Ayokong gumigising
Tuwing alas singko ng hapon
Kasi walang araw na sisikatan ang mukha ko
Walang amoy ng bagong lutong pandesal
O katitimplang kape
Walang nanay na sisigawan ka
Wala ka palang klaseng papasukan
Ramdam mong ikaw ay nag-iisa
At para bang..
Patuloy na iikot ang mundo
Sisikat at lulubog ang araw
Kikilos at mamumuhay ang mga tao
Gumising ka man o hindi
Sa alas singko ng hapon.

kat, wag ka kasing matulog ng hapon 🙂 jowk hahaha
LikeLike
ahahah. 🙂 pwede rin pero antukin ako eh. hahah
gandang araw katy! 🙂
LikeLike
ako afternoon person ako kaya kapag bakasyon may afternoon sleeping hours ako
siguro nasanay na ako simula batang paslit pa lang
pwede ka namang gumising ng 4pm o 6 pm lagpasan mo na lang ang 5pm hehehehe
ito kasi ang naghahati ng hapon paggabi
bukangliwayway at umaga
great thought kat!
be blessed!
LikeLike
kuya pong! 🙂 kagagaling ko lang sa tahanan mo ha.. 🙂 heheh. 🙂 oo nga noh, 6 na lang ako gigising para sure ako na gabi. heheh. 🙂
God bless you kuya pong! 🙂
LikeLike
uu nga nagkasalisi tayo hihihihi
namimiss ko ang mga kwento ni kat kaya nagpasyal ako tapos andito ka din pala hihihihi
basta anumang oras iyan ang mahala minaximized natin, sa trabaho man o pagpapahinga
seize the day ika nga!
Be blessed kat!
LikeLike
ahahah. 🙂 nagkasalisi nga tayo. 🙂 namimiss ko na rin yung mga kwento nyo Kuya Pong pero bumisita ako dun lagi,di nga lang nakapag-doorbell. 🙂 heheh
carpe diem! 🙂 kuya, kaw din… magpahinga ka ng mabuti..mukhang mahirap ang trabaho diyan eh…:)God bless rin kuya pong! 🙂
kagagaling ko lang sa church ngayon, tungkol kay Job.. ang amazing dyan eh, kahit ilang beses ng naikwento yang si Job,palaging may bago pa rin akong natututunan 🙂 (at nagkwento talaga eh. heheh)
LikeLike
e-mail alert
LikeLike
kuya pong. 🙂 jay_danieles@yahoo.com talaga ang ginagamit kong email. 🙂 add mo naman ako. 🙂
LikeLike
That’s the Spirit of God, ganun talaga minsan madalas nating maencounter ang stories or words ni God sa Bible but every reading has different and fresh rhema/revelations sa buhay natin. Glad to know na galing ka ng worship service, yan ang namimiss ko kat ang open worship. Be blessed kat!
LikeLike
ayoko din ng alas singko ng hapon, basta ayoko ng mga ganyang oras. ayoko ng takipsilim ^^ kamusta ka na kaaaaaaaaaaat? dagdagan mo pa posts mo. haha! :))
LikeLike
jeeeeeeeeec! 🙂 kakamiss ka na talga! 🙂 heheh. try kon dagdagan pa ‘to jec. heheh. kaw din. 🙂
ok lan naman ako jec, naka-enrol na. heheh
kamusta ka jec? 🙂
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
ako gusto ko ng alas singko ng hapon ksi hudyat na pagabi na at mlapit n ang kinabukasan…hehehe
LikeLike
gusto ko naman ang alas singko eh. 🙂 ayoko lang magising sa alas singko ng hapon. 🙂
gandang araw athena. 🙂 salamat sa pagpunta dito. 🙂
LikeLike
wala naman partikular na oras sa akin pero most likely rin hindi maganda gising ko tuwing hapon. pero ang sarap talagng magsiesta. hehehe
LikeLike
ahahah. 🙂 katakot pa lang gisingin ka tuwing hapon hoshi. 🙂 heheh. ako naman,nasasarapan lan talaga matulog. hehehe
gandang araw hoshi! 🙂
LikeLike
sakin ayos lang ang alas singko ng hapon, ibig sabihin happy hour na haha, tomador talaga oh hehe….tagal mo nawala ah
gandang araw kat 😀
LikeLike
giiiiince! 🙂 heheh. sira kasi laptop ko kaya medyo matagal-tagal rin bago ako nakapag-post ulit. heheh.
gandang araw rin sayo gince! 🙂
LikeLike
tulog ako ng alas singko ng hapon dahil 6:30pm pa ako dapat gumising
LikeLike
Mas maganda ang retrato ng dapithapon at maisisingit ang mga salita ni Federico García Lorca:
A las cinco de la tarde.
Eran las cinco en punto de la tarde.
Un niño trajo la blanca sábana
a las cinco de la tarde.
Alas-singko ng hapon.
Ganap na alas-singko ng hapon.
Isang bata ang maghahatid ng puting kumot
sa alas-singko ng hapon.
LikeLike
ang ganda nga po Ginoong Bobby. 🙂 Salamat po sa pagdalaw dito at pagbabahagi ng ganyang tula. 🙂
gandang araw sa’yo! 🙂
LikeLike
slamat ha sa pagdalaw sabhay ko…
LikeLike
naku kat,ganyan din ang dillema ko kapag night shift ako sa work.may mga instances pa nga na sa sobrang kulang ko sa tulog,akala ko umaga na at napa skip ako sa work.
its always good to write poems just about everything.saka yung picture,ang ganda.
LikeLike
duking! 🙂 pareho tayo! 😉 meron ring pagkakataon na nagigising ako tuwing alas singko, pagkatapos akala ko,umaga na kaya natataranta ako kasi papasok na sa skwela. hahaha
salamat duking. 🙂
gandang araw sa’yo!
LikeLike
Ang sober naman kasi ng sepia light ng alas singko ng hapon. Lazy and cranky. Na parang paubos na ang maaari mong gawin at ang tagal naman ng dilim. Yung ganun.
LikeLike
nakakatuwa naman at maraming iba’-ibang opinyonn tungkol sa alas singk ng hapon. 🙂
salamat sa pagdalaw dito maelfatalis. 🙂
LikeLike