Para sa Nagbigay kay Spongebob

Alam mo bang pinagpala ako ng  Diyos para mabigyan ng isang kaibigang kayang manatili sa tabi ko kahit gaano na ako kahirap pakisamahan?  Alam mo ba kung gaano ka-blessed ang mga taong minamahal mo? Sana, palagi kang maging masaya. Sana manatiling mabuti ang puso mo kahit hindi ganoon ang puso ng mga taong nakapaligid sa’yo.  Huwag kang mag-alala,kung natatakot ka sa yong pag-iisa, si Bessy ang isipin mo, kasi Siya, hindi ka kayang iwan kahit kailan.  Sana malaman mo talaga kung gaano ka rin  kahalaga para sa mga taong nagmamahal sa’yo. Salamat at naalala mo ang 5th birthday ko. Salamat sa smileys erasers at spongebob notebook. Masaya ako dahil sa kanila, pero mas masaya ako dahil saýo. Salamat kay Spongebob,smileys at France.

11 thoughts on “Para sa Nagbigay kay Spongebob

  1. concon's avatar concon says:

    para sa akin dapat yang eraser at si Spongebob eh… naglungkot-lungkutan ka kasi eh, kaya sa ‘yo na lang.. 😛

    sa kwentong ‘to, boy na naman ako.. :P.
    photo credits ko pala… hehe… 🙂

    Like

Leave a comment