Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi importante ang pera, na kailanman, hindi pera ang siyang magiging dahilan ng pagbabago ng aking mga desisyon, na hindi pera ang magiging basehan ng mga gagawin ko sa buhay pero unti-unti kong kinakain ang mga sinasabi ko ngayon..
Bakit pinili mong mapalayo sa pamilya mo para mag-aral? Kasi kailangan maganda ang school para may trabaho para sa pera.
Bakit ba kumukuha ka ng management kahit literature naman talaga ang gusto mong pang double major? Kasi sa management, may pera.
Bakit ka ba nag-apply bilang Student Assistant kahit alam mong may thesis ka ngayon? Kasi may sweldo, ibig sabihin, may pera.
Bakit ba kadalsan half-cup na lang ng kanin kinakain mo? Kasi nakatipid ako ng tatlong piso, may pera?
Bakit ka diet ng diet? Para makatipid.. para may pera.
Bakit kahit nagbibingi-bingihan si manong driver sa pagsigaw mo na estudyante ka, sigaw ka pa rin, hanggang sa mairita si manong? Para sa dalawang peso. heheh
Bakit yung pinapasa mong 25 pages na paper, hindi naka-folder, at stapled lang?hahah. Sayang yung sampung piso.
Ano nangyari saýo? Asan na ang pinangako mo sa sarili mo na wag patayin sarili mo para sa pera? Madadala mo ba yan sa langit? wala akong masabing matino, pero ang alam ko, kapag nabubuhay ako para sa pera, mapapadali pagkamatay ko.hahah 🙂

buti pa ang pera, may tao... ang tao,walang pera. hahah
Hindi ito kwento, reklamong ewan lang. hahah
Ma-i-share ko lang, nung isang araw, si manong konduktor, sinabihan ko ng nakabayad na ako, maya-maya tinanong niya ako kung nakabayad na ako. “Nakabayad na po” sabi ko naman. Ilang minuto ang nakalipas, sinabihan niya na naman ako, “Miss asan na bayad mo?”. Ang nangyari,pinapaslang ko na si manong, at ang last words niya “Nakabayad ka na miss?” . Hahah. Ang masasabi ko lang kay manong kung buhay pa yun; “Manong, nakakainsulto ka talaga, medyo di lang ako nakapaligo kaya nagmukha akong dukha, pero manong, nagbabayad din ang dukha. hahah”. wala lang, may masabi lang. 🙂
hanna, pag-uwi ko bigyan kita pera.
“pera, papel lang yan, minsan coins pero hindi talaga iyan ang yaman. alam mo kung ano? “
LikeLike
hahah. 🙂 boi! 🙂 kamusta ka na? hahah. wow, ang yaman! 🙂 hahah
hmmm, ano ba ang tunay na yaman boi? 🙂
LikeLike
it’s either ulyanin na si manong or tinetesting ka niya if makakalusot siya. hehe.
LikeLike
nakakainsulto eh. hahah. 🙂
gandang araw nurseblublu! 🙂
LikeLike
nakakarelate ako rito…
kahit sabihin natin na hindi pera ang mahalaga sa atin, di pa rin natin maitatanggi ang katotohanang kailangan natin ng pera para mabuhay.. ;).. halos wala na kayang libre ngayon 😦
LikeLike
oo nga,sabihin na anting di mahalaga ang pera. pero pera pa rin kasi pambili ng pagkain, an siyang mahalaga para sa ating katawan. hahah. pagkain lang pala mahalaga sa’kin. hahah
gandang araw cdy! 🙂
LikeLike
bakit ang pera may mukha, bakit ang tao walang pera. pero may mukhang pera.
LikeLike
balentong! 🙂 gandang araw! 🙂 hahah. ako,mukhang pera! 🙂 hahah
LikeLike
iba ka pala magreklamo, pera-pera ang usapan. hehehe
hindi naman masama ang gumamit ng pera, as long as nakuha mo sa tamang paraan at hindi ka nang-aapak ng paa este ng tao. at alam mo ring ipangtulong. (chuz kailangan depensahan ko ito kasi pareho tayo ng gawain eh. hahaha)
mabuhay
LikeLike
ahahah. 🙂 salamat sa pagdepensa hoshi. 🙂 hahah
probelam ko,mukhang pera talaga ako ngayon eh,este mukhang pera ang problema ko talaga nagyon eh. hahah
gandang araw hoshi!:)
LikeLike
huwaw kat! reklamo ko rin ang mga reklamo mo haha. gaya-gaya ako wag ka magulo. hahaha. pero pwera biro, napag-iisip-isip ko rin nga na ginagawa ko lang ba ang mga kasalukuyan kong ginagawa dahil lang sa pera? ewan pero sa halos bawat pinaggagawa ko, oo ang sagot sa nasabing tanong. kaya nga damang-dama ko ang mga bakit mo. 🙂
LikeLike
hahah. 🙂 ok, di ako mangugulo. hahah. 🙂 mukhang pareho talaga tayo ng nararanasan ngayon. hahah. damang-dama ko rin ang pagka-busy mo. 🙂 siguro dahil na rin pareho tayo ng university kaya pareho tayo ng nararanasan ngayon? 😉 heheh
LikeLike
marahil nga. talagang unibersidad ng paghihirap yata napasukan natin. haha.
LikeLike
oo nga, unibersidad ng mga poor, at unibersidad ng paghihirap.huhuh
LikeLike
ahahaah
natawa ako kay manong
at malang ikaw na ang model ng brand X shampoooooooooooooo
talaga ahahaha
pera, pera, pera, puro nalang pera.
ahahahaha
kailangan natin kasi ang pera, ang business o anumang organisasyon ang dugo ay pera
pero hindi ibig sabihin nun mamahalin na natin ang pera
pangarap ko kayang yumaman.
be blessed kat!
LikeLike
masaya ako at napatawa kayo kuya. 🙂
si manong kasi, grabe makainsulto. hahah. subtle way of insulting pa ang alam niya. hahah. 🙂
oo nga eh,puro na lang pera, palagi na lang pera, kaya mukha na akong pera,pero wala talaga akong pera. hahah
pangarap ko ring yumaman eh. hahah
God bless kuya pong! 🙂
LikeLike
hahaha,kat.
hindi masamang maging dukha,at hindi rin masamang hanapin mo ang landas na magiging mas mabuti ka at ang mga mahal mo sa buhay sa estado nila kaysa sa anumang meron ka ngayon.kumbaga,you have to evolve in terms of kabuhayan.
iba yung kabuhayan,iba yung buhay.maaari mo naman silang pagbutihin ng magkasabay.in the near future,dami pang challenge na haharapin mo in the name of money.ingat lang na mabenta ng tuluyan ang prinsipyo mo.ahihi!
LikeLike
wow! 🙂 maraming salamat sa iyong payo duking. ^^ gusto ko yung sinabi mo,na iba naman ang kabuhayan sa buhay, at pwede ko silang pagsabayin. 🙂
si manong kasi eh, pakiramdam niya isa kong dukhang nagpapalibre sa dyip. hahah.
ahahah. 🙂 kung mabebenta ba ang prrinsipyo,magkano kaya? hahah
gandang araw! 🙂
LikeLike