Takot ako..
Noong Elementarya..
Sa Monster sa ilalim ng aking kama
Kaya meron akong kumot para magtago.
Sa terror teacher na may stick
Kaya bumibili ako ng tocino.
Sa nanay kong masungit
Kaya naghuhugas na ako ng pinggan.
Noong Hayskul..
Sabihing akoý naiiba
Kaya naging ordinaryo ako.
Aminin na akoý talunan
Kaya tinatakpan ko pagkakamali ko.
Mawalan ng kaibigan
Kaya nagpakatotoo na lang ako.
Ngayon..
Takot ako sa monster sa harap ng salamin
Sa teacher na nagbibigay ng singko
Na mabigo ko nanay ko
Na maging ordinaryo
Na maging talunan
Na mawalan ng kaibigan.
at higit sa lahat,
Na mawala ka..
Dahil sa mga takot ko.
..wag ikaw takot
ok lang yan
hinga ka malalim
challenges lahat yan para maging better person tayo pag dating ng araw
ma oovercome mo din yang fears na yan
LikeLike
tama si cute! agree-agree!
LikeLike
salamat lambing! 🙂 dapat nga maging handa ako sa mga pagsubok na dumarating sa buhay ko. 🙂
sana nga ma-overcome ko. gandang araw saýo lambing! 🙂
LikeLike
ako takot ako masira yung muka ko kc yun ang puhunan ko.. hahahaha joke lang… 😀 gandang araw!
LikeLike
ako hindi na ako takot masira mukha ko matagal na kasing sira hahaha…
lahat naman tayo may takot gaano man kaliit kalaki…
pero tandaan natin na mas higit nating katakutan ang Diyos sa lahat 🙂
LikeLike
@batangistik
welcome sa pahina ko! 🙂 agree ako sa sinabi mo batangistik, mas higit dapat na katakutan ang Diyos. 🙂
gandang araw sayo! 🙂
LikeLike
pogi kasi sir je! ako wala ng sisirain sira na lahat ahaahh
LikeLike
hahah! 🙂 aba! sabagay, pwede ng maging puhunan ang mukha ngayon. hahah
toinx! 🙂 gndang araw jer! 🙂
LikeLike
lahat tayo may kinakatakutan. sabi nga nila, di mawawala ang takot kung parati ka na lang takot na harapin ito. wag kang magpapatalo kat. kaya mo yan ^^
at takot nga pala ako sa gagambang malaki sa banyo.
LikeLike
ay jec, agree ako saýo! 🙂 salamat sa payo. 🙂
pareho pala tayo jec, takot ako sa gagamba.lalo na sa banyo, pero mas takot ako sa centipede! hahah
LikeLike
kat…pajoin sa blogroll please…hehe
LikeLike
ces, antagal ka na kayang nasa blogroll ko. 🙂 toinx! 🙂
silverboi’s blog yung name. heheh. 🙂
LikeLike
kat nagpapaworkshop ka ba sa pagsulat, turuan mo naman ako, pleeeeeeeeeeeease
may mga hand outs ka ba?
send mo sa akin, hihihihi
natuwa ako sa teacher na nagbebenta ng tocino at nagbibigay ng singko, very old school, kami ice candy lang nun binebenta ni mam, at ang mga namimigay ng singko, kwatro at inc ay pinoprotesta ahahah
be blessed kat, lahat tayo may takot, normal iyon pero sabi nga fear not comes from the Lord.
kaya, Kaya mo yan!
LikeLike
kuya, nakaka-flatter naman. 😀 mas magaling ka kayang sumulat. 🙂
old school nga. hahah. 🙂 kung may nagbibigay ng singko, wala kaming magagawa.huhuh
kakayanin kuya! 🙂 thru His grace! 🙂
LikeLike