Babala: ang emo ng post na ‘to..char!
![]()
Minsan, aabot ka sa puntong magagalit ka sa sarili mo dahil naiisip mong ang tanga-tanga mo pala. Ang nasa isip mo na lang, paano ba gumanti sa mga taong nakasakit saýo? Pero hindi mo kaya kasi mahal mo pala ang mga taong yun… ganun naman talaga di’ba? Nasasaktan lang taýo kapag ang nakasakit sa’tin,yun pang mahal natin.
Sa kay crush, ewan ko ba. Galit ako saýo. Galit ako kasi ginawa mo akong isang witch sa kwento ng isang prinsesa, isang kontrabida sa teleserye ng isang mabait na bida. Hindi mo ba alam na gusto ng mga babae na maging prinsesa sa sarili nilang istorya? Ewan ko saýo. Di mo ako binigyan ng pagkakataong mahintay muna ang fairy godmother ko para makita mo akong gumanda, natapos na ang alas dose ng hinanap mo ako.Higit sa lahat, iniwan mo ako sa kalagitnaan ng isang magulong istorya.
Sa kay seatmate,galit ako saýo kasi pinaniwala mo ako sa promises,sa happy ending, at sa forever. Nangako kang hangga’t di ako handa, wala munang may makaalam dahil hindi naman tayo sigurado sa plot ng kwento… pero, inanunsyo mo na pala sa buong kaharian, sa harap ng mga taong hindi dapat makaalaam. Sinira mo tiwala ko saýo. Kaya mo rin pala i-anunsyong isa akong monster na ginagawa ang lahat para saktan ka, habang ako namaý tangang sinasabi na ikaw lang ang frog prince na kailangan ko. Napatawad na kita pero hindi ko maiwasang masaktan kung maaalala ko kung gaano ako naging tanga.
Dahil sa inyo, naisip kong mali ako. Maling-mali ako. Mali ako para ibahin ang kwentong nakalaan para sa’kin. Hindi ako marunong gumawa ng kwento ko dahil merong mas nakakaalam kung ano pala ang dapat na susunod na kabanata. Mali ako na gawan ng sariling timeline ang isang kwentong nakalaan para sa ibang panahon. Hindi ako isang magaling na akda para sa sarili kong kwento.Ang aking Tagapaglikha lang ang nakakaalam ng makakabuti para sa’kin at nakakalam kung ano ang ending ng istorya ko.
Dahil dito, naisip kong, may halaga ako,bilang tao,bilang babae, bilang anak ng Hari ng mga hari…kaya, pwede ba, hingin niyo muna kamay ko sa Kanya? Kasi kung dun kayo sa shortcut at pipiliin niyong mauna sa’kin bago sa Kanya, masasaktan niyo lang din ako. Ok lang din maging number two ako, basta ba, Siya ang numero uno sa puso mo.
Humihingi ako ng tawad kung masasaktan kayo ng post na ‘to… pero gusto ko kasing ipaalam na kung hindi niyo ako kayang hintayin, iisipin kong di niyo rin ako kayang mahalin.

aww. sang-ayon talaga ‘ko sa sinabi mo kat. isang malungkot na katotohanan na kung sino yung mga minamahal natin, sila ang may pinakamalaking kakayahan na saktan tayo.
LikeLike
naisip ko lang, di naman talaga tayo masasaktan ng mga taong wala tayong pakialam. 🙂
gandang araw sayo singkamas! 😉
LikeLike
minsan, si prince charming or frog prince ay frog lang talaga. makikita mo din ang totoong prince mo in God’s perfect time 🙂
LikeLike
agree talaga ako diyan nurseblublu! 🙂
heheh. gusto ko yang makikita ko siya in God’s perfect time. 🙂
gandang araw! 🙂
LikeLike
gusto ko ‘to at nagets ko ng bongga. haha :))
di naman maiiwasang mainis o magalit tayo pero sa huli, tulad ng realizations mo, matatauhan din tayo’t maiisip na may mas maganda Syang plano para sa atin ^^
tulad ng sinasabi ko sa sarili ko …
“darating din yun, sa tamang oras, panahon at simula ng isang magandang istorya”
at di naman emo ang post na ‘to ^^ kung emo ‘to, ano pa yung mga post ko? haha!
LikeLike
heheh. 🙂 ganun ba? akala ko kasi parang emo na to. hahah. 🙂
tama yung sinasabi mos a sarili mo jec, na dadarating din yun sa tamang oras at panahon.. 🙂
tatandaan ko yann para sa sarili ko.^^
gandang araw jec! 🙂
LikeLike
‘Ok lang din maging number two ako, basta ba, Siya ang numero uno sa puso mo.”– sang-ayon ako dito ng bonggang-bongga!
magandang araw 🙂
LikeLike
heheh. pinag-isipan ko talaga ang rhyme ng line na yan.. buti at nagustuhan mo..^^
welcome sa pahina ko. 🙂
LikeLike
haiszt takot din ako at naransan ko na yan except sa nawakan ng kaibigan he he he. nakakatakot tlagang isipin yung teacher na yun ha ha ha ha
LikeLike
gustong gusto ko ang last two paragraphs kat, you are indeed a princess and co-heir with Him!
when we forgive we give it all to the Lord
kaya be happy na kat ha,
be blessed!
LikeLike
salamat kuya pong! ^^
j
kayo rin po, be happy and joyful ha? 🙂
God bless sa’yo! 🙂
LikeLike