Kahapon nagkausapan tungkol sa proposal na magpatayo ng isang kapehan dito sa school, na napunta sa mga inuman ng alak, na pumunta sa kung kailan napapasuka kung inuman na.
Nasa 4th year college na ako pero ang totoo niyan di ko pa naranasang sumuka sa kung saan dahil sa kalasingan. heheh. Kasi ang totoo niyan hindi talaga ako mahilig uminom at hindi naman ako nadadala sa peer pressure kasi mahal pa rin naman ako ng mga kaibigan ko kahit na tawa-tawa lang ako sa inuman session at umaasta lang na lasing. hahah
Hindi pinagbabawal sa’kin ang uminom kasi na sa legal na edad na ako.heheh. Si papa, niyayaya niya akong uminom kapag nakita niyang may problema ako. Si mama naman, niyayaya ako ng cheers pag new year, siya pa yung bumibili ng isang kahon ng Red Horse. Ang kaisa-isang rule lang, wag daw ako uminom kasama ang mga taong di ko kilala o di ko pinagkakatiwalaan.
Paano ko ba sasabihing hindi ko talaga kayang uminom? Kasi ang pait talaga. hahah. Tsaka naiisip ko, bakit ba ako magbabayad sa isang inuming magpapasakit ng ulo ko at magpapasuka sa’kin? Katulad din ng bakit ako bibili ng inumin(softdrinks) na magpapasira ng tiyan at ipin ko? Bakit ako bibili ng tubig na may food coloring o flavoring lang(tetra pack juice)? Oo,hindi ko rin kaya uminom ng softdrinks atsaka ayoko talaga ng tetra pack juice. Ganun ang topak ko kasi gahaman ako sa pera. hahah
Gayunpaman, kung nasa inuman session,nakikikanta naman ako, nakikinig sa mga kwento nila lalo na kung madrama, nakiki-english kung bigla na lang silang naging english-speaker, at nag-aastang lasing. Kung ang kasama sa meal ng jollibee at Mcdo ay softdrinks,go naman ako, at kung tetra pack lang ang meron,uhmmm,wala bang tubig? hahah
Ano ba talaga gusto kong sabihin? Wala lang naman. uhmmm,uhmm,uhmm, Gusto ko lang sabihin na gusto ko at the best pa rin pala ang tubig. Bow. π
P.S. Alam ko, magmumukha akong makitid sa post na ‘to pero yan talaga si Kat eh.:)
huhuh.. π¦ kaya pala walang may nag-post ng comment.. kasi comments off pala.. π¦ huhuh
LikeLike
oi, kung may comment kayo.. comment lang. hahaha! π
LikeLike
same tayo π hindi ko din gusto kasi ang lasa ng alak kaya hindi ako umiinom π nyahahahaha
may bago akong bahay : http://www.zowander.com π pero heto pa din naman jongskie blog ko ajjajajaj
LikeLike
Kahapon ayaw mong magpakoment.
Umiinom ako, pero hindi na katulad dati. Pasuray-suray.
Hindi na kaya ng wankata. Matanda na kasi
LikeLike
heheh. π na-comments off kasi ng di sinasadya. hahah
hindi ko talaga kaya ang pait eh kaya tubig na lang. heheh
kaya ba lolo jkul tawag nila saΓ½o? π
ako,tumatanda na rin.heheh
gandang araw kuya jkul! π
LikeLike
umiiom ako nung college, hehe. sa boarding house kasi, pag may isang heartbroken, ayun magkakaayaan na na uminom. nasanay na rin later on ang taste buds ko sa pait. π
sige, magtubig ka nalang kat. hehe. magandang umaga! π
LikeLike
heheh. π tubig na lang ako, kasi ang pait talaga eh. ahahah. π kapag may heart-broken dito, sinasabihan ko na lang na ipapaslang ang taong na-break ng heart niya. hahah. Joke lang. π
gandang araw nurseblublu! π
LikeLike
iyun woh. ngayon lang ako nakabalik, naka-off kasi comment last time.
ang masasabi ko lang, umiinom ako. di ko alam kung malakas ba o ano pero umiinom ako. di ko itatanggi kasi nasa itsura ko yun eh. haha :))
LikeLike
hahah. π akko namaΓ½ loser sa pag-inom kaya umaasta na lang na lasing. hahah. atsaka mukha rin akong lasing eh. hahah
LikeLike
wahhh congratz! i think marami ang gustong kain gaya mo na tubog lang ang trip. ako hindi rin umiinom ng alak kahit din nanay ko na ang nagpapainom sa akin. yun din ang rason ko, bat ako naghahanap ng sakit ng ulo ko sa lasang hindi naman ako nasasarapan.
lamang lang ako ng softdrinks pero hindi naman ako gahaman. pag napagtripan lang din. (kaso madalas ako magtrip) . pag bakikita ako ng nanay ko nagso-softdrinks na sunod-suno pinapalo ako este pinapagalitan. nasa lahi kasi namin ang paiging Diabetic.
LikeLike
ahahah! π natawa ako sa paarteng pinapalo ka ng nanay mo.. π
ganun ba? yyung diabetes kasi hereditary daw yan eh,kaya siguro pinag-iingat ka ni mama mo. π
parehho pala tayo ng dahilan tungkol sa pag-inom ng alak. hahah
gandang araw hoshi! π
LikeLike