Minamalas-malas ako ngayong araw, pero hindi ako naniniwala sa swerte ibig sabihin hindi rin pala ako naniniwala sa malas. Ang masisisi ko talaga sa araw na’to ay ang kapabayaan ko sa maraming bagay. Ayoko man aminin sa sarili ko,yun talaga ang totoo, kaya lutuin na ako sa kumukulong mantika. char lang.
Kapabayaan No.1
Mula nung linggo pa ko singhot ng singhot dahil sinisipon, ang tanda ko na nga,uhugin pa rin. Pagkatapos nagkaubo pa ako kaya parang aso akong taghol ng taghol. Isang senyales ng kapabayaan sa sarili. Hanggang ngayon, meron pa rin akong sakit. Kung sinuman ang nagkulam sa’kin,congrats, pero matagal mamatay ang masamang damo kaya magkakasakit lang ako,di talaga ako mamatay!(sa ngayon.heheh)
Kapabayaan no.2
Hindi pa ako nakapagpa-repair ng charger ng laptop(na bunga ng isang taong allowance at pagpapahirap sa sarili) ko kaya halos isang linggo na akong parasite sa dalawa kong kaibigan. Yung isa,hinihiraman ko ng charger kasi pareho kami ng netbook,yung isa naman, ninanakawan ko talaga ng laptop. Sa katunayan,laptop niya gamit ko ngayon sa paggawa ng blog.
kapabayaan no.3
Nakalimutan kong gumising ng maaga noong biyernes kaya hindi ko naibigay yung aking mga labahan sa aking labandera kaya naman nangangamoy ako ngayon. Joke lang. Kaya lang yung mga ginagamit kong damit,parang damit lang ng ume-epal.Buti na lang at kami ang naglalaba ng sariling undies namin. hahah
Ang parusa:
Meron pala akong report ngayong araw, kaya naman kailangan ko ng charger kahapon,kaya lang wala pala yung hinihiraman ko kaya nagnakaw uli ako ng laptop ng iba. Hindi ko rin inumpisahan ang report ng maaga dahil pagkatapos kung magtrabaho kahapon(Student assistant ako,bunga ng pagiging gahaman sa pera) ay natulog lang ako. Ibig sabihin,gabi na ako nagsimula at alas 3 na ng umaga natapos, ng design ng slide at hindi pa nung report(ang arte kasi eh). Kaya naman nung umaga ko na natapos, mga 7 am, eh 8:30 klase ko.
Mabuti sana yung malapit lang ang school, naalala ko palang isang oras at kalahati ang kailangan bago umabot dun. Kaya naman major-major late na ako dahil naligo pa ako at nag-toothbrush at lahat na. Nung magbihis na ako, naalala kong kailangan ko palang mag-dress up dahil report ko ngayon. Patay! wala akong mga disenteng damit, meron lang isang pink na dress! Huwaaaaat?! wala rin pala akong cycling o shorts kaya naman sa katopakan ng kukuti ko, ginupit ko ang isang masikip na pajama ko para maging shorts. Toinx! hahah. Instant shorts! oha!
Mga 7:45 na ako nakalabas ng dorm, akalain mong ang tryk na nasakyan ko ay gusto pa atang maglibot-libot at mamasyal sa dorm area. Late na talaga ako. Pagkatapos,yung nasakyan ko naman jeep papuntang school, eh nahuli pa ng traffic enforcer, kaya natagalan pa dahil sa sermon,lista ng lisensya at kung anu-ano pang tsismis. Pagkatapos meron pa palang parada,dun mismo sa daanan kaya tingin-tingin muna ako sa mga hayskul na naka-christmas lights o christmas decoration,ewan ko dun. Dito na ako humiling na sana bumagyo na lang ng Signal no. 3!
Buti naman at 30 minuto lang pala akong late kaya makakapag-photocopy pa ako ng report ko,kaya lang, break pala ni manong, Sige manong,break mo,kagatin mo! Buti na lang din nagkaroon din ng break klase namin bago ang report ko. Kaya lang, si manong photocopier may sandamakmak na dapat iphotocopy.Huhuh. Kaya na-late ako sa klase, na nagkataon namang may quiz.
Dahil sa quiz(na nabagsak ko anyway), na parang exam, hindi na ako pinag-report dahil wala ng oras.Bow.
Dahil dito, naalala ko yung saying na a stitch of time saves nine, atsaka prevention is better than cure, atsaka yung kantang may line na maliit na butas lumalaki,konting gusot,dumarami. hahah. Kung ano ibig sabihin niyan,ewan ko. Kung ano ang konek? Malay ko rin. hahah
Sa araw na’to,yan ang misadventures ni Kat. 🙂
base, basa mode muna kat!
LikeLike
ahaahahhahaha
una kat salamat naman akala ko kasi naniniwala ka na sa swerte babatukan ka na sana ni kuya pong ehehehe(biro lang)
parang hindi ka naging studyante kung hindi mo nadanasan ang rush at kung anu-ano pang mga kapalpakan, last minute preparations. yan yata ang pinakamasarap sa buhay estudyante ahahahaha
pero maganda parin ang laging prepared, nung nasa college ako kagaya mo, epal din ako, at kapag may reporting at binigay na ang syllabus magbo-volunteer ako na una ako parati, para worryless na hanngang matapos sa sem. dahil parehas tayong nag-aral sa pampublikong paaralan nadanasan ko din yan na ang 10 chapters sa micro ay quiz lang ang classification at talaga namang tinuligsa si Doc Gel (Hi sir!) ng mga mates ko ahahahaha ako ok lang fave ko ang micro. Ang ayoko lang talaga ay ang mga hand-outs at photocopies nung college, ayoko kasing may bitbit. Sana may kwentong blue book ka din. Kasi ako madami nun (wala lang feeling ko kasi college ulit ako).
At nung may isang subject kami sa Institute of Forestry, 7-12 ang pasok namin dahil major major subject namin ito maaga kaming papasok kasi ang jeep hanngang sa grandstand lang namin so maglalakad pa ng pagkalayu-layo sa kagubatan para marating ang building at pagpasok sasabihin ng dean na wala si Prof Tarun (hi sir) sayang ang ligo at lakad. ahaahahah
(sorry naman feeling ko talaga at home ako dito sa blog mo)
sa grad school mas matindi ang pressure kasi naman mga mams at sirs ang mga mates ko, tsaka pagalingan talaga, ang kagandahan lang dun ay nakakapili ng isked ng mga exams at ang mga reporters ang nagkokontribute ng exam yehey!
I-enjoy mo lang ang buhay student, kasi kapag nagwork ka na sasabihin mo sana nagiiskul nalang ako ulit. ahaahah
LikeLike
pong, nagkoment ka ba o nag blog ka sa comment box? hahaha
LikeLike
ahahah. hindi po talaga ako naniniwala sa mga swerte-swerte at malas na yan eh. hahah(palusot para di mabatukan. hahah)
ako,palagi na lang nagmamadali,palaging last minute preparations kaya naman kun g anu-ano na ang mga nangyayari sa’kin. hahah
Ganun ba kuya, naranasan ko rin yung pupunta kami sa city para pumasok,yun pala walang klase. Sayang yung paggising ng alas-sais ng umaga at yung 35 pesos na pamasahe,papunta pa klang. huhuhu
Ay,marami akong kwentong bluebook. Bluebook na kapag na-check na ng teacher eh nagiging pula.hahah. Sa katunayan, para mapaalala sa’kin kung gaano kaimportante yung bluebook, ginawa ko ang cover niya na pang-cover sa logbook(na ginawang notebook) ko. hahah.
Minsan lang naman mag-quiz ang mga teachers; ko,especially sa psych, minsan nga wala ng quiz,minsan wala ng exam-exam,pero marami nga lang paperworks. Yung palaging nagbibigay ng exam na parang quiz eh yung mga management teachers ko.huhuh. May plano po kasi akong mag-double major,psychology at management. 🙂 kuya pong, ipagdasal niyo po ha? 🙂 na maaprubahan yung double major ko. heheh
mukhang challenging yung gradschool ha.. 🙂 kahit nakakapagod, enjoy pa rin! 🙂
walalng problema kuya, share lang ng share. 🙂
magandang araw saýo! 🙂
LikeLike
parang post na rin ang tugon ko. hahah
LikeLike
congrats kuya! 🙂
LikeLike
masyadong maraming nangyari sa araw na iyan hanna, gayunpaman, napasenti ako sa ginawa mong paraan para magkaron ka ng instant short, umaasa akong kapag kinantahan kita ng paboritong kanta ay mapapawi ang pangamba mo sa naghihikahus na buhay estudyante.
i wanna be a billionaire so hanna bad…
buy all of the things i never had….
i wanna be be on the cover of, blogs gravatar
smiling next to hanna and the kat
kaya hanna, magsumikap ka…..hehe
ang mga aral na natuklasan mo na, hindi dapat sinasabi lang, dapat ginagawa sa totoong buhay.
mabuting alalahanin ang mga aral, pero kagaya ng isang linya “mas gusto ng mga libro na binabasa sila kesa tinatago lang sa mga eskaparate”
LikeLike
kat sori naman parang post na ang koment ko. be blessed!
LikeLike
ok lang yun kuya pong! 🙂 nakakatuwa nga yung mga binabahagi mo ring karanasan! 🙂 hahah
Magandang araw ulit kuya! 🙂
LikeLike
boi, salamat sa mga payo mo. 🙂 at salamat rin sa kanta. 🙂 heheh
dapat talaga natuto na ako eh, ang tigas rin ng ulo ko eh. hahah
Sanan talaga magbago na ako. 🙂
magandang araw boi!
kamusta ka? 🙂
LikeLike
nakakaloka mga nangyari sayo kat! hahaha
LikeLike
hahah. ako nga rin,naloka sa sarili ko. hahah. Buti na lang nakakapag-blog pa naman ako. hahah
gandang araw saýo katy! 🙂
LikeLike
akin na lang yung pajama na naging shorts, wala akong brief ngayon. hahah. joke.
LikeLike
hahah. pwede rin. hahah. 🙂 pero souvenir ko ‘to sa araw na to eh at ipapalaba ko pa na to sa labandera ko. hahah.
LikeLike
magandang araw nga pala saýo balentong! 🙂 musta na? 🙂
LikeLike
Aus din ang experience mo huh… Yan ang magsisilbing aral para sa yo… 😀
LikeLike
hahah. dapat matuto na talaga ako dito eh. Grabeng aral sa paaralan. hahah
Gandang araw frankie! 🙂
LikeLike
natawa ko sa pajamang ginawang shorts haha, astig!!! bakit kelangan pa ng shorts kung nakadress naman?
LikeLike
hahah. natawa nga din ako sa sarili ko ng naalala ko. nagmamadali na kasi ako.heheh. Kasi medyo maikli yung dress, o kahit di maikli,parang di ako sanay na walang cycling o shorts. heheh.
magandaang araw gince! 🙂
LikeLike
pareho tayong di naniniwala sa swerte kasi kung meron nyan, eh di ang malas ko palang tao xD
ang daming nangyari sa araw na yan katy, parang series of unfortunate events. kaloka :))
lesson yan kaya oks lang 😀
LikeLike
nakakapagod yung araw na yan, andaming nangyari.. hehe..
LikeLike
stressed na stressed nga ang lola. hahah
LikeLike