Niyakap ko agad si Mama at iba ko pang kapamilya pagkadating ko sa bahay. Nakita ko agad ang mga anak ko, oo, mga anak ko. Hahah. Ang kapatid kong babae na first year highschool na, at dalawa kong pinsan na 7 at 3 taong gulang. Sabi ni mama, kung gusto ko silang ipasyal, bibigyan niya ako ng 300 pesos na budget. Kaya oo naman agad ako.
Bago kami umalis, inimbita ko muna ang kababata kong si bongbong,este Cesei(www.silverboi.wordpress.com para may kasamang promotion) na samahan kami, na hindi naman humindi. Sinama ko siya para magkasama naman kami matapos ang ilang taon, at para may manglibre. heheh
Nang nasa Robinson’s na kami, agad nagtanong si Cesei kung sino ba yang si Markki Stroem.
“Bakit hindi mo kilala si Markki, eh major major crush ko yun”, ang sabi ko naman. Sa mga hindi pa nakakakilala kay Markki, isa siya sa mga sumali ng Pilipinas Got Talent at heto siya.

Hahah. Major-major crush ko talaga siya kasi magaling siyang mag-gitara, mag-piano, mag-saxophone at nakakainlab ang boses. Nang naitanong ko kung bakit niya natanong eh heto sabi niya:
“Kasi Midnight Sale ngayon sa Robinson’s at pwede raw ma-meet and greet si Markee”
“HA?! Talaga?! Seryoso ka Ces?! Paano mo nalaman?! ”
“Ayun hu, nakalagay sa malaking tarpaulin sa harapan natin”
Ayayay pag-ibig! Kapag sinuswerte ka nga naman. Hindi ko akalaing susundan ako ng mahal kong Si Markki sa Bacolod eh.Hahah. Minsan nga naman, ang pag-ibig nasa harapan mo na, di mo pa nakikita. Kaya pinilit ko agad si Cesei na bumili kami ng papel at ballpen para magpa-pirma, sabi ni Cesei, sa T-shirt ko na lang papirmahin,oo naman ako. Ahahah, isa pa, ahahah.(sinusunod tawa ni yin. 😀 )
Alas siete pa raw si Markki kakanta, kaya pumunta muna kami sa “Quantum” at “World of Fun” kung saan inubos ng mga anak ko ang lahat ng rides, as in lahat, maliban sa hindi gumagana .Ang saya-saya naman nila lalo na yung si Xander, ang tatlong taon, atsaka si Xapu,ang limang taon. Ako namaý nataranta sa kanila dahil kung saan-saan tumatakbo.
Oras na para kay Markki! Ang swerte ko kasi ang ganda ng pwesto namin, nakita ko sa malapitan ang crush ko at may phone na may camera si Cesei, kaya lang nag-wave2 siya sa ibang babae, atsaka nag-kiss pa, sa akin,wala. Huhuh. Actually, masaya na akong marinig boses niya, at nag-saxophone pa siya, nakaka-inlab talaga. Tapos pwede raw ma-meet and greet si Markki, magpa-pirma at magpa-picture2 basta merong album ng Pilipinas Got Talent. Hay naku, minsan, ang pag-ibig hindi libre.
Sabi ko gusto kong bumili ng album eh,250 pesos pala yung presyo. Minsan, ang pagmamahal, eh talaga namang mahal. Yung dala-dala ko 300 lang. 250 o pag-ibig? 250 o pag-ibig? Dilemma talaga, ano pipiliin mo Kat?
Ang ending eh pinili ko ang 250 pesos… atsaka Pag-ibig. =) Kasi imbes na binili ko nang album ni Markki yung 250, binili ko nang dalawang B1 meal, go large sa Jollibee ang pera, at masayang kumain kasama ang mga anak ko. Minsan nga naman, ang pag-ibig, nasa harapan mo na, di mo pa nakikita. =)
Sa araw na’to , yan ang kwento ni Kat. =)
base!
LikeLike
congrats kuya pong sa base! =)
LikeLike
yehey, go jolibi, go jolibi,
namiss ko ang C3 iced tea, extra rice ng jolibi yehey! (yan madalas kong inoorder) ahahaha
alam mo kat bilib ako sa iyo sa pagmamahal na meron ka, hindi ka madamot.
namimiss ko na ang mga pamangkin ko na parang anak ko na rin.
sa tuwing aalis ako ng bahay noong nagtuturo pa ako, agad nilang sasabihin, “sir pengeng pera” ganun din pagdating ko, may mga pasalubong pa sila nun.
totoo nga na yung mga essentials sa buhay yun ang mga hindi nakikita, parang hangin, kung wala ito mamatay tayo, at ang pag-ibig more on naipapadama siya kumpara sa nakikita hindi mapaliwanag, dahil mahiwaga.
mahaba na ang koment ko pero ang dami kong gustong sabihin
LikeLike
go jolibi! =) hahah. jolibi gusto nila eh. hahah.
madamot ako kuya, sobra, di ko lang pinapahalata. hahah =)
yung mga pinsan ko kasi parang anak na ni mama, at parang anak ko na rin. 🙂
makukulit pero ang cute namn. hahah. =) kung may cam ako, lagay ko pix nila dito minsan. =) heheh
kuya, tenkyu sa comment, andami kong natututunan. =)
gandang araw! =)
simba muna ako kuya. 🙂
LikeLike
aray ko… okay lang yan. at least sa pinili mo pa rin ang pag-ibig sa mga anak mo.
major-major thing yun. ayeee
LikeLike
next time,push your luck.
sabihin mo sa kanya na wala kang pera pero baka pwede munang utangin yung album nya.
bilib ako sa naging pasya mo.kase dati,kailangang salinan ng dugo ng nanay ko pero nagastos ko yung pera para sa pag-ibig.oo,binili ko yung ina-auction na nighties ni angel locsin.
joke lang.
LikeLike
ahahah. 🙂 mukhang mas mahirap na desisyon yan duking ha, si nanay o yung nighties? si nanay o yung nighties? hahah. 🙂
gandang araw saýo! 🙂
LikeLike
kat, major crush ko rin siya!! hahaha kung ako siguro ikaw, bibili ako ng album at iiwan ko ang mga bulilit para sa kanya 😀 ang swerte ng mga anak mo, kat ang nanay nila at hindi katy hahaha
LikeLike
hahah! 🙂 pareho pala tayo katy! 🙂 na major major crush si markki! 🙂 ang cute nya lang kasi eh. hahah. 🙂
okie lang, next time, libre na yung pirma, pati album ni markki. hahah. sana libre. hahah.
ang cute kasi ng mga bulilit eh. hahah. 🙂
gandang araw saýo! 🙂
LikeLike
Namiss ko bigla mga pamangkin ko, kaka-text lang ni ermats nasa bahay daw sa Pangasinan yung apat na pamangkin ko. Yung Marki ba yung kumanta ng anak sa pgt? Mas magaling ako dun! Saan ka nakakita ng kumakanta habang nag-gigitara at nagske-skateboard at kumakain ng pulburon?! Hahaha.
LikeLike
ahahah. 🙂 ganun ba yin? heheh. di ko naman nakita eh. hahah. di ko maimagine na may kumanta habang kumakain ng pulburon. hahah. 🙂
oo, anak ata kinanta niya eh. heheh
gandang araw yin! 🙂
LikeLike
nang makita ko ang poster ni markki sa rob kahapon, ikaw agad naalala ko… hehe…
. .. nasa akin kasi phone mo kaya wala akong way na ipaalam sa iyo na nasa bacolod na ang major, major crush mo. hehe… di ko naman inakala na umuwi ka rin pala..(nag-work kaya ang pag-convince ko na umuwi ka?.. hmmm… )
anyway, buti naman naisipan mong umuwi… siguradong miss na miss ka na ng mga anak mo..
mama mo, ng mga kapatid mo, mga kamag-anak at ng buong bacolod.. 😛
LikeLike
ahahah. 🙂 parang nag-work rin naman yung convincing powers mo. 😉 nakita mo rin pala ang major major crush ko? hahah.
namimiss ka rin ng mga cute mong kapatid, ng nanay mong maganda, cool mong tatay, at ng buong Bacolod! 🙂
gandang araw char! 🙂
LikeLike
hello! hehe la lang.. kumusta ang bacolod?
🙂
LikeLike
major major decision making ang ginawa mo Kat 🙂
idol! haha xD
LikeLike
ahahah. major-major talaga jec. hahah. 🙂 nahirapan kaya ako. hahah. major-major crusk ko kasi si Markki eh. hahah
gandang araw jec! 🙂
LikeLike
may special mention pala sa akin dito hehehe. nice Kat! enge fries!!
LikeLike
hahah. wala ng fries para saýo yin! hahah! 😀
LikeLike
awwww… I loved this story, Kat! If your parents knew about this, I am very sure they would be proud of you. You are wise for your age.
I loved how you call the kids mga anak mo. pagdating ng panahon, you will be a great mom to your own kids. 🙂
LikeLike
hahah. 🙂 relatives free tong blog ko(i hope) hahah. pero kung meron sa kanilang makabasa,ok lang naman. 🙂 parang nakakahiya kung mabasa nila eh. hahah
ay naku ate kaye, masungit talaga akong nanay sa mga batang yan, pagkatapos nauubusan ako ng pasensya. hahah. ang kulit-kulit kasi eh. hahah
gandang araw saýo ate kaye! 🙂
LikeLike
agree.. 🙂 di siya sakim at masiba.. hehe.. kung ako yun, 2 jolly hotdog agad.. hehe
LikeLike
hahah. matakaw ako metaporista,sobra, di ko lang nalagay na ako yung umubos ng pagkain nila. hahah. 🙂 at fave ko rin yung jolly hotdog. hahah
gandang araw saýo metaporista! 🙂
LikeLike
hahaha. okay lang yan, kung may chance ka sanang makalapit sa kanya, sana binulungan mo na… “mahal kita, akin na lang isang copy ng album mo” haha
LikeLike
ahahah. 🙂 oo nga noh? 🙂 next time subukan ko, tapos dala kiss sa check. heheh
🙂
gandang araw balentong! 🙂
LikeLike