Kahapon, nagkaroon ako ng pakiramdam na para bang hindi ako makahinga, akala ko tuwing nasa ilalim ka lang ng tubig nakakaramdam ng ganito. Habang, nanonood ako ng balita sa lobby ng aming dorm kasama ang mahigit sampung dormer na nagkataon ding merong pakialam sa nangyayari sa Pilipinas, napapa-waaaah! -ay naku! Wag naman sana! -At anu daw?- ako dahil sa hostage-taking na naganap na sa isang tourist bus na sangkot ang isang may mataas na ranggong pulis.
Nahihirapan akong huminga dahil pakiramdam ko pag huminga ako ng malalim, makakabasag ako nang kung anumang namuong tensyon sa paligid. Nahihirapan akong kumurap dahil baka sa isang segundo ay may biglang umalingawngaw na tunog na bala. Na para bang nakasalalay sa pag kurap ko ang buhay nang dinadala pa lang sa sinapupunan. Nahihirapan akong magsalita dahil wala ring salitang makakapag larawan sa nararamdaman ko. At may mga salita bang makakatulong? Sa mga taga-Hongkong,kay Sr. Ins. Rolando Mendoza, o sa mga kapawa kong Pilipino, o kahit sa mga dormmate ko?
Nagtapos ang araw ng mga nasa puwesto na may batuhan ng sisi, may pasahan ng responsibilidad, at may turuan ng may kasalanan. Nagtapos ang araw na mga na-hostage na puno ng takot sa puso nila dahil sa naranasan. Nagtapos ang araw ng mga may namatayang kapamilya na puno ng kalungkutan, kawalan, at marahil galit. Nagtapos rin ang huling araw sa buhay ni Ginoong Rolando Mendoza. Sa ibang dako ng Pilipinas, nagtapos ang araw ng iba na tahimik dahil walang radyo o tv na naghatid ng nakaririmarim na balita. Sa ibang dako ng mundo, nagsisimula pa lang ang araw nila habang natatapos na sa’tin.
At natapos naman ang araw ni Kat na natatakot, at puno ng katanungan.

Base! 😀 hehe.. wala lang. basa muna ako.. hehe 🙂
LikeLike
ay, congrats. =)
hoy nursalim!!! =) asan na ang post mo?? ha?
angtagal-tagal nang overdue yun ah. hahah
LikeLike
Napaka-depressing talaga. Di ko alam kung kanino ako makiki-simpatya, sa mga kamag-anak ng mga Hong Kong nationals na biktima ng maling pagkakataon, o kay Ginoong Mendoza na biktima ng maling sistema, o kay maam Nice na umiyak kanina sa klase? haaay.. nakakabadtrip. ang lungkot. 😦
LikeLike
maya-maya tapos na yun. hehe. 🙂 sige, tapusin ko muna. 🙂
LikeLike
Na-post ko na! hehe.. 😀 comment ka ha! 😀 hehe..
LikeLike
di ako naka base! arg
ok lng yan, makakabawi rin tayo
LikeLike
hahah. =) ok lang yan.. =)
sana nga makabawi tayo..kasi nakaka-depress…
LikeLike
aaawwwww actually di ko nakita si rolando mendoza sa tv ngayon lang.. sya ba yan?
nakkalungkot … yun lang…
LikeLike
lambing..=) welcome sa pahina ko..=)
siya nga yan.. nakakalungkot nga, baka mapagbuntungan yung mga ofw sa hongkong..:( 😦 😦
gayunpaman, magandang araw sa Pilipinas, sa’tin, at saýo lambing.=)
LikeLike
Madami na akong nabasang komento, opinyon, kuro-kuro sa nangyari.
Madaming nagalit, nadismaya, nalungkot at nagtaas ng kilay sa nanagyari.
Tinawag na din tayong SHITS at crooked sa forum at iba pa.
Major major talaga ito.
Kagaya sa mga naging koment ko sa iba ay same pa din ang sasabihin ko. Hindi kagustuhan ng sambayanang Pilipino na mangyari ito. Kagaya ng walang may gusto na may namamatay na inosenteng buhay sa Iraq dahil sa bombing. Yes, pwede silang magalit sa atin, sumpain ang higit 7, 000 mga isla at 90 + milyong Pilipino. Given iyon na pwede nila tayong yurakan dahil sa naganap. Pwedeng isisi sa gobyerno at media.
Ito naman ang akin lang: Ayoko ng makidagdag pa sa injury sa sugat ng ating bansa ngayon. Sapat na ang panalangin ko para sa nangyari at ang paghingi ng tawad bilang isang Pilipino. Wala na tayong magagawa. Matuto meron pa.
Walang may gusto ng nangyari. Wala ding gusto na masisi ang bawat isa. It will all come to pass. At the end of the day babangon pa rin tayo sa biyaya at awa ng Diyos.
salamat sa pagbabahagi kat!
be blessed!
LikeLike
parang post ang comment ko pala kat, nakakahiya naman ahahah
LikeLike
kuya pong, salamat sa pagbabahagi ng inyong opinyon.. isa ito sa pinakamasalamuot na pangyayari sa bansa..
ang sa’kin lang, sana wala na lang sisihan.. kasi ganu pa natin isisi sa iba, hindi na maibabalik pa ang buhay na nawala..
ang tanging magagawa natin, ay manalangin, para sa mga namatay at sa mga namatayan..
ngayon araw ay panibagong araw, magandang araw saýo kuya pong! =) Sa awa ng Diyos,babangon ang Pilipinas. =)
God bless!
P.S. ok lang po yan kuya pong, na-appreciate ko nga eh. =) salamat sa mga komento!
LikeLike
salamat naman kat,
oo naniniwala ako na babangon talaga ang Pilipinas Kat!
yehey! may bagong umagang parating para sa atin!
LikeLike
oo naman kuya, kailangang kumapit tayo sa pag-asang pinanghahawakan natin. =)
LikeLike
Oi, miss na din kita! Na-detect na ng smart ang proxy server na gamit ko di na ko nakakapag-web sa phone ko kaya bihira na makapagbloghop. Text text nga tayo Kat? YM ko muna, hardkloud.
Di na ko kokomento sa isyu, syado na malungkot. Pero gusto ko yung pagkaka-deliver ng kuwento hehe. Stig. Ayt!
LikeLike
ganun ba? =) kaya pala parang minsan-minsan na lang kitang nararamdaman sa blogoshere(meganun? heheh).
send na lang ako ng personal message. heheh. =)
ang lungkot nga eh..
salamat sa appreciation. =)
gandang araw saýo. =)
LikeLike
‘Twas a nightmare that shook the whole world…We can do nothing about it but to pray. Peace on earth…
LikeLike
tama ka jag.. kailangan talagang manalangin..
gandang araw jag! =)
LikeLike
jag, bakit kaya di ako makapunta sa page mo? 😦 blog not found daw.. panu ba to? hmmm..
LikeLike
asan na yung picture mo kasama ng mga kaklase mo at isang pulis na ang background e yung bus sa likod ninyo?
*joke*
LikeLike
hahah. ginawa ko ng profile pic sa facebook eh! hahah.
kamusta cheesecake? =) gandang araw saýo! =)
LikeLike