Mahalaga Ka

Kanina lang, bigla kong namiss ang gitara ko, sa maniwala kayo’t hindi, meron din akong alam na chords, katulad ng H minor diminish! Nung higschool kasi, ang crush ko, gitara lang ang alam kausapin kaya ayun, naisipan kong matuto na rin ng gitara para kausapin niya rin ako. hahah. Huwag niyo nang hulaan kung sino, maraming nagigitara sa campus at sa paligid ko.

Kumalat ang tsismis na gusto kong matuto tumugtog kaya isang araw may kaibigan si papa na binigyan ako ng gitara. Maliit, pambabae ang size at kulay brown. Gustong-gusto ko ang gitarang yun kasi una sa lahat, libre. =) Meron nga lang isang problema, sira ang gitara.

Hulaan niyo kung sino ang nagpresentang ayusin ang gitara. Yung crush ko lang naman. Kinilig naman naman ako kaya instant may sentimental value agad yun. Tuwing umuuwi ako mula sa school, ang gitara kaagad hinahanap ko. Pagkatapos kong kumain, gitara na naman, at heto matindi, katabi ko nang matulog minsan ang gitara. Natuto naman akong tumugtog pero basic lang. Parang hindi para sa’kin ang music.

Nung nag-college ako, napilitan akong iwan ang gitara sa bahay dahil mahirap bumiyahe na dala-dala ito. Nang bumalik ako sa bahay nung sembreak namin, mangiyak-ngiyak ako ng makita kong sira na uli ito. Wala kasing gumagamit at hindi naman alam ng ibang kapamilya ko kung paano nila aalagaan ito. Nakakainis  pero  kanino ako maiinis? Eh responsibilidad ko naman ang gitarang yun kaya walang ibang may kasalanan kundi ako lang din.

Dahil namimiss ko gitara ko, bigla kong naisip na meron palang mga bagay na pwedeng mahalaga sa atin nung una, pero nakakalimutan natin ang halaga kalaunan, at naaalala na lang natin uli ang halaga pag wala na.

Natutunan ko ring may mga bagay na kahit mahalaga sa’tin, pwedeng hindi pahalagahan ng iba kaya mas mabuti na yung kita na mismo ang nagsasabi at nagpapakita na mahalaga at importante sila para sa’tin. =)

Sa araw na ito, yan ang kwento ni Kat. =)

ayan, may picture pala ako at si monica kasama ang gitara ko. hahah

ayan, may picture pala ako at si monica kasama ang gitara ko. hahah

picture kasama si frosty? =)

Picture kasama si Frosty? Ewan ko basi nauso ang mga ganitong pa-design ngayon. hahah 

29 thoughts on “Mahalaga Ka

  1. I used to have a guitar and I named it Katherine…yun ang syota syotaan ko dati na halos siya na ang kapiling ko noon…gawang LUMANOG kaya espesyal din sa akin hehehe…tulad mo nahiwalay din sa mahal n gitara at pagbalik nasira na…kakalungkot…Ngayon, I have thought of purchasing another guitar…it’s been a while n hndi na din ako nagigitara…

    Napadaan hehehe…

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      pareho pala tayo, di mahiwalay sa gitara! =) may pangalan pa talaga ha! =) Katherine pa yung name, maganda yung name! hahaha.
      nag-iisip nga rin akong bumili ng bago eh, asan kaya makakbili na mura.. =) kalungkot mawalan ng gitara noh? 😦

      syanga pala, salamat sa pagdaan! 🙂

      Like

  2. alam mo na kat na isa sa mga gusto hinahanap ko sa babae ay magaling mag-gitara. kasi frustrated singer ako ahahah. nakakatipa din ako ng gitara kaso kapag isasabay ko na ang pagkanta ay nawawala na ako. lahat ng karoom ko sa apartment nung college ay mga musikero. at nung nagpaturo ako talagang nahirapan sila ako. i gave up. hindi para sa akin ang pagtugtog ng gitara.

    yung last pic niyo sa church yun di ba? i miss worhip lalo kapag acoustic ang ginagamit. yung bunsong babae namin gitarista din sa church.

    pasensya naman fc ako at nagkwento.

    para naman sa lesson agree ako na we will never miss the water until it’s gone, mapalad ka at andyan pa gitara mo at pwede pang i-fix. kontakin mo ulit si crush mo ipaayos mo.uiiiiiiiiiiii

    be blessed!

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      kuya pong! =) wag kang mag-alala, madami akong kilalang babae na marunong maggitara, mag-drums, mag-bass, at kumanta,irereto kita! 😉 heheh. kuya, wag munang sumuko kasi ilang taon din bago talaga ako natuto. =) pwede pa yan, ikaw pa! =)

      opo, sa church yung last pic,yung bestfriend kong si monica yung sa lead l kaya sa acoustic parang kapatid po ninyo(kuya, paki-hi sa kanya!:)) sa church at ako yung bassist. =) namimiss ko na rin po ang tumugtog para sa Kanya.. =)
      heheh. =) ok lang po yan kasi friends na tayo tsaka iisa Tatay natin. =)

      sirang-sira na talaga ang giatara eh, kaya hindi na mapaayos, mag-iipon na lang ako. =) heheh. hindi ko na alam kong asan na si crush eh at tsaka baka may magselos. hahah

      God bless kuya pong! =)

      Like

      • sige lang ireto mo ako sa mga friends mong Christians at magaling maggutara ahahaah biro lamang pero pwede mong ibigay ang blog ko at email eheheh

        seryoso ako na-aattract ako sa mga babaeng magaling maggitara.
        salamat sa encouragement may pag-asa pa pala ako sa pagtugtog.

        oo sa lead/acoustic yung kapatid ko. tapos worship lead naman yung kapatid kong lalaki na namatay. madalas tandem sila at ak taga direct lang or organize lalo na kapag may youth gathering at kami ang host.

        natutuwa ako kasi we have the same connections.
        basta mabait, matalino at talented kang bata nararapat lamang na mailaan kay Tatay yan kahit papano.

        ahahaah sino magseselos naman?

        Be blessed kat!

        Like

      • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

        hahah. =) tamang-tama kuya pong, yung mga kakilala kong magaling maggitara,mag-drums, at mag-bass, karamihan Christians!heheh. 😉
        siyempre, may pag-asa pa talaga. =) antagal nga bago ako natuto eh, nahirapan nga yung mga nagturo sa’kin. =)

        wow, ang galing, Christians kayong lahat! =) Cristians rin yung 2 kong kapatid, pagkatapos, pinipilit namin yung nanay at tatay namin.. hahah. joke lang. =) palagi lang kaming nanalangin para sa kanila.. para they too would receive Jesus as their Lord and Savior. =)

        Salamat kuya, grace lang talaga ‘to ni Bessy na natuto ako eh. =)

        baka may gf na yung crush ko. heheh. =) atsaka, may ibang crush na ako. hahah.

        God bless rin kuya pong! =)

        Like

  3. hello kat!! mahilig din akong mag-gitara :)) sa katunayan may tatlong gitara ako hehehe kaya lang dahil sa favoritism, yung isa lang ang lagi kong ginagamit kaya yung dalawa nasira 😐

    if i know, si crush lang talaga namimiss mo :)) joke! gandang araw~!

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      hahah. =) katy! pareho pala tayo! =) andami mo palang gitara, akin na lang yung isa sa dalawa. hahah. nag-iisip nga akong bumili ng bago pero wala pang budget ngayon. 🙂 heheh

      ganun ba?XD bahala na dyan si crush.. namimiss ko siya kasi bestfriend ko yun pero wala na yun, past is past ika nga nila,tsaka limang taon ng di nagpakita yun, ewan ko kung nasaan na. hahah. =)
      gandang araw saýo katy! =)

      Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      jec! =) jam taýo! =) sama tayo ni yin oh! =)
      namimiss ko na rin gitara ko eh.. 😦

      ok lang, bili ako ng bago at aalagaan ko na talaga. 🙂
      gandang araw jec! =)

      Like

  4. sunnystarfish's avatar sunnystarfish says:

    Gandang araw Kat…ako ngayon pa lang nag aaral maggitara…kala ko kala ko kala ko talaga madali…@$&@#+! ang hirap palaaaa!!! Kalyado na kaliwang kamay ko at bakbak na ang balat ng daliri waaaaah!!! Pero di ako susuko, hindi hindi oh hindi!!!

    Matext nga si crush magpapaturo ako sa kanya, anong number? dali!!!! haha 😀

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      ahahah! =) wala na akong number ni crush eh, pero siya rin yung nagturo sa’kin. hahah. =)

      kaya mo yan gince! =) 3 taon bago ako natuto eh, pagkatapos nagka-band-aid na at lahat, di pa rin ako natuto. hahah. =)

      gince, wag kang sumuko! =) kaya mo yan! =)

      P.S. nakita ko sa pic mo na may guitar sa room mo at ang ganda ng guitar mo. =) heheh

      Like

      • sunnystarfish's avatar sunnystarfish says:

        hahaha 3 taon goodluck naman sa akin….

        hehe yup yun nga ang gitara ko…siya ang nagpapahirap sa akin ngayon hehe

        gandang araw Kat!

        Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      oi, balentong! =)
      hahah. =) hirap talaga matuto ng gitara, mga 3 years din bago ako natuto. =)minsan, naiinis yung teacher ko sa’kin kasi di ko gets ang mga pinagsasabi niyang mga H minor diminish na yan eh. hahah. =)
      gandang araw balentong! =)

      Like

  5. Namits, namimiss ko na din yung gitara kong suma-junkshop. Si rainne una kong gitara, ’94. Pangalawa si alithea, syota ni makoy na syinota ko. Gitara ang pinag-uusapan dito ha, hehe. So, marunong ka mag-bass? Tanda ko nun may battle, nagpraktis kame maghapon, bass sa akin, pagdating ng gabi ansaket ng mga braso ko, puro salonpas kanang braso ko akala nila pamporma, hahaha. Nakakamiss kumaskas! Jam tayo minsan Kat!

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      Oo ba! jam tayo yin! =)

      yiiiiiiiiin! =) nakakmiss ka talaga! =) ay, gitara pala ang pinag-uusapan, akala ko agawan na ng syota eh. hahah. 😀 puro kasi pangalan ng babae ang nasabi mo. hahah

      marunong akong mag-bass, pero konti lang..=) bass rin pala tinutugtog mo yin? hindi ako naka-join ng any battle eh, pero agree akong masakit talaga sa braso yung bass, tsaka masakit sa likod, bigat eh. hahah. minsan umuupo ako kasi nakakapagod, akala rin nila style lang. hahah

      gandang araw saýo yin! =)

      Like

  6. haha! paano ba yan,panalo ako sa pustahan! 😀 libre! libre! haha! aasahan ko talaga ang ice cream na yan! 😀 astig ang post mo by the way! 😀 kaya lang, parang bakit mas na-emphasize pa yung crush mo kaysa sa guitar? hmph. (o baka guni2 ko lang yon? hehe 😀 ) keep posting! 😀

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      kailan ka pa natutong mag-tagalog nursalim?? heheh. kailan mo ba gustong bayaran ko ang ice cream na yan? 😀 asus! astig ka dyan, mas mataas kaya mga grades mo sa reflection paper kesa sa akin. hahah. 😀 hindi kaya, tunkol kaya to sa crush ko, este sa guitar to. hahah. 😀 seriously, this is really about how i miss my guitar. =) kaw rin, mag-post ka na! heheh.

      gandang araw nurz! =)

      P.S. nahihirapan kami sa scope and limitations, natapos niyo na thesis work niyo?

      Like

  7. galing naman ng pagdikit-dikit ng mga kweto’t aral! ako frustration ko ang matuto ng gitara kaso kasi feeling ko ang liit ng kamay ko para abutin ang mga kwerdas.

    and agree na agree ako sa sinabi mo sa life.walang ibang magpapadama sa pagmamahal mo kundi ikaw lang. mahalungkat na nga ang lyre ko. hehe

    Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      hoshi! =) salamat. =) medyo maliit din kamay ko kaya nahirapan ako,pero natuto pa rin. =) kaya mo yan hoshi! =)
      God bless sa tienes mo! =) heheh

      gandang araw! =) go, hanapin na yung lyre! =) heheh

      Like

Leave a reply to katy Cancel reply