International Friendship Day Post

Alam niyo bang ang unang Sunday ng August ay International Friendship Day? Wala lang, gusto ko lang pasalamatan ang mga naging mabuting kaibigan sa’kin nagying kolehiyo. Ang hirap pala magkaroon ng mabuting kaibigan pag nasa college na.

Salamat sa kaibigan kong ibang-iba sa’kin pero nakakaintindi at nirerespeto ang kaibahan namin. =) Ang saya pang kasama at sarap kausap! =)

Salamat sa kaibigan kong pinapaalala sa’kin na maraming pwede nating ipasalamat sa Diyos.. =)

Salamat sa kaibigan kong kayang tanggapin ang mga pagkakamali, kahinaan at pagiging imperpekto ko.

Salamat sa kaibigan kong grabe ang pasensya at palaging nandyan pag kailangan ko ng tulong. Hindi ako pinababayaan sa anumang panahon at sitwasyon..=)

Salamat sa kaibigan kong nakikita ang kagandahan at kabutihan sa’kin kahit iba yung naririnig niya sa tsismis ng iba.

Sa lahat pa ng kaibigang hindi ko nailagay dito, kilala niyo na sarili niyo, maraming salamat sa inyong lahat,hindi niyo alam kung gaano naging mas makulay ang mundo ng ibang tao dahil sa inyo! =) Minsan, kung naiiyak ako dahil parang ang sama na ng mundo, bigla na lang ako ngingiti kasi naaalala ko kayo at ang mga kabaliwan niyo. Si Myka(see first pic) ang nagpaalala sa’kin na ang unang linggo(sunday) ng Agosto ay International Friendship Day kaya ako naman nagpapaalala sa inyo ngayon.

Maligayang araw ng pagkakaibigan! =)

Kung may mga kaibigan kayong sa palagay niyo ay dapat malaman nila kung gaano sila kahalaga.. oportunidad niyo nang sabihin kung gaano sila kaimportante sa’yo. =)

Note: maligayang araw ng pagkakaiibigan sa mga friends ko dito sa wordpress!(FC si kat) πŸ˜€ heheh. pasensya na at late. =)

Sa araw na’to, yan ang bati ni Kat. πŸ˜€

14 thoughts on “International Friendship Day Post

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      heheh. =) iba ang buhay ng may kaibigan. =) heheh. walang anuman, sinabi lang din sa’kin yun eh. heheh. =)
      gandang araw hoshi! =)

      Like

    • katrinarivera's avatar katrinadanieles says:

      hahah. =) di ako umiinom ng softdrinks kua pong, hindi ko lang alam kung bakit. hahah. =) pero gayunpaman, cheers sa pagkakaibigan! =) salamat!! =)

      Like

Leave a reply to mylenesarah Cancel reply