Alam niyo bang ang unang Sunday ng August ay International Friendship Day? Wala lang, gusto ko lang pasalamatan ang mga naging mabuting kaibigan sa’kin nagying kolehiyo. Ang hirap pala magkaroon ng mabuting kaibigan pag nasa college na.
Salamat sa kaibigan kong ibang-iba sa’kin pero nakakaintindi at nirerespeto ang kaibahan namin. =) Ang saya pang kasama at sarap kausap! =)
Salamat sa kaibigan kong pinapaalala sa’kin na maraming pwede nating ipasalamat sa Diyos.. =)
Salamat sa kaibigan kong kayang tanggapin ang mga pagkakamali, kahinaan at pagiging imperpekto ko.
Salamat sa kaibigan kong grabe ang pasensya at palaging nandyan pag kailangan ko ng tulong. Hindi ako pinababayaan sa anumang panahon at sitwasyon..=)
Salamat sa kaibigan kong nakikita ang kagandahan at kabutihan sa’kin kahit iba yung naririnig niya sa tsismis ng iba.
Sa lahat pa ng kaibigang hindi ko nailagay dito, kilala niyo na sarili niyo, maraming salamat sa inyong lahat,hindi niyo alam kung gaano naging mas makulay ang mundo ng ibang tao dahil sa inyo! =) Minsan, kung naiiyak ako dahil parang ang sama na ng mundo, bigla na lang ako ngingiti kasi naaalala ko kayo at ang mga kabaliwan niyo. Si Myka(see first pic) ang nagpaalala sa’kin na ang unang linggo(sunday) ng Agosto ay International Friendship Day kaya ako naman nagpapaalala sa inyo ngayon.
Maligayang araw ng pagkakaibigan! =)
Kung may mga kaibigan kayong sa palagay niyo ay dapat malaman nila kung gaano sila kahalaga.. oportunidad niyo nang sabihin kung gaano sila kaimportante sa’yo. =)
Note: maligayang araw ng pagkakaiibigan sa mga friends ko dito sa wordpress!(FC si kat) π heheh. pasensya na at late. =)
Sa araw na’to, yan ang bati ni Kat. π





May ganito palang celebration, hindi ako aware hehehe mabati nga mga friends ko π
Happy Friendship Day, kat!
LikeLike
heheh. =) sinabi lang din ng kaibigan ko sa’kin, hindi ko rin alam.heheh =) Happy friendship day katy! =)
LikeLike
was about to start a blog entry about friendship… Naunahan mo ko haw? Im busy bi lately…
LikeLike
heheh. dala ka da gali sa wala pic.. =) heheh. Happy friendship day ces! =)
LikeLike
(Belated) Happy Friendship Day! π
Just droppin’ by π
LikeLike
belated happy friendship day mylene! =)
LikeLike
ipagpatuloy mo ito.
LikeLike
salamat! =) kung may mga willing magbasa ng kwento, bakit hindi? =)
LikeLike
ipagpatuloy mo ang masayang buhay
LikeLike
hahah. =) salamat. =) akala ko ipagpatuloy ang pagbo-blog. hahah. =) aye,aye, captain! π
LikeLike
naman ang saya-saya ng may friends. and thanks sa info hindi ko alam na yan pala ang special date.
masuwerte tayo na may masasabi tayong mga tunay na kaibigan. mabuhay!
LikeLike
heheh. =) iba ang buhay ng may kaibigan. =) heheh. walang anuman, sinabi lang din sa’kin yun eh. heheh. =)
gandang araw hoshi! =)
LikeLike
cheers to our friendship!
cheers sa mga totoong kaibigan!
cheers sa lahat!
wala bang coke or pop or rc? bakit puro cheers sinabi ko ahahahah
LikeLike
hahah. =) di ako umiinom ng softdrinks kua pong, hindi ko lang alam kung bakit. hahah. =) pero gayunpaman, cheers sa pagkakaibigan! =) salamat!! =)
LikeLike