Guys, alam niyo bang nagpabotox si Charice?
Bungad nang classmate namin na para bang kapitbahay lang din namin si Charice. “Talaga? Bakit naman?”; tanong ko naman na para bang seatmate ko lang si Charice na hinihingan ko ng 1/4 sheet of paper kung may pop quiz.
Nabasa raw niya sa PDI na dahil sinabihan ang dalagang masyadong bilugan ang mukha niya para sa role niya sa show na “Glee”. Dahil sa plastic surgery ng 18 taong gulang na bata, may ibang face muscles na siyang na-immobilized pero di naman naapektuhan ang tinig ng dalaga.

Naisip ko lang tuloy,matapos kong subaybayan ang Glee, parang bigla na lang ayaw ko nang manuod nito. Napaka-ironic lang kasi na ang show na parang nagsasabing hindi dapat tayo mahiya sa ating kapansanan, kapalpakan, kulay, pagkatao, at pagiging imperpekto ay siya ring show na nagsabi sa isang 18 taong gulang na bata na magpa-botox dahil hindi siya ganun kaganda. Para sa’kin, maganda na si Charice sa kung sino siya. Hindi niya kailangang baguhin ang kung anuman sa kanya dahil lang sa iba.
Hindi ako isang Charice Pempengco fan, pero isa akong pinay na naniniwalang may sariling ganda ang mga Pilipina, naiiba man kulay sa iba. Isa akong babaeng naniniwalang ang ganda ng isang dalaga ay hindi nababase sa hugis ng kanyang mukha, kundi sa kung paano niya nadadala ang sarili niya. Isa akong bata naniniwala hanggang ngayon sa nanay ko na ako ang pinakamagandang ipinanganak sa mundong ibabaw. Isa akong taong naniniwalang hindi ko kailangang maging maganda sa mata ng lahat dahil alam kong may mga taong nagmamahal at mamahalin ako sa kung sino ako at kung anuman ang mukha ko.
Sa araw na ‘to, yan ang kwento ni Kat.
Yeah. Base ako. Hehe. Nabanggit ko din ito dun sa underground crib ko na unrated, url? Secret. LOL
Tsaka sumikat na siya’t lahat ngayon pa ba siya mako-conscious sa hitsura niya? Sabi may kinalaman daw sa isang muscle na nagloloko, howell.
LikeLike
ganun ba? =) mabasa nga. =) hahah. ewan ko nga sa kanya, para sa’kin sapat na talent niya para maging bagay sa show. ewan ko talaga kung nu nangyari. hahah.
LikeLike
ay panalo ka girl sa iyong mensahe. i love it!
yan din sana sasabihan ko e, kaso nai-post mo na. heheh
pero actually hindi ako pamilya sa glee. hindi ko siya napapanood. pero kahit ano pa man. doon pa rin ako sa mensahe na sinabi.
pang world peace este ms.universe ang dating eh.
mabuhay!
LikeLike
hahah. pang-world peace este ms. universe nga. =) natapos ko ang buong season 1 ng glee kasi ang ganda ng mga mensahe nila pero parang ayoko na ngayon. hahah. magandang araw hoshi! =)
LikeLike
Hahaha. Hanapin mo. Hindi sa pritongpretsels yun.
LikeLike
hahanapin ko talaga. hahah. =)
LikeLike
ang iniisip ko lang, hindi kaya kasama sa kontrata yung pagpapa-botox niya? bad kung ganun.
LikeLike
kung kasama yun sa kontrata, bad talaga. =( disappointing ang glee. nwei, mabuti naman at naligaw ka dito. =)
LikeLike
well said katrina halili… este danieles pala. ^_~
neways, bahala siya sa buhay niya, yun lang yun, tama ba?
LikeLike
hahah. =) ganun? nasabi ko ng di ako si halili di’ba? hahah. =) kung ano ang desisyon niya, di na mababago ngayon. =) pero ang mensahe, para sa nagkaroon ng low self-esteem dahil sa sinasabi ng iba. =) feeling ko kasi kaya nagdesisyon siya ng ganun kasi parang naka-feel siya ng inadequacy, na di naman dapat, kasi maganda na siya sa natural niyang mukha. magandang araw rllqph! =)
LikeLike
Weh, hindi mo pa nahahanap hahaha.
LikeLike
Hahaha. Nahanap mo nga, yehehe. ^^.
LikeLike