Ginutom ako
Ano nga ba yung paborito kong almusal?
Kasiyahan.
Ngunit
Wala siya sa garapon na pinaglalagyan ko
Naubusan ata ako
Bibili na lang ako.
Para makabili ng marami, kailangan ko ng pera
Kaya nag-ipon ako ng maraming-marami
Nagtrabaho ng buong araw
Nangibang bansa
Nagsugal
Pumusta kay Pacquiao
Nagnakaw
Kumidnap ng Intsik
Binenta bituka ko
Binenta sarili ko
Kinupitan ang nanay ko
Di nagbayad sa dyipni
Nagpatayo ng overpass
Para magka-pera
Para makamit ang kasiyahan.
Nang nakapag-ipon na ako
Naisip kong bumili na ng kasiyahan
Pumunta ako sa mall
Naghanap
Ngunit di ko makita
Kaya nagtanong ako sa saleslady
“Miss asan dito makikita ang kasiyahan?”
“Hindi ko alam yun,Anu ba ang itsura ng produktong yun?;
Ngunit bigla kong nakalimutan ang itsura nito
May nakarinig na isa pang saleslady.. at nagsabing
“Hindi ata ipinagbibili yan.”
Malungkot akong lumabas ng mall
Bumalik ng bahay
Umiyak dahil gutom na ako
Ginawa ko na lahat para sa kasiyahan
Ginawa lahat kahit mali
Sa desperasyon
Lumuhod
Nanalangin
Humingi ng tawad
Sa mga ginawang mali
Dahil gustong mapunan ang nawala sa garapon.
Pagkatapos, may narinig akong katok mula sa pintuan
“Kanina pa ako kumakatok, ok lang bang pumasok?, sabi niya
Pinapasok ko Siya
Nakangiti lang Siya
Pagkatapos nagpakita siya ng bagong garapon
“Huwag ka nang mag-alala..Para sa’yo” sabi niya
Nawala siya bigla.
Pagkatapos
Nakaramdam ako ng bagay sa bulsa ko
May laman
Nang dinukot ko
Mayroon pa palang kasiyahan doon..
Dumating nanay ko
May pasalubong
Kasiyahan
Nilagay ko sa garapon
“Kuya, gawa ko para sa’yo!” saad ng kapatid ko.
Kasiyahan.
Nang lumabas ako ng bahay..
Nakita ko ang kapit-bahay naming may dalang mangkok..
“Nu laman niyan ate?”
“Ah eto, kasiyahan para sa inyo.”
May batang nanlimos..
Kaya binigyan ko siya ng dala ko..
“Isang kasiyahan para sa’yo!” sabi ko
“Salamat kuya, eto, dalawang kasiyahan para sa’yo!”sambit niya.
Bumalik ako na mall..
Kinausap ag saleslady at sinabihan nang itsura ng kasiyahan.
“Meron rin pala ako niyan, sa bulsa ko. ”sabi niya.
“Nakalimutan ko lang,heto, isa para sa’yo”
Bumalik ako sa bahay at naisip ko
Di na ako gutom
Andami pang kasiyahan sa garapon ko..
Ang sarap ipamahagi
Mabuti na lang..
Di siya ipinagbibili.
Galeng. *Klap-klap Katrina. =p
LikeLike
salamat yin! =P nag-eenjoy akong magbas ng mga blog mo! nakakatawa at nakakatuwa! 😀
LikeLike
Ayt salamat po. Welcome sa WP!
LikeLike
nice one. blog lang ng blog.
LikeLike
salamat. =) mabuti at naligaw ka dito.=)
LikeLike
galing nito
naalaa la ko lang yung lines ng isang kanta
put a little love in your heart and the world will be a better place for you and me.
kasiyahang hindi mabibili kailanman
salamat kay Siya sa bagong garapon!
be blessed!
LikeLike
salamat kuya pong! =) yun naman talga ang gusto ng lahat, ang maging masaya, pero magiging masaya lang tayo kung lam nating magbahagi rin ng saya sa iba. =)
LikeLike
Napaka-witty naman nito! Ipagpatuloy mo lang ang pagsusulat ng ganito!
LikeLike
Naalala ko tuloy yung trip namin ng barkada ko sa SM dati. May saleslady nagtanong, “Sir ano po hanap nyo?”
Sabi namin, “Kapayapaan at pagkakaisa, meron kayo?”
Umirap yung saleslady. hahaha.
Anyway, ang garapon, ang kabaliktaran ng Pandora’s box. Don’t you think? 🙂
LikeLike