Update lang ‘to tungkol sa sarili ko.Parang uber random post na ewan.
Tell me about yourself.
Ako si Kat. Taga-Negros ako,nag-aral sa UP Visayas nung college, at ngayon naman ay nasa Cebu para maghanap ng trabaho. Hindi ako magaling sa math(pero hindi rin ako bobo at gumagamit naman ng calculator sa trabaho diba?),hindi rin ako sanay magsalita ng english(kasi naaasiwa ako pero marunong akong sumulat). Naniniwala akong kaya namang matutunan ang mga bagay-bagay kaya sa palagay ko,hindi dapat disadvantage ang pagiging fresh graduate ko.
What can you offer to this company?
Sa totoo lang,pwede kong sabihin na kaya kong bigyan kayo ng hindi lang effective pero efficient pa na job performance pero sigurado akong sasabihin din yan ng iba. Ang alam ko lang,ginagawa ko ang best ko sa lahat ng bagay,pero hanggang salita lang yan hangga’t di niyo ako magiging empleyado.
Strengths and weaknesses.
Palagay ko strength ko ang pagiging creative ko. Ayoko ng mga hindi original at hindi pinag-isipan na mga proyekto kaya ang mga ginagawa ko ay pinaglalaanan ko ng oras.
Weakness ko din ang pagiging creative ko. Kasi kung creative ka,most sa mga ideas mo,di naiintindihan ng iba.
How do you see yourself 5years from now?
Ang totoo o ang gusto niyong marinig? Ang totoo,kung may pera lang ako,gusto kong maging isang psychiatrist, o kaya psychologist kung naipasa na ang Psych bill. At the same time, nasa academe, nagtuturo ng psychology courses. At hobby pa rin ang pagsusulat. Pero hindi talaga pwede sa ngayon yan.
Wala akong pera kaya heto ang posibilidad. Nasa kompanya pa rin ako,pero na-promote na, at nagbibigay ng excellent na serbisyo sa mga kliyente at siyempre meron pa ring magandang relasyon sa mga subordinates at superiors ko. walang halong pagsisinungaling to kasi kaya namang matutunan na mahalin ang trabaho mo eh.
Why do you wanna work in this company?
Ang totoo? Kailangan ko ng pera gaya ng normal na tao na kailangan ng pagkain,tubig at mga bagay na may price tag.
Willing to travel?
Oo naman. Kahit saan sa Pilipinas.
As a copywriter, where do you think you fit in this company?
Pardon ma’am? Ano daw?
Do you have any pending application?
Ano po bang tamang sagot diyan? Kasi nag-apply ako pero di ako tinatawagan kaya forever pending na yun.
UP student ka, so malaki siguro ang expected salary mo. Ano ba yung expected salary mo?
Bakit niyo po ako tinatanong niyan? Diba dapat ako nagtatanong kung magkano sana sweldo ko?
I take pride sa pagiging UP student ko pero it doesn’t mean na pwede na kaming magdemand ng mga bagay-bagay. Sana lang,walang discrimination in terms ng school kasi ayoko rin discrimination pagdating sa work experience. Natututunan naman ang mga bagay-bagay eh UP ka man o hindi, may experience man o wala.
Hindi ito ang sinasagot ko sa mga interviews pero ito ang nasa isip ko palagi na sagot pag tinatanong ako. hahah. Hanggang ngayon wala pa akong trabaho. Ako na. Ako na ang unemployed. XD
