“I am single and straight”.
Yan ang pambungad bati ng teacher naming hindi ko alam kung ano ang edad dahil napakabata pa niyang tignan para maging professor. Bukod sa pagiging bata tignan, sa sobra niyang cool nagmumukha siyang classmate namin. Nakakainggit dahil ako nga kadalasang napagkakamalang tindera sa grocery store o may bigla na lang nagtatanong sa internet shop ng “Magkano ang internet at pa-print manang?”. Sarap talaga sapakin ang mga ganyan.
Kahapon, bago siya nagsimula sa klase, ay pinasalamatan niya ang isang classmate namin dahil sa pinakopya siya ng Torchlight, 3 beses na raw kasi niyang natapos ang Diablo at boring na para sa kanya ang laro.
Ang kanyang klase ay tungkol sa “Training Needs Analysis” kaya nagsimula siya sa ganitong tanong;”what do you think are your needs right now?”. Pagkain ang iniisip kong pangangailangan ko, pero dahil ayoko namang magmukhang matakaw, pabulong akong nagsabing “Financial needs”.
Una niyang tinanong ang seatmate ko agad sabing “Financial Needs”. Ay kabayo, wala na akong answer. Nag-sorry naman ang classmate ko dahil alam niyang intellectual right yun at pwede ko siyang idemanda.
“Financial needs” rin ang answer ko, hindi nga ako nagmukhang matakaw, nagmukha naman akong pera.hahah.
“Walang kopyahan”;sabi ni titser.
“Wala akong maisip ma’am”.
“Guys, you’re so materialistic!” saad ni ma’am sabay tawa.
“Need to have high grades”.
“Bongga! you’re aiming for high grades and not just passing grades”.
“Need to leave a legacy”.
” Just build a higschool and name it after you. hahah.”
“Wala.”
“Ay, wow, you don’t have any needs, maybe he’s(bf ng kaklase)
providing all your needs.”
“Bukod sa drugs, ano pa need mo?” tanong ni teacher sa isa.
“Maintenance ma’am”.
“Maintenace sa drugs? hahah.”
Sa totoo lang, tawa ako ng tawa dahil ang galing mag-comment ng teacher namin kaya lang pinipilt kong wag niya ako marinig dahil baka mangingiyak lang ako kapag ako naman ang pukulan niya ng kung anu-anong komento.
“Uy, wag sex ha.” sabi niya sa baklang classmate.
“Hahah. Hindi ma’am. The need for affection.”
“What?! you get affection every night. hahah.”
“I’m afraid to ask you but I need to ask, what’s your need?” tanong niya sa classmate naming napatagal sa university.
“Control. The need to control myself.”
Nakalimutan ko na ang ibang answer pero ito ang pinakamatindi.
“What’s your need?”.
“The need to be needed”.
Windang si ma’am, habang palakpakan naman kami. hahah.
Ito ang isa sa mga klaseng ayokong mag-absent dahil bukod sa marunong maglaro ng dota ang teacher namin, kaya niyang gawan ng paraan na punan ang pangangailangan ng mga Pilipinong estudyante tulad namin, edukasyong hindi malilimutan, edukasyong kapupulutan ng kung anu-anong aral at edukasyong pwedeng gamitin balang araw.
Yan lang muna ang kwento ni Kat.
Ikaw? Ano ang pangagailangan mo? =)
