Bakit di ko maisipang kalabitin ang gatilyo?
Bakit di ko maisipang idiin ang kutsilyo?
Bakit di ko maisipang tumalon mula sa kinatatayuan ko?
Mag-isip kaya muna ako ng mga dapat at di dapat
Sa pagpapakamatay
Dapat… kung gusto kong magpakamatay
Walang may nakakaalam.
Dapat siguradong patay agad ako
Yung kapag nakita ako, ubos na ang dugo sa katawan ko.
Bawal ang nagpapapansin lang
Bawal ang kumuha ng picture ng pulso
Bawal ipagkalat sa facebook
Ang pagpapakamatay
Ay iba sa paghahanap ng awa
Iba ito sa sa pagsisigaw na kailangan mo ng tulong
Kapag nagpapakamatay..
Dapat may suicide note
Pero bawal manisi ng iba kung bakit kinitil mo buhay mo
Bakit? Sinabi ba nilang magpakamatay ka?
Kung Oo… sino sila nila para sundin mo?
Kapag nagpapakamatay
Bawal isipin ang mukha mo habang patay ka
Kapag nagpakamatay ka kasi
Dapat buo ang loob mo na walang buhay pagkatapos ng buhay dito
Kasi nga…umiiiwas ka sa “buhay” diba?
Kaya dapat di mo iniisip ang mukha mo
Dahil kumbisido kang di mo na makikita ito.
Ang dami nga namang dapat isipin sa pagpapakamatay…
Bakit nga ba ako magpapakamatay?
Dahil pagod na akong mabuhay?
Siguo dahil nabubuhay ka lang dahil ipinanganak ka
Nakalimutan mong ipinanganak ka para mabuhay
Malaki ang pagkakaiba
Kaya pala napapagod ka.
Dahil mamamatay rin naman ako?
Lahat naman ng tao mamamatay
Pero hindi lahat,mamamatay tao
Mamamatay ka rin lang naman
Magpapakapagod ka pa bang gawin ito?
Dahil bagsak ako sa aking mga exams?
Ang buhay ay isang napakahabang exam
Mas importante kesa sa kung ano mang exam na gawa ng tao
Ibabagsak mo pa ba ito?
Ito ang sukatan kung gaano ka nga ka talino
kung hanggang saan ang diskarte mo.
Dahil iniwan ako ng syota ko?
Bakit di na lang ang syota mo ang patayin mo?
Patayin siya sa katotohanang kaya mong mabuhay na wala siya.
Sino ba siya? Diyos?
Ginawa ka,di para mabuhay lang para sa kanya
Kumain ka na lang ng maraming ice cream,lilipas rin yan
Di ang tulad niya ang magpapatumba sa’yo.
Dahil walang silbi ang buhay?
Baka ikaw ang walang silbi at hindi ang buhay
Naninisi ka lang ng iba
Nubayan.. ang mga walang ginagawa ang mahilig manisi
Pakialam ng “buhay” sa mga desisyong ginagawa mo?
Kung ayaw mo sa buhay, mas lalong ayaw niya sa tulad mo..
Kaya kahit ayaw na ayaw na buhay sa’yo
Ba’t di mo ipakitang di ka takot sa kanya.
Dahil ang dami kong problema?
Ang pagkamatay mo ay isang mas malaking problema..
sa palagay mo, may karapatan kang kitilin buhay mo
Dahil sa problema?
Kahit buhay mo ay hindi iyo.
Wala ka nang maisip na solusyon noh?
Iba ang pagbigay solusyon kesa pag-iwas sa problema.
Dahil parang cool magpakamatay?
Malamig lang katawan mo kapag patay ka na
Hindi cool na umiiyak ang nanay mo dahil sa katangahan mo
Hindi cool na gagastos ng malaki ang tatay mo para sa kape at biskwet sa burol mo
At higit sa lahat.. di cool ang mukha mo sa kabaong mo.
Bakit di ko maisipang kalabitin ang gatilyo?
Bakit di ko maisipang idiin ang kutsilyo?
Bakit di ko maisipang tumalon mula sa kinatatayuan ko?
Siguro..
dahil pag kinalabit ko ang gatilyo
Pag diniin ang kutsilyo
Pag tumalon mula sa kinatatayuan ko..
di na ako nag-iisip.
Note: baka akalain niyong nag-iisip akong magpakamatay, echos lang ‘to.=) sumubok ng ganitong topiko ,baka may makabasa na may balak at mapigilan pa . =)
sucide note