Pagka-gradweyt ko ng kolehiyo, parang bigla akong nakadama ng kalungkutan. chos! Ang drama ko lang. hahah. Gusto kong isulat lahat ng hinaing ko dito dahil hindi ko mapigilang tumanda pero sinong gustong magbasa ng reklamo ng isang batang natatakot sa katotohanang tumatanda na siya(pero ang ending,tungkol dito ang sinulat ko. heheh). Sa palagay ko, ang pinakanakakatakot na resulta ng pagtanda ay hindi ang pagkulubot ng mukha, kundi ang pagdami ng responsibilidad na kaakibat ng pagtanda.
Simula nung grumadweyt ako, paghahanap lang ng trabaho ang inatupag ko. Kayang-kaya ko nang sumulat ng isang aklat tungkol sa buhay ng isang aplikante. Sa dami ng inapplyan ko, masasabi kong makapagbigay na ako ng tips kung paano hindi makuha sa kompanya. hahah. Ngayon, alam ko ng magaling mag-timing ang mga kompanya at sabay-sabay kung mag-schedule ng exam tsaka interviews. parang may connivance(naks!) buh. Alam ko na din kung anu-anong defense mechanism na lang ang maisip mo ma i justify lang kung bakit hindi ikaw ang nakuha ng kompanyang yun. At higit sa lahat, alam ko ng sa oras na may tumawag sa’yo para kunin ka, merong isa pang tatawag para mag-offer ng trabaho,tapos meron uling iba, tapos meron uli.Ang hangin ko lang. hahah
Sobrang saya ko nang nakuha ako ng isang kompanya dito sa Cebu, ang pinakamalaking kompanya dito sa Cebu. Hindi ko kailanman na isip na pwede yun. heheh. Pero kaakibat pala ng isang napakalaking oportunidad ay mga pagsubok na hindi ko alam kung sinusubukan lang ang kaya ko o sinusubukan na ang pananaw ko sa sarili ko. Natatakot talaga ako sa responsibilidad ko ngayon. Natatakot ako kasi tumatanda na ako. natatakot ako kasi ang isang maliit kong pagkakamali ay makaka-apekto sa iba. Natatakot akong sabihan na hindi ako pwedeng mag-sorry kasi matanda na ako para magkamali.
Ito yung problema kung ang tiwala mo sa sarili mo, mas maliit kesa sa tiwalang binibigay ng mga tao sa paligid mo. Natutunan kong nakakatakot pala kung may isang parte ng utak mong nagsasabing “Kaya mo yan. Nukaba.”tapos may malaking parteng nagsasabing “kaya mo yan? Nukaba.” Ito pala ang tinatawag na transition noh? Yung stage na sinusukat mo pa kung ano ang kaya at hindi mo kaya. Yung stage na dapat magkamali ka muna bago mo maunawaan kung bakit may tamang proseso ang mga bagay-bagay. Ito yung mga oras na iniisip kong, sana may ate at kuya ako, para masabihan ako kung ano ba dapat kong maramdaman.
Pero hindi ako susuko. Hindi ibig sabihin na natatakot ako eh susuko na ako. Ngayon pa ba ako susuko na nasa posisyon akong maka-impluwensya ng maraming tao? Hindi ako susuko dahil alam kong sa kabiguan ko, may mga taong nandyan para saluhin ako. Hindi ako susuko dahil alam kong ang tagumpay ko ay tagumpay rin ng mga taong nagmamahal sa’kin.Hindi ako susuko para sa mga taong nagmamahal sa akin. Para kay mama at papa, para sa dalawa kong kapatid, at higit sa lahat para patunayan na tama ang maliit na parte ng utak ko na nagsasabing “Kaya mo yan. Nukaba”.
