Ang Report at ang Aking Shorts

Minamalas-malas ako ngayong araw, pero  hindi ako naniniwala sa swerte ibig sabihin hindi rin pala ako naniniwala  sa malas. Ang masisisi ko talaga sa araw na’to ay ang kapabayaan ko sa maraming bagay. Ayoko man aminin sa sarili ko,yun talaga ang totoo, kaya lutuin na ako sa kumukulong mantika. char lang.

Kapabayaan No.1

Mula nung linggo pa ko singhot ng singhot dahil sinisipon, ang tanda ko na nga,uhugin pa rin.   Pagkatapos nagkaubo pa ako kaya parang aso akong taghol ng taghol. Isang senyales ng kapabayaan sa sarili. Hanggang ngayon, meron pa rin akong sakit. Kung sinuman ang nagkulam sa’kin,congrats, pero matagal mamatay ang masamang damo kaya magkakasakit lang ako,di talaga ako mamatay!(sa ngayon.heheh)

Kapabayaan no.2

Hindi pa ako nakapagpa-repair ng charger ng laptop(na bunga ng isang taong allowance at pagpapahirap sa sarili) ko kaya halos isang linggo na akong parasite sa dalawa kong kaibigan. Yung isa,hinihiraman ko ng charger kasi pareho kami ng netbook,yung isa naman, ninanakawan ko talaga ng laptop. Sa katunayan,laptop niya gamit ko ngayon sa paggawa ng blog.

kapabayaan no.3

Nakalimutan kong gumising ng maaga noong biyernes kaya hindi ko naibigay yung aking mga labahan sa aking labandera kaya naman nangangamoy ako ngayon. Joke lang. Kaya lang yung mga ginagamit kong damit,parang damit lang ng ume-epal.Buti na lang at kami ang naglalaba ng sariling undies namin. hahah

Ang parusa:

Meron pala akong report ngayong araw, kaya naman kailangan ko ng charger kahapon,kaya lang wala pala yung hinihiraman ko kaya nagnakaw uli ako ng laptop ng iba. Hindi ko rin inumpisahan ang report ng maaga dahil pagkatapos kung magtrabaho kahapon(Student assistant ako,bunga ng pagiging gahaman sa pera) ay natulog lang ako. Ibig sabihin,gabi na ako nagsimula at alas 3 na ng umaga natapos, ng design ng slide at hindi pa nung report(ang arte kasi eh). Kaya naman nung umaga ko na natapos, mga 7 am, eh 8:30 klase ko.

Mabuti sana yung malapit lang ang school, naalala ko palang isang oras at kalahati ang kailangan bago umabot dun. Kaya naman major-major late na ako dahil naligo pa ako at nag-toothbrush at lahat na. Nung magbihis na ako, naalala kong kailangan ko palang mag-dress up dahil report ko ngayon. Patay! wala akong mga disenteng damit, meron lang isang  pink na dress! Huwaaaaat?! wala rin pala akong cycling o shorts kaya naman sa katopakan ng kukuti ko, ginupit ko ang isang masikip na pajama ko para maging shorts. Toinx! hahah. Instant shorts! oha!

Mga 7:45 na ako nakalabas ng dorm, akalain mong ang tryk na nasakyan ko ay gusto pa atang maglibot-libot at mamasyal sa dorm area. Late na talaga ako. Pagkatapos,yung nasakyan ko naman jeep papuntang school, eh nahuli pa ng traffic enforcer, kaya natagalan pa dahil sa sermon,lista ng lisensya at kung anu-ano pang tsismis. Pagkatapos meron pa palang parada,dun mismo sa daanan kaya tingin-tingin muna ako sa mga hayskul na naka-christmas lights o christmas decoration,ewan ko dun. Dito na ako humiling na sana bumagyo na lang ng Signal no. 3!

Buti naman at 30 minuto lang pala akong late kaya makakapag-photocopy pa ako ng report ko,kaya lang, break pala ni manong, Sige manong,break mo,kagatin mo! Buti na lang din nagkaroon din ng break klase namin bago ang report ko. Kaya lang, si manong photocopier may sandamakmak na dapat iphotocopy.Huhuh. Kaya na-late ako sa klase, na nagkataon namang may quiz.

Dahil sa quiz(na nabagsak ko anyway), na parang exam, hindi na ako pinag-report dahil wala ng oras.Bow.

Dahil dito, naalala ko yung saying na a stitch of time saves nine, atsaka prevention is better than cure, atsaka yung kantang may line na maliit na butas lumalaki,konting gusot,dumarami. hahah. Kung ano ibig sabihin niyan,ewan ko. Kung ano ang konek? Malay ko rin. hahah

Sa araw na’to,yan ang misadventures ni Kat. 🙂