Babala: Kung fan ka ng The Last Air Bender tsaka nung mga aliens na kulay blue kaya binasa mo ‘to, wag mo ng ipagpatuloy kasi hindi tungkol dun ang post ko.
Maraming nagsabi na cute daw ang avatar ko ngayon. Pagkatapos meron nag-aakalang ako daw si ate salbe dahil magkamukha kami. Isa lang paliwanag diyan, bukod sa pareho kaming cute, eh iisang tao lang gumawa ng avatar namin. Walang iba kundi ang nakaka-inggit ang talents na si Jec ng Secret Garden. 🙂
Nung dumalo ako sa awarding ng SBA, inasahan kong nandoon si Jec pero dahil wala siya, kinuha ko ang oportunidad na makipagkita sa kanya lalo nung nagyaya siya. Sabi niya, magkita daw kami ng patago, parang lovers lang eh. hahah
Sa gateway kami magkikita kaya nung nasa fully booked ako, naisipan kong bilhan siya ng libro na hindi ko naman nabili dahil nahihirapan akong magdesisyon. Kaya naghanap na lang ako ng baller na may name na “Jec”. Goodluck na lang sa akin kung may makita ako. hahah. Ang ending wala talaga ako may nabili. Indecisive o sadyang kuripot?
NAkilala ko agad siya nung pumasok siya sa fully booked pero di ko inaasahan yung boses niya. Ang kyut-kyut pala, parang kanya ng cute na batang babae. Yun talaga una kong napansin eh.
Pasyal-pasyal muna kami sa SM Megamall, kung saan nalaman namin na pareho pala kami sa kaweirduhan. Kasi napansin yang nagtatanong ako sa bagay na “Bibilhin na ba kita?”, “Magkano ka ba?”. Nahiya tuloy ako kay Jec.
Andami naming napag-usapan kahit bago palang kaming nagkita. Para kasing magkaibigan na kami noon pa at para bang hindi siya mahirap pagkatiwalaan. Kung mag-kwento siya ay parang kilala ko na rin ang mga kaibigang tinutukoy niya kaya naman kung makapag-kwento naman ako ay parang feeling close ako.^^
Gumawa kami ng greeting para kay Kuya Pong. Nagtingin-tingin sa mga paintings sa SM. Pumunta sa isang pet store. Namili ng kung anu-anong kabagayan sa comic alley. Nagpa-picture. Lumakad mula SM papuntang Obsidian. Nag-exchange gift. Pinakilala pa niya ako kay Mia at Eoty, mga kabarkada niya. 🙂 Andami naming nagawa kaya talagang naaliw ako at nasulit namin ang aming pagkikita. ^^
Sa sunod na pagkikita Jec. :)Hintayin uli kita, este hintayin mo yung muli kong pagpunta ng Manila. ^^

