Top 12 Cryola Moments

Medyo may pagka-emo kaya kung allergic ka sa mga ganito,magpahid ng anti-emo lotion with chamomile exract at isabay sa pag-close ng tab. Kung babasahin mo pa rin, aylabyu na. 🙂
null
Biglang naalala ko ang mga major major(alam kong gasgas na,ang ganda ng advertisement ng creamsilk eh!) cryola moment sa layp ko at kawerduhan ko habang umiiyak  kaya heto sila,bahala ka na poknat.

12. Naniwala ako sa kapitbahay ko na kaya wala ang mga magulang at kapatid ko nung isang hapon(bagong gising mula sa siesta) ay dahil pumunta sila ng Manila at iniwan na ako.  Yun pala, nag-shopping lang para sa school supplies ko. Convincing talaga si neighbor, ang masakit pa nito,di ko maalala kung sinong kapitbahay yun kaya di ko magantihan. bwahahaha

11. Nalaman kong isa akong ampon,echos lang, nalaman kong pangit daw ako nung bata ako pero ok na ,maganda na ako ngayon eh(walang kokontra,blog ko to.wahahah)

10. Narinig kong di ko kaya manalo sa isang writing contest. Sa nagsabi nun,isaksak mo sa baga mo, ang silver medal ko sa isang National Schools Press sa pagsusulat ng lathalain, certificate bilang 1st placer sa poem writing in english, 1st placer  essay writing in filipino, 5th placer sa division schools press sa bacolod, 1st placer sa division schools press sa negros, at fourth  placer sa regional  schools press(ewan ko na lang kung naniwala kayo dito. asa pa ako.wahahah). Basta ginagawa ko lahat ng makakaya ko, masabi ko lang na di man ako manalo-nalo sa mga writing contest,mahal ko pa rin ang pagsusulat at magsusulat ako hanggang sa may nagbabasa nito,kahit pa ang nattitirang nagbabasa nito, ay ako na lang.

9. Hindi ako nakasali sa family day dahil three hours late lang naman pamilya ko. Nung dumating sila, tapos na ang family day. Hindi na ako nagtataka kung bakit 15 minutes late ako palagi tuwing umaga, sa second subject na.  🙂

8. Nung binalikan ako nung highschool ako ng crush ko mula pa elementary para iparamdam sa’king isa lang ako sa mga babaeng nagkamali sa pag-aakalang mabait siya. Kung nasaan ka man,pinapatawad na kita.

7. Tatlong gabi akong iyak ng iyak ng malaman kong may gf na yung perslab ko(hindi araw,gabi talaga,tsaka may schedule dapat. hahah). Perstaym akong nagduda sa sinabi ng nanay ko na maganda ako, atsaka perstaym na ikinumpara ko grade ko sa isang babae at umiyak na rin dahil sa .11 higher ang grade nya. Perslab, wag ka mag-alala,hinding-hindi na mangungulit si Kat sa ýo. 🙂

6. Dahil sa mga di inaasahang pangyayari, kailangan kong manatili sa labas ng kulungan hanggang alas kwatro ng umaga(oi,na-curios sila.heheh)

5. Wala akong kasama nung 2007 na new year, nag-iisa sa  isang Christmas eve(11:30 lang naman) sa parke, mga pagkakataong mapipilitan akong tumambay buong gabi sa isang 24 hour na convenience store, at gumigising na umiiyak na dahil nanaginip na nag-iisa ako pagkagising ko.

4. Dahil sa isang inuman noong Marso 13, dahil sa isang “open forum” na wala ako  at nagparamdam sa’kin na ok lang masira tiwala ko, at isang fb post na dumugo na nga ilong ko,dumugo pa pati puso ko. Sa natamaan nito, alam kong mas marami ang pagkakataong umiyak ka dahil sa kagagahan at kababawan ko, patawad.

3. Nung namatay ang  paborito at pinakamakulit kong  estudyante sa sunday school. Nalunod siya sa pool ng kanyang pinapangarap pasukan na school.  Nalaman ko na lang ng pagsimba ko sa linggo dahil ina-nunsyo ng pari.. kaya naman parang di ako makapaniwala. Ang masakit pa niyan,bago sila mag-swimming,dumaan muna siya sa bahay namin para ipagyabang na pupunta sya sa dream school niya..pero wala ako. Joshua, alam ko,magkikita tayong muli. 🙂

2. Nung namatay si Jepoy, ang mabait kong pinsa.  Nahulog siya sa hagdan ng kanilang bahay. Ako ang nagpapaligo sa kanya, naghuhugas ng pwet nya, nagpapalit ng diapers nya at nagpapatulog sa kanya. Jepoy, alam kong masaya ka sa kinaroroonan mo. 🙂

1. Nung tinanggap ko ri Kristo bilang  personal na Panginoon at Tagapagligtas ko. Hindi ko alam kung bakit iyak ako ng iyak nun pero baka dahil na rin yun ang simula na naramdamn kong sa bawat pag-iyak ko sa susunod na mga araw,buwan at taon, may kasama na ako  sa pag-iyak o may papahid ng mga luha ko. 🙂 O kaya dahil wala  na talagang pagsidlan ang aking saya kaya napapaiyak na lang ako.

Ang emo diba? 🙂 Kung nakaabot ka pa dito, Congratulations! 🙂

Para sa’kin, ang sakit tsaka pag-iyak, parte ng pagiging tao at isang paalala na hindi natin kontrolado ang lahat,kahit ang sarili pa nating emosyon. Kailanman,hindi ko itinuring ang pag-iyak bilang isang kahinaan, dahil ang pag-iyak ay palatandaan ng katapangang ipahiwatig ang yung tunay na nararamdaman at pagpapahiwatig na kaya mong tanggapin ang yong mga limitasyon.  Higit sa lahat, ang pagluha at pag-iyak ay pagpapalaya sa sarili mo mula sa kasinungalingang hindi mo kailangan ang pagmamahal ng Diyos,pagmamahal ng ibang tao,at pagmamahal ng sarili mo.

Yan ang mga crayola moments ni Kat. 🙂

P.S. Di ko kayo hinihikayat na umiyak araw-araw o gabi-gabi.. ang point ko talaga, mag-schedule na lang  ng cryola moment para di hassle. hahah 🙂

null