Krimen ba ang maging masaya?
Noong, Huwebes, pumunta yung Aqua Science class namin sa Oyungan Elementary School(oo, may ganyang eskwelahan) para magturo sa mga bata ng tungkol sa pangangalaga ng aquatic ecosystem. Pero bago ko ikwento kung ano nangyari, kwento ko muna kung ano nangyari bago dun.
Noong Miyerkules, nag-meeting muna kami ng groupmates ko para nga sa kung ano gagawin namin sa Oyungan, yung meeting eh, pagkatapos ng klase namin sa city(na isa at kalahating oras ang layo,pero kung sasakay ka ng flying coffin, eh mga 45 minutes lang) kaya naman mukha akong babaeng gumagamit ng brand X na shampoo sa commercial.
Nang nagsimula na ang meeting,bigla na lang may meeting ang isa, may exam ang isa, at yung isa ay may hahabuling ninja, hanggang sa narealize ko na dalawa na lang kami ng roommate ko ang natira. Kaya ang nangyari, sumama loob ko( dala rin siguro ng constipation) kasi ako na nga gumawa ng istorya, kami pa ng roommate ko ang gagawa ng lesson tsaka kami pa gagawa ng props. Hindi naman actually kailangan ng props o costume pero dahil maarte kami ng roommate ko,gumawa pa rin kami. Heheh.
Nung kinabukasan, masama pa rin loob ko sa groupmates ko,pero yun pala, meron rin silang initiative na gumawa ng mga costume nila,tsaka may props din, kaya naman medyo nahiya ako sa sarili ko dahil bukod sa nag-isip ako ng masama sa kanila, mas cute yung costume na nagawa nila. Hahah. Hay naku, sa maling akala, marami ang napapasama.
Noong nagsimula na ang klase, excited tignan ang mga bata, atsaka nag-volunteer pa sila para mag-lead ng action songs. Para sa’kin, dahil rin yun sa groupmate ko na magaling mag-facilitate nung klase. Nung nag-lesson na ako, kahit pumalpak ang tagalog ko at kung anu-ano na lang ang examples ko, parang may natutunan naman ang mga bata(sana nga. hahah). Tawa pa ng tawa ang mga bata dahil sa iba kong groupmates na kwelang mag-act para sa istoryang nagawa ko. Pagkatapos pinasulat sila namin ng kung ano ang magagawa nila para sa karagatan.
Wala lang, nung nabasa ko mga sagot nila, ang saya ko lang kasi sa simpleng ginawa namin( tsaka para lang sana yun pang-kompleto sa requirement namin sa aqua sci) may mga batang napangiti, napatawa, at natuto. Ibabalik ko yung tanong ko “Krimen ba ang maging masaya?’’ Kasi kung oo, ipakulong niyo na ako. hahah
Salamat(at sorry) sa groupmates ko dahil ang gagaling niyo. Salamat sa roommate ko sa pagtulong bago ang presentation. Salamat kay Ma’am Jimenez sa oportunidad na turuan ang mga bata na pangalagaan ang karagatan. Salamat sa mga bata para sa mga ngiti..at Higit sa lahat, salamat Lord sa paggabay.
Sa araw na ‘to, yan ang kwento ni Kat. 🙂
