Kwentong Modelling: Thoughts sa Hinugyaw Competition

Ubos ang boses ko sa kasisigaw sa mga models ng Hinugyaw(Annual Fahion Show Competition sa school). Hindi ko alam kung bakit ba kailangan kong sumigaw pero sumisigaw pa rin ako kaya heto, nagdurusa ako na para bang singer daw ako na na namalat.

Dahil inaantok na ko, bukas na lang ako maglalagay ng pagsasalarawan ng Hinugyaw at mga interesanteng bagay ukol dito. Sa ngayon ay magsasalita lang ko na parang engot.

Habang tinititigan ko ang mga models, naisip ko na noong nagpaulan ang Diyos ng kagandahan ng mukha at katawan ay wala silang payong. Ako nama’y tinanghali ng gising kaya tapos  na ang ulan, tulog pa rin ako. Salamat na lang sa nanay ko na pinaniwala akong ako ang pinakamaganda. hahah. Marami pala akong kilala sa mga nagmodelo. Kung tinitignan sila sa malayun, parang maganda lang sila, pero higit pa sila sa ganda at gwapo lang nila. Matatalino rin karamihan sa kanila.

Pagkatapos ng modelling competiton, naisip ko na sana hindi ako tignan ng mga tao   na parang model, kasi ang mga model, hinuhusgahan lang sa damit, hugis ng katawan, at kagandahan ng mukha. Di importante ang talino ng modelo kasi di naman sila nagsasalita at sumasagot ng miss universe question na world peace lang pala ang sagot. Di rin importante kung magaling silang sumulat o maggitara kasi ang basehan ng galing nila ay ang galing nila sa pagdala ng sarili. Kilala ko ang mga modelo dun, kaya alam ko na higit pa sila maganda nilang mukha, higit pa sila sa nakikita lang ng mata.

Hindi lang ang mga modelo ang ganun, tayo rin. Higit tayo o ang kapwa natin sa kung ano lang ang nakikita ng mata. Kung iisipin,ang pinakaimportanteng bagay sa mundo ay hindi yong nakikita lang ng mata, kundi ang nakikita ng puso(naks!).

Dahil pagod ako sa kasisigaw, yan lang muna ang kwento ni Kat. =)

null

yung payong na sinasabi ko, yan yun. kaya ayan, bata pa lang, model na! hahah

Ikaw? Nangarap ka bang maging modelo? Kung oo, bakit? Kung hindi, bakit hindi? =)