I am a Disney Princess

Nauuso ngayon sa facebook ang mga pa-quiz. Kaya sinubukan ko ang mga quiz na ‘to dahil ito lang ang quiz na di ako kinakabahan.

Kinuha ko ang quiz na “Which Disney Princess are you?” dahil nagmamaganda ang lola. Akala ko si Beast ang lalabas pero ito lang  naman ang lumabas:

Si Snow white daw ako oh! Na-shocked din ako siyempre, pero mas nashocked ako sa description” You are popular among all. Your beauty makes others jealous. You love to clean and cook and make things better!… You enjoy anything and everything, your so sweet that people cannot turn you down. Everyone loves you.”

Shocking kasi hindi naman ako popular wala ding may naiinggit sa’kin. Mga prito lang ang kaya kong lutuin at may pagkakataon pang nasusunog. Pero totoo yung nag-eenjoy lang ako sa buhay ngayon.  Hindi rin ako sweet pero di rin naman bitter. heheh. =) At higit sa lahat, hindi ako mahal ng lahat.

Ang totoo niyan, isa akong batang hindi nakarinig ng mga fairytale mula sa nanay ko. Hindi kasi siya mahilig magbasa ng mga kung anu-anong kwento sa’min. Pero naniniwala akong ang lahat ng batang babae  ay maya karapatang makaramdam na sila ay prinsesa.

Kung isa nga  akong prinsesa, ako lang ang prinsesang si Kat.  Hindi siya pinakamaganda sa lahat, pero kontento siya sa gandang meron siya. Hindi rin siya mahinhin lalo na kapag tumatawa. Wala siyang kristal na sapatos dahil mas komportable para sa kanya ang tsinelas. Wala rin siyang magagarang damit umaasa siya sa  walang kamatayang  ukay-ukay. Hindi siya naghihintay ng prinsipe pero naghihintay sa tamang panahon para sa lovestory nila. Higit sa lahat, walang Fairy god mother na nagbibigay ng gusto niya, pero naniniwala siya kay God na mas alam ang nakakabuti para sa kanya.

Sa araw na ito, yan ang kwento ng prinsesang si Kat. =)

null