Paano Magtipid Pero Hindi Talaga

All hard work brings a profit,
    but mere talk leads only to poverty. Proverbs 14:23

May pa-verse para kunwari close ako kay Lord. hahah. Pero related naman diyan ang kwento ko.

Isa sa mga bagay na na-aappreciate ko talaga sa asawa ko ay marunong siya sa mga gawaing bahay at sa paggawa ng bahay. Ibig kong sabihin, siya ang Tigasin. Tiga-saing. Tiga-laba. Tiga-luto.

At magaling din siya sa pagkumpuni ng kung anu-ano. Parang parte na kasi ng propesyon niya yun. Kaya kadalasan, nakakatipid kami. Halimbawa, ang pagkakaalam ko, malaki ang bayad sa Electrical Engineer at Electrician para mag-ayos ng wirings at magkabit ng mga ilaw sa loob ng bahay. Hindi na kami nagbayad para doon nang nagpagawa kami ng bahay. Siya na lahat gumawa. Di na rin kami kumukuha ng tubero kasi marunong din siya konti sa plumbing. Basta kung may mga labor works na kaya niya naman, siya na gumagawa katulad na lang nang pag carwash.


Kaya ramdam ko ang mga gastos na ganyan pag wala yung asawa ko. Parang ang sakit sa bulsa ng Php. 2000 pambayad sa tubero, o kahit nung Php. 280 sa carwash. Kaya meron akong bright idea. Bakit di na lang ako magcarwash?(Dahil nasubukan ko na pong maging plumber at electrician, salamat sa tulong ng Youtube. Pero di ko na inulit, matapos nun. hahah). Bright idea. Kaya ayun, bumili ako ng car shampoo, sponge at flannel cloth sa store kung saan doon mo pa lang nalalaman kung ano ang kailangan mo. Sa Daiso. Hahah. So tag Php.88 taga isa, kaya Php. 264 na lahat. bale nakatipid ako ng Php. 16. Ang bright ko talaga sa Math. Heto yung convo namin ng asawa ko.

Him: Magpa-carwash ka na lang please.
Me: Ok lang, nakabili na ako.
Him: Ayokong madagdagan stress mo.
Me: Nakabili na ako ng pang-carwash.
Him: Ako na lang ang gagamit pagdating ko diyan.
Me: Ok na. Nakabili na nga.
Him: Sige na, pa-carwash ka na lang.
Me:Aagahan ko gising bukas.
Him: Ako na po.

Hindi naman masyadong obvious na hindi pabor ang asawa ko sa bright idea ko. Hahahah. So natuloy ba yung plano? Natuloy pero heto talaga nangyari.

So nakatipid ba ako?

Ayun, masaya naman ang mga anak ko. XD