Katatapos lang ng Acquaintance party ng regional organization(Negrense) namin, kaya nangangamoy ako ng harina, kape, toyo,saging,asukal,egg yolk at kung anu-ano pa(pati sariling amoy ata). Ang mga nabanggit ko ay hindi naman ginamit pangluto, kundi para sa initiation sa first years, feeling frat kasi kami.
Hindi naman nagalit ang mga first years, ang mga upperclass naman ay halatang nag-eenjoy na maghigante sa ginawang initiation sa kanila nung first year pa lang sila. Ako naman ay nag-eenjoy lang na kumain dahil absent pala ako nang acquaintance party nung freshman pa lang ako . =) Naisip ko pa na pwede sanang gawing “kumbo” yong pinaghalong itlog,asukal,harina, at saging, sayang talaga.
Masaya ang party dahil una may pagkain, pangalawa, may games, at pangatlo, may sobrang pagkain. Para sa akin hindi naman bawal maglaro kahit tumatanda ka na. Mas lalong di bawal humagikhik,tumawa, at maging masaya kaya tumawa ako ng malakas, walang sawang humagikhik, at naging masaya kanina.
Palagi akong naiinis kapag hinuhusgahan kami ng ibang tao dito sa school. Sabi kasi nila “mayabang” daw ang mga Negrense. Gusto ko sanang sabihin na malaki ang kaibahan ng mayabang sa may ipagmamayabang. Magaganda lang talaga ang mga taga-Negros, sweet, masarap magmahal, matalino, mabait, perpekto, at higit sa lahat, napaka-humble.
Kahit na ang Negros ay naging Repulika noon, ibig sabihin ay hiwalay sa Pilipinas(hindi literally ha!) at may sariling presidente, hindi totoong pinapala ang pera sa Negros. Kung sakaling magdala kayo ng pala papuntang Negros, gamitin mo na lang kung mag-aaplay kang construction worker para magkapera ka .
Kilalang-kilala ang Negros dahil sa “Masskara Festival” ng Bacolod. Akala ng iba,ibig sabihin ng pistang yan ay masaya kami dahil maunlad ang lugar namin. Ang pistang yan, sa totoo lang ay sinimula pagkatapos ng “Don Juan Sea Tragedy” kung saan may humigit-kumulang 400 kataong namatay, karamihan ay Negrense. Ang industriya ng asukal ay bumagsak din ng mga panahong yun kaya lubusang nalugmok sa kahirapan ang Negros, 85% ng populasyon ang bumaba sa poverty line. Dahil sa kahirapan, ang Negros ay naging isa sa may pinakamaraming undermalnourished na bata sa Pilipinas, binansagan pa silang “mga batang Negros”. Sinimulan ang Masskara Festival, hindi para ipakitang masaya kami dahil maunlad kami, kundi para mapaalala sa amin na ngumiti lang kahit sa gitna ng problema.
Sa ngayon, sa palagay ko, unti-unti ng nakakabawi ang Negros, dahil pinapakita naming hindi lang asukal ang meron kami. Ang mga ngiti kanina ay mas matamis pa sa asukal. Nawala ang Regional Organization namin ng dalawang taon dahil sa kadahilanang di ko na alam, pero kanina naipakita naming kaya naman naming tumayo at magsimula muli. Ang alam ko, hindi ako mayabang dahil Negrense ako pero maipagmamayabang kong ako ay isang Negrense. May kaibahan.
Sa araw na to’ yan ang kwento ni Kat.

Sandy Beaches in Negros (note: the picture was copied from http://www.byahilo.com/2008/04/01/basking-in-the-sun-sea-and-sand-in-negros-occidental/)

“The Ruins” sa Bacolod-Talisay City, Negros Occidental

Casaroro Falls sa Valencia, Negros Oriental

Dauin, Negros Oriental
note: ang mga larawan ay hindi ako ang kumuha, asa pa akong ganyan ako kagaling, nakopya ko lang yan sa internet gamit ang keywords na Negros Occidental at Negros Oriental. =)
