Confessions of a Callgirl

Aaminin ko na to. Isa akong callgirl. Nagtatrabaho sa gabi o madaling araw. At ang puhunan ko lamang ay ang labi, boses at laway ko. Lol.  Wala akong maisip na  pang intro. Hahah.

Bago talaga ako masiraan ng ulo sa pinag-iisip ko. Gusto ko nang isulat ‘to. Antagal ko na talagang gustong magkwento kaya lang kahit ang mga taong gustong magkwento, tinatamad din.. hindi magkwento kundi sumulat.

After kong mag resign sa trabaho ko bilang isang Child Development Worker, naghanap uli ako ng trabaho pero  nahirapan ako. Balakid si health condition at naging depress ako. Kaya umabot ako sa puntong.. kahit ano na na lang, basta magka pera na ako. Hahah. At yun ang una kong pagkakamali. Ang mag settle sa kung sinong nandyan kasi nagmamadali na ako. Parang  pag-ibig. hihih

Anyway, ang gusto ko a BPO Industry  ay ang bilis-bilis ng process. Isang araw lang ang interview. Next week na agad magsisimula. Kino-consider ang health condition(O hindi kin-consider.hahah.) Tapos boom! May sweldo ka na.

Nag-enjoy ako sa training kasi nga parang nasa klase lang. Binabayaran ka para makinig at matuto. Sino ang hindi magiging masaya dun? At ang proud-proud ko sa sarili ko kasi ang gandang tignan ng grades ko. Ang galing galing ko. Yun ang pangalawa kong pagkakamali. Akala ko hindi na matatapos ang honeymoon stage. Parang pag-ibig.

Dumating na ang transition. At sa first day ng transition. Yung totoo na talaga. Gusto ko na agad mag resign. Na-tempt akong gumawa ng resignation letter agad-agad. Pero alam mo yun… hindi ko nagawang mag-quit dahil baka pwede pa namang ma-work out. Parang pag-ibig pa rin.

So  nagsimula na ang mga araw na para na akong baliw. Hahah. Alam ko, ang gusto niyong tanungin, ano ba ang nirereklamo mo Kat? Ano ba ang ayaw mo sa trabaho mo? Andali kaya ng trabaho mo. Tapos ang laki pa ng sweldo mo. Sana sa  mga tanong na yan, sapat na ang kasagutang.. hindi ako masaya.

Bakit para na akong baliw? Ganito kasi yun, everytime na payday, ang saya-saya ko sa trabaho ko! Kakain ako diyan, kakain ako dito, bili ng ganyan, bili ng ganun. At higit sa lahat, maligaya si mamah. Tapos sasabihin ko sa sarili ko,tiyaga lang Kat, persevere lang,  wag ka na mag-isip ng happiness, isipin mo na lang kung paano yumaman. Kaya before akong matulog, excited na akong gawin ang best ko sa trabaho ko bukas.  Tapos matutulog ako ng mahimbing at may ngiti sa aking labi.

Tapos mag-aalarm ang cellphone ko. At gusto ko na uli mag-resign. Sira ulo ang peg mehn. Tapos pupunta sa trabaho na may ngiwi sa aking labi.

Tapos may mga araw ding, ok lang ang mga calls. Andali-dali. Pa-ulit-ulit ang trabaho. Minsan di mo na naiisip ang sinasabi mo, sinasabi mo na lang. Tapos sasabihin ko na naman sa sarili kong nahihirapan lang ako sa una kasi nga mahirap daw talaga yung magsimula. It gets better kumbaga.

Tapos may biglang isa o dalawa o tatlong calls na sisira ng araw mo. Racist na callers.  Yung tipong na-solve mo na nga yung problema, gusto pa ng American agent. Sira ulo. Tapos yung gustong ma-solve problema nila agad-agad at gusto ng technician ora mismo,tapos manghihingi ng supervisor kasi hindi mo raw tinulungan. Sira ulo. Meron ngang minumura ang service niyo pati ikaw kasi may circle sa youtube nila at netflix. Alam mo kung ano yung circle??? Yung loading!

At meron ding mga taga-ibang planeta lang talaga ang peg. Lately, may caller na nagtanong kung bakit may utang ang husband niya na  ganito ka laki na wala naman silang ibang account. And ayun, I educated the customer na sa past account niya yun. Na kanya yun na nag roll over sa bills nang asawa niya. Nagalit si customer. Nagsisisi-sigaw. Bakit daw ganun, eh utang niya yun. Ay tanga. Explain ako ng explain na kasi shared responsibility yun ng mag-asawa, conjugal kumbaga. Ayun hindi na nakinig. Naki-jam pa sa argument ang lalaki. So explain ka na naman, tapos ikaw pa daw ang mali. Ang saya-saya ko nang nag hang up sila! Ang sayang mag-callcenter! XD

So kailangan ko pa ba mag-explain kung bakit hind ako masaya? Ayoko ng arguments. Ayoko nang explain ng explain. Hindi ko actually maintindihan how other people put up with this. Hindi ko alam kung paano to natatagalan ng iba talaga. Pero parang may idea din ako kung paano.

Ang iba, hindi nakatapos at nahihirapang maghanap ng trabaho, at ang maganda sa BPO, walang discrimination sa ganyan. Yung  iba, may pamilya na, may anak na pinapa-aral. Sa BPO, wala ding discrimination sa ganyan, kung kasal ka o hindi, kung may ama anak mo wala, kung may tatoo o wala, o kung ano ma ang trip mo.  Ang iba, OFW nang pamilya, sila na lang talaga ang bumubuhay. At may iba na may lifestyle na sweldo ng taga BPO ang makaka-satisfy. In short,wala lang talaga silang choice. Kasi minsan kapag wala kang choice, napipilitan ka o natututong ma-appreciate ang kung anong meron ka. Parang pag-ibig.

Naiinis din ako sa sarili ko eh. Kasi sarili ko lang naiisip ko. Ang iniisip ko lang, paano maging masaya. Wala akong anak na pinapaaral. Sa ngayon, hindi na ako napi-pressure sumuporta sa pamilya ko kasi nag heart to heart talk na kami ni mader.  At meron pa akong boyfriend na hindi ako pini-pressure na magka-career, na gustong maging housewife ako sakaling kasal na kami(and will make kwento about this next time) kasi nga nasa long distance kami at kaya naman daw niya akong suportahan. In short, meron akong choice…At yun ang masaklap. Yung may choice ka  to let go pero you decided to stay. Parang pag-ibig.

Anyway, confused pa rin ako. Minsan tempted akong hindi na magpakita sa work. Pero HUWAG sabi ng utak. Sobrang mali yun. May ready na akong resignation letter. Sinabihan ko na nga TL namin. Pero sabi niya pag isipan ko muna kasi nga may contract and everything. So ayun, I decided to stay at hintayin na lang matapos ang contract. Matatapos in two months. Ang taaaaagaaaaal naaaamaaan. Yung hindi na lang magpa-regularize.  Which is easy kasi hindi din maganda scorecard ko. Ang sakit sa ego pare.

Ano pa ang mas masaklap sa isang UP student na napilitang mag-call center. At hindi ka makakuha ng tres man lang sa grado mo?? Sobrang ang liit ng tingin ko sa sarili ko. Minumura ka na nga, ang pangit pa ng grado mo, parang tanga ka pa for other tenured agent kasi tanong ka ng tanong sa chatroom. At dun ko mare-realize na ang problema saming mga UP student, above average IQ  namin, ang galing galing namin, at higit sa lahat self-deluded din kami. hahah.

Hindi ko alam kung paano tatapusin ‘to. Pero nasa stage ako ng buhay ko na iniisip kong tumatanda na ako pero wala pa akong na-aachieve. Parang napi-pressure ako to prove something kahit wala namang may nagpi-pressure sa’kin. Nasa punto ako kung saan iniisip ko kung hahabulin ko talaga yung pinapangarap ko,yung gusto ko talaga, yung kahit gaano kahirap, alam kong paninindigan ko. Parang pag-ibig. Parang ikaw.

crossroad