Ano nga ba ang iniisip mo
Oh batang Maria
Nang malamang si Immanuel
Ay iyong dinadala?
Ang sanggol na iyong naririnig
na umiiyak, tumatawa
Ay siya ding Diyos na sa kulog
At kidlat ay gumawa.
Tuwing tinitignan mo
Ang kumikislap niyang mata,
Naisip mo kayang araw, buwan, bituin
Ay kanyang mga likha?
Kapag siya’y lumuluha
At mukha niya’y pinapahiran,
Sumagi ba sa’yo na siya ang dahilan
Bakit may karagatan,ilog at ulan?
Sanggol na tinuturuan mo
Magsalita ng ama o kaya ina,
Ay Siya ding bumuo ng sanlibutan
Sa isang bigkas lamang Niya.
Maliliit na kamay na’yong iniingatan
Alam mo kaya Maria, na ‘yan
Ay ipapako’t masasaktan
Para sa’yong kaligtasan?
Ano nga ba ang iniisip mo
Oh batang Maria,
Nang malamang si Immanuel
Ay iyong dinadala?
