CS-I

“Pa, CS ako.”

“Ano nga ibig sabihin nun?”

“Parang Dean’s Lister pero College Scholar lang ang tawag. heheh”

“Ano yung Dean’s Lister?”

“Parang honor student. heheh”

Alam ko, hindi importante sa mga magulang ko kung ano man yang CS na yan o anuman ang Dean’s Lister kasi kailanman, di nila ako pinilit na magkaroon ng mataas na grades, kahit kailan hindi nila sinabi na sana ganito o ganun. Masaya lang sila na malaman nilang ok ako at masaya ako sa aking pag-aaral. Oks na oks na silang malaman hindi ako humihithit ng sigarilyo(naghihithit lang ng Mik-Mik na milk powder candy. hahah ), o nagpapakalasing(mukhang lasing na ako eh), o tumitira ng droga(adik na ako eh.hahah).

Pagkatapos kong bayaran ang mga teachers ko, matapos kong i-plagiarize thesis ko(joke lang, it’s a disgrace to the academe kaya!ay, natakot. hahah), magkaroon ng boyfriend na tagagawa ng assignments ko, i-tatoo sa katawan ko ang notes ko para sa exam, at uminom ng isang galong omega 3.. sa wakas, naging CS din. eheh. 🙂

Ma,hindi ko na ihihirit ang joke na muntik na akong maging CS kasi katabi ko yung mga CS sa’min. Hindi ko na rin sasabihing parang CS na ako kasi kulang lang naman ng .000000001 atsaka hindi ko rin sasabihing perfect na sana ako sa exam kung wala lang akong wrong. hahah.

Alam ko OA ako at kaya lang naman ng iba maging CS kahit na hindi na sila pumasok sa eskwela at kahit nakapikit pa sila o naka-blindfold sa exam o habang kumukuha ng exam ay tumatawid sa alambre na may apoy, may mga bubog pa(ewan ko lang kung saan nakasabit ang bubog) at may mga lion pa sa ilalim…pero masaya pa rin ako. 🙂

Para talaga ‘to sa Poong Maykapal, sa parents ko, mga kaibigan, at inspirasyon. 🙂
Salamat sa inyo, hindi ko naman talaga kaya to kung wala kayo. 😉 Ay, scripted na para bang oscar awards lang. hahah. basta,yun na yun. 😉


P.S. nung nakaraang buwan ko pa dapat na-post ‘to pero shy ako. heheh