Ano Nangyari Sa'yo?

Palagi kong sinasabi sa sarili ko na hindi importante ang pera, na kailanman, hindi pera ang siyang magiging dahilan ng pagbabago ng aking mga desisyon, na hindi pera ang magiging basehan ng mga gagawin ko sa buhay pero unti-unti kong kinakain ang mga sinasabi ko ngayon..

Bakit pinili mong  mapalayo sa pamilya mo para mag-aral? Kasi kailangan maganda ang school para may trabaho para sa pera.

Bakit ba kumukuha ka ng management kahit literature naman talaga ang gusto mong pang double major? Kasi sa management, may pera.

Bakit ka ba nag-apply bilang Student Assistant kahit alam mong may thesis ka ngayon? Kasi may sweldo, ibig sabihin, may pera.

Bakit ba kadalsan half-cup na lang ng kanin kinakain mo? Kasi  nakatipid ako  ng tatlong piso, may pera?

Bakit ka diet ng diet? Para makatipid.. para may pera.

Bakit kahit nagbibingi-bingihan si manong driver sa pagsigaw mo na estudyante ka, sigaw ka pa rin, hanggang sa mairita si manong? Para sa dalawang peso. heheh

Bakit yung pinapasa mong 25 pages na paper, hindi naka-folder, at stapled lang?hahah.  Sayang yung sampung piso.

Ano nangyari saýo? Asan na ang pinangako mo sa sarili mo na wag patayin sarili mo para sa pera? Madadala mo ba yan sa langit? wala akong masabing matino, pero ang alam ko, kapag nabubuhay ako para sa pera, mapapadali pagkamatay ko.hahah 🙂

null

buti pa ang pera, may tao... ang tao,walang pera. hahah

Hindi ito kwento, reklamong ewan lang. hahah

Ma-i-share ko lang, nung isang araw, si manong konduktor, sinabihan ko ng nakabayad na ako, maya-maya tinanong niya ako kung nakabayad na ako. “Nakabayad na po” sabi ko naman. Ilang minuto ang nakalipas, sinabihan niya na naman ako, “Miss asan na bayad mo?”.  Ang nangyari,pinapaslang ko na si manong, at ang last words niya “Nakabayad ka na miss?” . Hahah. Ang masasabi ko lang kay manong kung buhay pa yun; “Manong, nakakainsulto ka talaga, medyo di lang ako nakapaligo kaya nagmukha akong dukha, pero manong, nagbabayad din ang dukha. hahah”. wala lang, may masabi lang. 🙂