Nakaka-confused. Nung bata pa ako, tuwing maririnig ko ang mga matatanda ng mag-usap tungkol sa buhay at mga bagay-bagay, parang lahat ng sasabihin nila, tama. Kaya ayun, mas madaling mag-isip na “Ah ganun pala yun”.
Tapos darating ka sa puntong para kang tanga. Yung humahayskul ka at nagsasalita ng mga kung anu-ano kagaya ng..
“Hindi niyo ako naiintindihan”.(HAHAH!)
“Malaki na ako, alam ko na ang ginagawa ko.” (hahah ulit.XD)
at heto pa ang matindi..
“Parang kayo pa ang nagmamahal.” (hahahahah.)
Kapag highschool ka iisipin mong tama ka. Na walang makakapigil sa mga plano at gusto mo. Na hindi ka lang talaga naiintindihan ng mga mas nakakatanda sa’yo. Na best choice talaga yung mga crush mong may may mala-F4 na buhok at sinasayawan ang mga kanta ng Backstreet Boys. At yung maniniwala ka talaga sa kung anu-anong ka-chessyhan at ka-emohan na pinagsasabi sa’yo.
Tapos,bigla kang tatanda. Sisimulan mong mangarap para sa sarili mo at sa pamilya mo. Lalo na pagka-graduate mo ng college. Iisipin mong “you’re on top of the world”. Na gagawin mo ang best mo para baguhin ang sarili mo, ang sistema, ang mundo. Na magvo-volunteer ka sa Africa o China para magpakain sa mga bata. Na susulat ka ng tula o librong magbibigay uli ng pag-asa sa ibang mangarap. Na mag-iimbento ka ng kung ano para magbigay ng solusyon sa cancer at climate change. Na iikutin mo at babaguhin ang mundo.
Pero mare-realize mong may mga bills na kailangang bayaran. Na may sabon, shampoo, deodorant at toothpaste sa na kailngang bilhin. Na ang mga pinggan ay hindi kayang hugasan ang sarili nila. Na hindi rin kayang labhan ng mga damit ang sarili nila. Na mas mahirap palang mag-diet kesa sa Algebra exam mo. Na sobrang nakakatawa pakinggan ang mga highschool kapag nag-eemote sila. Na kasing tigas ng platinum ang pag-uugali ng mga tao sa paligid mo. At ang sistema, unti-unting babaguhin ka. In short, tatanda ka.
At makikinig ka sa mga bata sa’yo at iisipin na, hindi nila alam ang ginagawa nila . At maririnig mo sa kanilang “hindi mo ako naiintindihan” at meron pa silang i’ll-prove-you-wrong-attitude. At matatawa ka at iisiping “Ito pala ang pakiramdam ng mga mas nakakatanda sa’kin noon na nagsasabing– nanggaling na kami diyan”.
Pero paano kapag gusto mo pa ring mangarap? Na gusto mo pa ring baguhin ang mundo. Na gusto mo pa ring sumayaw na parang walang may nakakakita sa’yo. Na gusto mong kumanta na parang nasa CR ka lang. Na gusto mong mag-volunteer para sa mga batang ginugutom? Na gusto mong magmahal na parang di ka takot? Paano kung gusto mo pa ring baguhin ang mundo sa paraang alam mo?
Makikinig ka pa rin ba sa mga mas nakakatandang nagsasabing–Hindi mo alam ang ginagawa mo.
At kung sasabihin mong–Hindi mo ako naiintindihan.
Tapos sasagot silang–Nanggaling na kami diyan.
Darating kaya uli ang pagkakataong sasabihin mong “Ito pala ang pakiramdam ng mga mas nakakatanda sa’kin noon na nagsasabing– nanggaling na kami diyan”?
