Takot Ako

Takot ako..

Noong Elementarya..

Sa Monster sa ilalim ng aking kama

Kaya meron akong kumot para magtago.

Sa terror teacher na may stick

Kaya bumibili ako ng tocino.

Sa nanay kong masungit

Kaya naghuhugas na ako ng pinggan.

Noong Hayskul..

Sabihing akoý naiiba

Kaya naging ordinaryo ako.

Aminin na akoý talunan

Kaya tinatakpan ko pagkakamali ko.

Mawalan ng kaibigan

Kaya nagpakatotoo na lang ako.

Ngayon..

Takot ako sa monster sa harap ng salamin

Sa teacher na nagbibigay ng singko

Na mabigo ko nanay ko

Na maging ordinaryo

Na maging talunan

Na mawalan ng kaibigan.

at higit sa lahat,

Na mawala ka..

Dahil sa mga takot ko.