Minsan pala, ang hayop parang tao. 🙂
Nandito ako ngayon sa bahay ng amo ng lola ko kaya parang ingat na ingat ako sa mga pinaggagawa ko. Baka kasi makabasag ako ng vase at matandaan ko na ang tamang answer sa question sa GMRC, kung anong dapat gawin sa ganitong sitwasyon, ay sabihin na ang nakababatang kapatid mo nga ang nakabasag.
Cook ang lola ko dito,at kung ano ang pinag-iba nyan sa chef ay kayo na ang mag-google. Mabait naman ang mga amo ni lola kaya next time na ako mag-blog tungkol sa kanila kung maltratuhin nila ako. heheh
Ano ang connect ng sinabi ko sa intro at 2nd paragraph? Wala. nagpapahaba lang ng post na according sa stat ay dahilan kung bakit di na nagbabasa ang iba ng blogs. hehe
Nasisiyahan lang ako dahil may mga aso ditong ubod ng cute. Si Honey atsaka si Hutchy. Si honey ay isang 9 year old na dutch hound at si hutchy naman ay isang Siberian Husky na hanggang ngayon ay itinanggi ang tunay na edad. Para sa hindi nakakaalam kong ano mukha ng mga ganyang klase, nag-research ako para sa inyo. 🙂

Ang cute lang talaga kasi parang tao lang din pala sila. Hindi kasi ako masyadong mahilig sa aso noon kasi takot ako na kagatin at bigla na lang akong mangagat din ng iba.
Kung napapadaan ako kay Honey,bigla na lang siyang hihiga ng patihaya. Kaya naman naisip kong lapitan siya at haplusin ang balahibo niya at tsaka ang ulo niya. Para naman siyang pumipikit at parang inaantok at maya-mayaý matutulog na.
Kung mapapadaan uli ako, parang hinahabol na niya ako at biglang dinidilaan ang mga kamay ko. Para siyang nagpapapansin para lambingin. 🙂 Kung hindi ko siya pansinin, naglulungkot-lungkutan at tapos tinititigan ako na para bang iiyak, kaya naman di ko matiis. May naalala lang din ako. ^^
Wala ako masyadong bonding time with Hutchy kasi nakakatakot siya tignan pero sabi naman ng owner niya “Don’t worry, she’s friendly”. At ako namaý huminga ng malalim at naisip na rhyme pala ang worry tsaka friendly.
Naisip ko lang na parang naiiinggit si Hutchy kung pinapansin ko si Honey kasi parang gusto niyang kumawala sa hawla niya, at tsaka nung nakalabas sya,pinuntahan niya agad ako na abala naman sa pakikipaglalaro kasama si Honey. Nagtahulan silang dalawa lalo na si Honey. Ay, lesbiana ba ang dalawang ito at nagseselos sa atensyon ko? hahah.Nang makaalis na si Hutchy ay tumahan na sa pagtahol si Honey at humiga na lang ulit.
Natutuwa ako sa kanila kaya naman parang naiirita ako sa isang kasambahay dito na kung anu-anong pinagsasabi kay Honey,eh wala namang ginagawang masama ang aso. Sipain niya raw tsaka kung anu-ano pa.Hindi naman niya sinaktan,threat lang pero malay natin, nag-aral si Honey ng wikang tao at naintindihan yun.
Minsan pala, ang tao parang hayop.