Puso Koý Itali Mo

Ang Puso ko
Laging Nalilito
Madalas mawala
At napapariwara
Naibigay sa iba
Nahati sa Dalawa
Uminom ng alak
At napaiyak
Puno ng takot
At saya’y di maabot

Ang puso Mo
Kayang magsakripisyo
Nagbibigay awa
At di nagpapabaya
Nakikiiyak
Sa mga napapahamak
Pagmamahal ang nakalaan
Sa mga nasasaktan
Kayang magpasensya
At magbigay ng saya.

Sa iyong kamay
Puso ko’y may gabay
Sa iyong piling
Walang kahambing
Kaya ang panalangin
Ng pusong naninimdim
Para hindi na mawala
At mapariwara
O Panginoon ko
Puso koý Itali Mo.